"Baka magalit ang iyong nobyo dahil lumalapit ka sa akin," wala sa sariling tanong ni Vladimir kay Katherine dahil nais niyang malaman kung ano ang magiging sagot ng dalaga. "Ako na ang bahala may Roman, saka wala naman tayong ginagawa na ikakagalit niya. Isa pa ay abala siya ngayon dahil pumunta siya sa kanilang kampo." "Kampo?" naguguluhan na tanong ni Vladimir. "Oo, isa kasing sundalo si Roman kaya naman palagi siyang wala rito at nasa kanilang kampo," paliwanag naman ni Katherine kay Vladimir kaya naman naman napatango na lang siya. "Kanina ka pa narito pero hindi pa kita naaalok ng kahit ano. Pasensya, ano bang gusto mo? Tubig? Naku, pasensya ka na rin dahil napakakalat pala dito hindi ako nakapaglinis. H-hindi ko kasi inaasahan na pupunta ka dito," natatawa naman si Katherine sa

