"Silla? Kay gandang ngalan naman," napangiti si Vladimir sa sinabi ni Katherine dahil ang ang pangalan na Silla ay kinuha niya sa ngalan ng kanuang ina na matagal nang yumao. Simula ng araw na iyon ay magkasamang inalagan nina Vladimir at Katherine ang kuneho na iniligtas ni Vladimir mula sa tigre. Paminsan ay tumutulong rin sa kanya ang dalaga sa mga trabaho sa sakahan at mga tupa. Ayaw nga ni Vladimir na patulungin si Katherine pero nagpupumilit ang dalaga at tinatakot siya nito na magagalit ito sa kanya. Nasa pagamutan pa kasi si Mang Esteban kaya naman mas lalong ginagalingan ni Vladimir ang kanyang pagtratrabaho. Ayaw rin ni Vladimir na siya ay mapahiya dito at nais niya talagang tumulong. Samantala sa kaharian ng Almeria ay nagpupuyos pa rin sa galit ang amang hari ni Vladimir dah

