Samantala si Lucas ay nagpupuyos ang damdamin dahil sa tindi ng galit na kanyang nararamdaman ngayon para sa Haring Luther. "Sinabi ko naman kasi huwag kang basta-basta pumunta doon at magwala na parang bata." "Nasasabi mo lang yan dahil hindi ikaw ang nasasaktan!" "Kailangan mo kontrilin ang sarili mo kung nais mong pamunuan ang Almeria. Isa pa ay may mga mahahalaga ka pang gagawin na dapat mong unahin kesa dito." "Naiintindihan ko naman kaso minsan hindi ko lang talaga maiwasan. Lalo na kanina dahil sa sinabi ng aking kapatid," sagot niya sa kanyang kausap. "Konting hintay na lang at mapapasayo na rin ang kaharian. Sa susunod na pagkikita niyong dalawa ay siya naman ang luluhod sa 'yong harapan," napangiti naman si Lucas sa sinabi sa kanya ng bampirang kaharap niya. Napalingon nama

