Dahil sa takot ay napapaatras ang babae dahil natatakot siya kay Lucas hanggang sa wala na siyang maurungan dahil pader na ng kwarto ang nasa likuran niya. Lumabas na rin ng kwarto ni Lucas ang kanyang kausap kaya naman silang dalawa na lang ng babaeng regalo niya ang naiwanan sa kwarto. "Bantayan niyo siya," utos ng kausap ni Lucas sa mga tauhan nito. Bilang tugon ng mga ito ay tumango sila. Bago tuluyan itong makaalis ay rinig na rinig niya ang sigaw at daing ng babae kaya naman alam niyang inumpisahan na ni Lucas ang pagpapaligaya sa kanyang sarili. Kaya niya binigyan ng handog si Lucas ay dahil ayaw niyang magpagala-gala ito sa Almeria dahil ayaw niyang masira ang kanyang plano. Hatinggabi na ngunit rinig pa rin ang mumunting daing ng babae dahil sa sakit na dulot ni Lucas sa kanya

