Chapter 1 : Pangarap

1026 Words
Chapter 1 : Pangarap "Ipinatawag niyo daw po ako Panginoon," nakayukong sabi ni Aldous habang nakaharap sa kanyang Panginoong Luther, ang hari ng mga bampira. Kasalukuyang may binabasang scroll si Luther ng dumating si Aldous. Si Aldous ang kanang kamay ni Panginoong Luther simula ng siya ang umupo sa trono na naiwanan ng kanyang ama, ilang libong taon na ang nakakaraan. Ibinaba muna ni Panginoon Luther ang hawak niyang scroll bago niya tinignan ang nakayukong si Aldous. "Ipatawag mo si Vladimir, isasama ko siyang mangaso sa kagubatan ng Puerto," maawtoridad na wika ni Panginoong Luther kaya naman napalunok ng kanyang laway si Aldous dahil nakaramdam ito ng kaba. Alam niya kasi na magagalit ang kanyang Panginoon sa kanyang sasabihin. "Humihingi po ako ng patawad mahal kong Panginoon, ngunit hindi makakasama sa inyo si Master Vladimir," hindi nagustuhan ni Panginoong Luther ang sinabi ni Aldous kaya naman nahampas niya ang kanyang lamesa. Sa lakas ng pagkakahampas ni Panginoong Luther sa lamesa ay nagkaroon ng ito ng bitak at namatay sindi ang mga kandila na nagsisilbing ilaw sa kwarto ni Panginoong Luther. "Sinusuway mo na ba ang aking kautusan?" napailing si Aldous sa itinanong ng kanyang Panginoon. "Kahit kailan ay wala akong karapatan upang suwayin ang kahit na anumang kautusan ninyo Panginoon," nakayuko pa ring sagot ni Aldous kay Panginoong Luther. "Kagabi pa po nawawala si Master Vladimir at hindi pa rin po siya nahahanap." Mas lalong nagngitngit sa galit si Panginoong Luther dahil sa kanyang narinig. Kahit kailan talaga ay nagiging sakit sa ulo niya ang nag-iisang anak at tagapagmana niya na si Vladimir. Ibinibigay naman niya ang mga gusto ni Vladimir pero mas gusto pa nitong kalaro ang mga alipin nilang tao noong bata pa siya. Minsan nga ay nasabi sa kanya ni Vladimir na nais niyang maging isang ganap na tao kaya ang ginawa niya ay ikinulong niya ang kanyang anak sa madilim na dungeon sa ilalim ng kanilang palasyo. "Ilang daang taon na si Vladimir pero umaasta pa rin siyang bata. Siya ang susunod na hari ng Almeìra sa ayaw at sa gusto niya! Hanapin siya, magmadali!" utos ni Panginoong Luther kay Aldous kaya naman tumalima agad si Aldous ayaw pa niya kasi na mapugutan ng ulo. Humarap si Panginoong Luther sa malaking larawan ng kanyang yumaong asawa, si Drusilla. Makikita ang kalungkutan at pangungulila sa mga mata ni Panginoong Luther. Kilala man siya bilang mabagsik at matigas na hari ng Almerìa ay may itinatagong siyang kalambutan ng kalooban lalo na sa kanyang yumaong asawa. "Drusilla, mahal ko, alam mo bang manang mana sa 'yo ang ating anak?" sabi nito saka niya hinaplos ang larawan ng kanyang asawa na tila isang buhay pa. "Pero gagawin ko ang lahat upang maprotektahan siya at ang kahariang ito. Gaya ng iyong kahilingan." Masayang masaya si Vladimir habang mabilis siyang tumatakbo sa kagubatan ng Puerto. Hindi niya inaalala na magagalit sa kanya ang kanyang amang si Panginoong Luther. Nakapagdesisyon na siya na aalis na siya sa kanilang kaharian. Nais na niyang lumayo sa kinalakihang kaharian nila. Ang nais niya ay maka pamumuhay ng tahimik kasama ang mga tao. Matagal ng gusto ni Vladimir na maging isang ganap na tao. Ayaw niyang matulad sa kanyang ama na maging isang halimaw habangbuhay. Ayaw niya ding pamunuan ang kanilang kaharian. Ipinapangako niya sa kanyang sarili na hindi siya mapipilit ng kanyang ama kahit na ano man ang mangyari. Puro pasakit at kalungkutan lamang ang naranasan ni Vladimir doon. Oras na para tumayo sa kanyang sariling mga paa. Hindi na siya magiging sunod sunuran sa mga utos ng kanyang amang hari. Hindi na siya muling magpapakontrol dito. Napatingin si Vladimir sa kalangitan, papasikat na ang araw kaya naman napangiti siya dahil naalala niya ang kanyang ina na matagal ng yumao. Gustong gusto niya na makita ang pagbubukang liwayway. "Ina, sa wakas hindi na ako takot sa kanya. Magagawa ko na ang matagal ko ng pinapangarap," kausap ni Vladimir sa kanyang ina habang nakatingala sa kalangitan. Tumigil muna siya saglit upang damahin ang pagtama ng sikat ng araw sa kanyang balat. Nakita niya ang pag-usok ng kanyang balat dahil nasusunog iyon dala ng sikat ng araw pero hindi niya ininda ang hapdi at kirot. Bagkus nababalutan siya ng kakaibang kasiyahan sa mga oras na ito. Naramdaman ni Vladimir na nasa paligid lang ang mga tauhan ng kanyang amang hari kaya naman naudlot ang kasiyahan na kanyang nararamdaman. Walang nakakaalam na may kakayahan si Vladimir na itago ang kanyang aura, tanging siya lang ang nakakaalam sa bagay na iyon. Hangga't maaari ay ayaw niya na may masaktan siya ni isa sa mga ito. Hindi naman siya duwag pero ayaw niya lang na may nasasaktan siya gamit ang sarili niyang mga kamay. "Huwag niyo na kasi ako hanapin," bulong ni Vladimir sa hangin saka muling tumakbo ng mabilis. Ang mga bampira kasi ay malakas ang pakiramdam, may kakayahang mapabilis ang pagkilos o takbo, matalas ang paningin at pang-amoy. Bawat bampira ay may mga natatanging ding kakayahan. Hindi namalayan ni Vladimir na nakarating na siya sa baryo Sta. Barbara. Napakalayo na ito sa Almerìa kaya tiyak siyang hindi siya masusundan ng kanyang ama dito. Simple lang ang pamumuhay ng mga tao dito. Kilala ng bawat tao ang isa't isa sa baryong ito. Mababait rin ang mga mamamayan ng Sta. Barbara. Nagustuhan ni Vladimir ang lugar ng Sta. Barbara. Namangha siya sa malawak na palayan at mapupunong lugar. Napakasariwa ng hangin sa lugar na ito. Mula sa kinatatayuan niyang mataas na bundok ay kitang kita niya ang kabuuan ng Sta. Barbara. Kahit ito ang pinakamaliit na baryo sa kanilang lugar ay isa rin ito sa mga masasaganang baryo. Masisipag ang mga tao dito, isa pa ay marami rin silang mga alagang hayop. Ipinagbibili nila ang mga ito kasama ng maaani nilang palay sa pamilihan ng Sta. Barbara. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Vladimir dahil alam niyang ito na ang tamang lugar upang maisakatuparan niya ang pangarap niyang makapamumuhay ng simple at masaya. Sa Sta. Barbara siya magsisimula ng panibagong buhay niya. Malayo sa malupit niyang ama. "Ina, nakita ko na ang matagal ko ng hinahanap. Magiging masaya na rin ako kagaya ng gusto niyo." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD