Chapter 2 : Sta. Barbara

1061 Words
Chapter 2 : Sta. Barbara Masayang-masaya si Vladimir habang pinagmamasdan niyang ang magiging tirahan niya sa Sta. Barbara. Wala na inaksayang oras si Vladimir kanina, agad siyang pumunta sa pamilihan ng Sta. Barbara at ipinagpalit niya ang mga dala niyang ginto upang ito ay maging salapi. Ito ang gagamitin niya upang makahanap ng matitirhan. Hindi kalaunan ay nakahanap siya ng matitirhang bahay. Inalok siya ng matandang babae na umupa sa maliit nitong nipa hut na malapit lamang sa palayan. Dahil wala na daw ibang matutuluyan sa ngayon sa Sta. Barbara. Agad iyong tinanggap ni Vladimir at labis siyang nasisiyahan sa bago niyang titirhan. Tamang tama lamang sa kanya ang nipa hut. Dahil sa labis na kasiyahan ni Vladimir ay ibinigay niya ang lahat ng salapi niya sa matandang may-ari ng nipa hut. Pero mabait ang matandang babae at isinauli niya ang sobrang salapi ni Vladimir. Sinabi nito na sobra ang ibinayad ni Vladimir para sa isang buwan. Kaya ang sabi ni Vladimir ay magtatagal siya sa lugar na iyon. Dahil makulit si Vladimir ay nagbayad ito ng pang-isang taong niyang upa at tinanggap naman iyon ng matandang babae. Nagpakilala sa kanya ang matandang babae, ang pangalan daw niya ay Selma. Habang masayang pinagmamasdan ni Vladimir ang loob ng nipa hut ay may kumatok sa kahoy nitong pintuan. Kaya binuksan naman iyon ni Vladimir. "Hijo, eto ang mga kumot at unan. Nagdala na rin ako ng maisusuot mo. Nakikita ko kasi na wala kang dala ni isang gamit," natigilan naman si Vladimir sa sinabi ni Aling Selma. "Ah iyon po ba? O-opo, kakamatay lang po kasi ng aking ama kaya nawala sa isip ko na magdala ng gamit. Tanging naipon na pera lang po ang nadala ko," pagdadahilan ni Vladimir kay Aling Selma. "Labis ka sigurong nasaktan sa pagkamatay ng iyong ama kaya ka umalis sa inyo. Ang akala ko pa nga ay naglayas ka," ngiti na lang ang isinagot ni Vladimir kay Aling Selma. "Paano Blad-," "Vlad po Aling Selma," natatawang pagtatama ni Vladimir sa pagbigkas ng kanyang pangalan. "Pasensya ka na Vlad," natatawa ring sabi ni Aling Selma. "Paano mauna na ako hijo. Oo nga pala sumabay ka na lang sa amin mamaya mag tanghalian." "Hindi na po Aling Selma hindi pa naman po ako nagugutom eh," nakangiting sagot ni Vladimir kaya naman nagpaalam na sa kanya si Aling Selma. Hindi sa hindi pa gutom si Vladimir. Sadyang hindi ito kumakain na kahit na anumang pagkain maliban sa sariwang dugo ng hayop. Kapag makakakain kasi silang mga bampira ng pagkain o inumin ng tao ay sasakitan sila ng tiyan. Tanging sariwang dugo lang ng hayop ang iniinom ni Vladimir. Ni minsan ay hindi pa nakakatikim ng dugo ng tao si Vladimir dahil ayaw niya rin. Kahit na pilitin siya ng ama niya ay hindi siya pumapayag. Isa rin ito sa mga ikinagagalit ng ama niya sa kanya. Pero ngayong nasa Sta. Barbara na siya hindi na siya madidiktahan ng kanyang ama. "Aling Selma?" tawag niya sa may-ari ng nipa hut na kanyanv tinutuluyan. Alam naman kasi ni Vladimir kung saan banda ang tirahan nito. Nais niya magtanong kay Aling Selma kung may alam itong trabaho. Ayaw naman ni Vladimir na tumunganga na lang siya habangbuhay sa nipa hut na kanyang tinitirhan. "Aling Selma?" tawag pa ulit ni Vladimir. Pinakiramdaman niya ang paligid kung may magbubukas ng pintuan. Hindi naman naghintay ng matagal si Vladimir dahil bumukas ang pintuan ng bahay nina Aling Selma. Isang hindi katangkaran na babae ang nagbukas ng pinto. Ito ay si Salima ang panganay na anak ni Aling Selma sa kanyang asawang si Mang Esteban. "Ke aga-aga may nang-iistorbo na," masungit na sabi nito kaya naman napaatras ng kaunti si Vladimir. Napatigil at napatulala si Salima ng magtagpo ang mata nilang dalawa ni Vladimir. Tila nabighani ito sa kulay ng mata ni Vladimir na kakulay ng mga kalangitan. Ang tangos ng kanyang ilong ay mas lalong nagbigay sa kanya ng kakaibang aura. Napadako naman ang tingin ni Salima sa mapupulang labi ni Vladimir hanggang sa adam's apple nito. Napansin ni Vladimir na labis na yata ang pagtitig sa kanya ng babaeng nasa harapan niya kaya naman nagsalita na ito. "Nandiyan ba si Aling Selma?" tila walang narinig ang babae dahil nakatitig na ito sa matitipunong dibdib ni Vladimir na bakas sa damit na ibinigay ni Aling Selma kahapon. "Salima, ang tagal mo naman yatang bumalik. Sino ba iyang nasa labas na tumatawag?" narinig ni Vladimir ang tinuran ni Aling Selma kaya naman nilakas na lang niya ang boses niya dahil mukhang hindi naman siya naririnig ng babaeng nasa harapan niya. "Aling Selma, ako po ito si Vlad," pasigaw na sabi ni Vladimir saka niya nakita na papalapit na si Aling Selma sa kanila. "Vlad hijo, ikaw pala. Tuloy, halika pasok ka," paanyaya sa kanya ni Aling Selma pero napansin niya si Salima na nakatulala kay Vladimir. "Salima!" Bumalik naman sa kanyang wisyo si Salima dahil sa sigaw ng kanyang ina. Sinenyasan niya ito na pumasok na sa loob. Nahuli pa nga ng kanyang ina na sumulyap pa ng mabilisan ang anak kay Vladimir. "Pasensya ka na Vlad sa anak ko," nakangiting sabi ni Aling Selma sa kanya. "Ayos lang po, kayo naman po ang sadya ko," sabi ni Vladimir at sumunod ito kay Aling Selma na pumasok sa loob ng bahay. "Itatanong ko lang po kung may alam po kayo na pwede kong mapasukan na trabaho dito sa Sta. Barbara." "Trabaho ba ang hanap mo hijo? Bakit hindi mo subukan na magtrabaho sa akin? Hindi naman iyon mabigat. Nakikita ko pa naman sa katawan at kamay mo na hindi ka sanay magtrabaho ng mabibigat." Napalingon si Vladimir sa nagsalitang lalake sa bandang likuran niya. Hindi naman ito ganun katanda pero may mangilan-ngilan na itong puting buhok. Namangha si Vladimir dahil nalaman nito na hindi nga siya sanay gumawa ng mabibigat na gawain dahil simula noong bata pa siya ay laging may mga alipin ang nasa tabi niya upang pagsilbihan siya. "Siya ang asawa ko Vlad, ang pangalan niya ay Esteban. Mahal, siya naman ang ikinukwento ko sa 'yo na bagong lipat sa nipa hut natin," pagpapakilala ni Aling Selma sa kanyang asawa. "Magandang umaga po Mang Esteban. Ano po ba ang trabaho na inaalok niyo?" tanong ni Vladimir dahil interesado siya. Kahit ano pa yan handa siyang matutunan. "Babantayan mo lang ang mga tupa ko," ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD