Chapter 3 : Unang Kabiguan sa Pag-Ibig

1174 Words
Chapter 3 : Unang Kabiguan sa Pag-ibig Hindi na nag-aksaya pa ng pagkakataon si Vladimir. Tinanggap na niya ang trabaho bilang tagabantay at tagapastol ng tupa ni Mang Esteban. Hindi na rin siya mahihirapan dahil malapit lang ang kulungan ng mga tupa sa nipa hut na kanyang tinitirhan. Idinagdag pa ni Mang Esteban na bantayan rin ang maliit nilang palayan na malapit lang rin sa kulungan ng mga tupa. Maaga pa lang ay pumunta na si Vladimir sa bahay nina Aling Selma at Mang Esteban upang sabihin na ngayon na siya mag-uumpisa sa kanyang trabahao. Natuwa naman sa kanya ang dalawang matanda kaya naman sinamahan ni Mang Esteban si Vladimir sa palayan upang ipaliwanag at ituro sa kanya ang mga dapat na gagawin nito. Agad naman natutunan ni Vladimir ang mga tinuturo sa kanya ni Mang Esteban dahil ang mga uri niya ay matatalas ang isip, kaya naman hindi naging mahirap sa kanya ang kanyang trabaho. Araw-araw na nagtratrabaho si Vladimir kay Mang Esteban. Minsan nga ay napapansin na lang na may mangilan-ngilan na kababaihan ang nanunuod sa pagtratrabaho ni Vladimir. Hindi naman kasi maipagkakaila na mas lalong gumwapo at kita ang muscle ni Vladimir sa simpleng suot nitong damit na bigay pa ni Aling Selma. "Vlad, uminom ka muna ng tubig," alok sa kanya ng maiinom na tubig ni Salima. Kakatapos lang kasi tumulong ni Vladimir sa pag-aani ng palay kina Mang Esteban at Aling Selma. "Salamat," nakangiting tugon ni Vladimir kay Salima saka kinuha ang baso na may lamang tubig. Tinignan pa nga ni Vladimir si Salima na naghihintay na inumin niya ang ibinigay na tubig. "Vlad, halika muna saglit. Magpapatulong lang ako pabuhat ang mga sakong ito," nakahinga ng maluwag si Vladimir dahil tinawag siya ni Mang Esteban. Pagkatalikod ay napapadyak na lang si Salima sa lupa dahil agad na tinawag ng kanyang ama si Vladimir. Walang nagawa ang dalaga kundi ang umuwi sa kanila upang magluto ng tanghalian nila. "Salamat Vlad, noong kabataan ko ay ganyan rin ako. Dalawang sako pa nga ang kaya kong buhatin," pagbibiro ni Mang Esteban kay Vlad nang matapos siyang magbuhat ng sako na inani nila. "Naku Esteban, nagmayabang ka nanaman," natatawang sabi ni Aling Selma na kakarating lang at tila hinihingal. "Paano Vlad babalik na kami sa aming bahay. Ako ay hinahapo na. Babalik na lang kami ni Esteban mamayang hapon si Salima na ang maghahatid ng makakain mo." Bumalik na nga sina Mang Esteban at Aling Selma sa kanilang bahay kaya naman naiwan si Vladimir sa palayan at sa tupahan. Napagdesisyonan ni Vladimir na magpalit siya ng damit dahil naputikan ang kanyang puting damit na suot. Sa labas na rin nagbihis si Vladimir. Sa hindi kalayuan ay may babaeng umaakyat sa puno ng niyog upang makapitas siya ng buko dahil natatakam siya sa sabaw ng buko, ang babaeng iyon ay si Katherine. Makukuha na sana ni Katherine ang buko nang matanaw niya si Vladimir habang hinuhubad ang suot na damit. Tila nag-slowmo ang galaw ni Vladimir sa kanyang paningin habang nag-bibihis. Pati ang pagkurap ni Katherine ay nag-slowmo na rin. Napalunok siya ng laway nang makita ang naglalakihang pandesal ni Vladimir sa kanyang tiyan. Idagdag pa ang macho nitong muscle sa mga braso ng lalake. Naramdaman ni Vladimir na may pares ng mata ang nakatingin sa kanya mula sa hindi kalayuan. Alam niyang presensiya iyon ng tao at madali lang niya nahanap kung nasaan ito. Malinaw na nakikita ni Vladimir na isang magandang dilag na nasa taas ng puno ng niyog ang nakatingin sa kanya. Mula sa kinatatayuan ni Vladimir ay naaamoy niya ang dugo ng dalagang nakatingin sa kanya na tila sumasabay sa ihip ng hangin. Nakaramdam ng init si Vladimir sa kanyang katawan at naging kulay pula saglit ang kanyang mga mata. Para siyang mababaliw sa kanyang nararamdaman ngayon. Gusto na niyang lapitan ang babae pero nasa tamang katinuan pa siya at baka matakot sa kanya ang babae. Hindi maipagkakaila ni Vladimir na sa unang kita pa lang niya kay Katherine ay nagustuhan na niya ito lalo na ang amoy ng kanyang dugo. Sa tanang buhay ni Vladimir ay ngayon lang nangyari sa kanya ang ganitong pakiramdam. Nanlaki ang mata ni Katherine nang makita niya na nakatingin sa kanya si Vladimir. Nakaramdam siya ng hiya at pinamulahan ng pisngi dahil nahuli siya ng lalake na nakatingin siya dito. Minabuti na lang ni Katherine na bumaba ng puno ng niyog dahil sa kahihiyan na kanyang nadarama. Sa kamamadali ni Katherine ay hindi niya napansin na nawalan siya ng balanse at nahulog siya sa puno ng niyog. Sa isang kurap lang ni Katherine ay nasalo siya ng lalakeng kanina lamang ay pinagmamasdan niya. Nagtama ang kanilang paningin habang buhat siya ni Vladimir na pa-bridal style dahil nasalo siya nito mula sa kanyang pagkakahulog. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Katherine nang makita niya sa malapitan ang lalakeng kanina lamang ay kanyang tinitignan. Ngayon ay nasalo pa siya ng matitipunong braso ng lalake. Hindi na naisip ni Katherine ang bagay kung paano sa ganung kabilis na napunta sa kanyang harapan si Vladimir. Pakiramdam ni Katherine ay ayaw na niyang alisin ang tingin sa magandang mata ni Vladimir kung hindi pa siya tinawag ng kanyang nobyong si Roman. "Katherine!" napalingon si Katherine sa tumawag sa kanya at ibinaba na siya ni Vladimir mula sa pagkakasalo. "Roman, nandito ako," sigaw ni Katherina na hindi naman kalakasan para lamang marinig siya ng kanyang nobyo. Muli ay napatingin si Katherine kay Vladimir. "Salamat nga pala sa pagliligtas sa akin," nakangiting sabi ni Katherine. Awtomatiko namang napangiti si Vladimir kay Katherine na tila nahawa ito sa ngiting sumilay sa labi ng dalaga. "Walang anuman basta sa susunod ay mag-ingat ka na," sagot ni Vladimir saka naman dumating ang nobyo ni Katherine. "May problema ba Kath?" tanong sa kanya ni Roman saka ito tingin kay Vladimir na ngayon niya lang nakita sa Sta. Barbara. Naisip ni Roman na baka bago lang ito sa Sta. Barbara. "Bago ka lang ba dito?" "Oo noong isang araw lang ako dito, Vlad ang pangalan ko. Umuupa ako kina Aling Selma at Mang Esteban," pakilala naman ni Vladimir sa kanyang sarili habang nakatingin kay Katherine. Napansin naman ni Roman na kanina pa nakatitig si Vladimir sa kanyang nobya. Kaya ang ginawa ni Roman ay hinawakan niya ang kamay ni Katherine. Napadako ang tingin ni Vladimir sa magkahawak kamay nina Roman at Katherine. Meron sa parte ni Vladimir na gusto niyang saktan si Roman dahil ang gusto niya ay siya lang ang hahawak kay Katherine. Pero pinigilan niyang muli ang kanyang sarili. "Wala, ang totoo nga niyan iniligtas niya ako. Kung hindi dahil sa kanya baka napahamak na ako sa mga oras na ito," masayang kwento ni Katherine kay Roman. Ang mga sumunod na sinabi ni Roman ay parang nagpayanig kay Vladimir. Hindi niya inaasahan na ang unang babaeng nagustuhan niya ay pagmamay-ari na pala ng iba. Naiisip tuloy ni Vladimir na bakit malupit ang tadhana sa kanya? "Ganun ba? Salamat sa pagliligtas sa kanya pare. Ako naman si Roman, ang nobyo ni Katherine." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD