May narinig si Vladimir na kaluskos kaya naman napatingin siya agad kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Saktong pagtingin niya ay lumabas ang isang kuneho sa isang malagong halaman. Napatigil si Vladimir dahil tumingin sa kanya ang kuneho na para bang nangmamakaawa na hindi niya malaman kung bakit. Kaya kahit siya ay nagugutom ay hindi niya pa rin magawang patayin ang kaawa-awang kuneho. "U-umalis ka na," nahihirapan na sabi no Vladimir ngunit pinaikutan lang siya ng kuneho at napansin niya na nanginginig ito. Alam ni Vladimir na hindi sa kanya natatakot ang kuneho hanggang sa may narinig nanaman siyang kaluskos at bigla na lamang tumakbo papalayo ang kuneho. Hanggang sa nakita na lang ni Vladimir na may isang malaking tigre ang tumalon mula sa kabilang bahagi ng malagong mga hala

