Mabilis kumalat ang balita na nais na iparating ni Lucas sa kanyang nasasakupan. Madami rin ang haka-haka kung bakit pinaslang niya ang isa sa malapit na kanyang tauhan. Dahil doon ay mas lalong tumindi ang takot na kanilang nararamdaman para sa kanilang pinuno. "Mabuti at narito na kayo. Pumasok ka na at tignan mo ang kanyang kalagayan," utos ni Lucas sa punong tagagamot sa kanyang nasasakupan. "Masusunod po," agad na sagot ng nangangalang Estillio. Agad siyang lumapit sa babaeng nakahiga sa higaan ni Lucas at unang tingin niya palang dito ay alam na niyang isa itong mortal. "T-tao siya?" utal na tanong ni Estillio at hindi iyon nagustuhan ni Lucas. "Huwag ka na magtanong pa. Tignan mo na lang ang kanyang kalagayan!" sigaw niya sa tagagamot. Dahil nakarating na rin kay Estillio ang b

