"Uuwi na ako sa amin," nakangiti na paalam ni Katherine kay Vlad na kasalukuyan na pinapakain ang kuneho. "Kung gano'n ay ihahatid na kita sa inyo. Malapit na rin dumilim," sagot ni Vlad at inilapag na muna niya ang kuneho na kanyang karga sa kanyang higaan. "Sigurado ka ba?" "Kung ayos lang sa 'yo na ihatid kita at kung hindi magagalit ang iyong nobyo," sagot ni Vladimir na siyang ikinangiti ni Katherine. "Kilala ka na rin naman ni Roman kaya naman hindi siya magagalit. Malawak ang pang-unawa ng aking nobyo. Isa pa ay nais ka rin makilala ng aking magulang upang personal silang makapagpasalamat sa iyo," muling sabi ni Katherine at sa loob-loob ni Vladimir ay nagagalak na siya. "Umalis na tayo upang hindi tayo gabihin sa daan," napatango naman si Katherine sa mungkahi ni Vladimir at a

