"Vlad!" agad na tumakbo at niyakap ni Salima si Vladimir ng makita niya ito na kakarating pa lang. Dahil doon ay hindi niya napansin na kasama nito si Katherine. Wala namang nagawa si Vladimir kundi ang aluhin si Salima habang ninanakawan niya ng tingin si Katherine na nakatanaw na rin sa kanila. Nagtataka nga lang rin si Vladimir mung bakit iba't ibang emosyon ang nararamdaman niya mula kay Katherine. Naputol nga lang ang kanyang iniisip nang muli niyang marinig ang tinig ni Salima. "Muling inatake si itay, paano kung sa pagkakataong ito ay hindi na siya makaligtas?" pinanghihinaan na tanong niya kay Vladimir ngunit umiling lang siya dito sabay haplos sa likuran nito. Hinayaan na lang ni Katherine sina Salima at Vladimir dahil alam niyang kailangan rin ni Aling Selma ng karamay. Nakita

