"Pasensya ka na talaga Katherine pero hindi kita maihahatid ngayon sa inyo. Si Boknoy na lang ang bahalang maghatid sa 'yo," nahihiyang hingi ng paumanhin ni Vladimir kay Katherine. "Buknoy ikaw na ang bahala sa ate Katherine mo," kausap ni Vladimir doon sa lalakeng nagsundo sa kanila sa kanyang tinutuluyan. "Wala iyon Vlad, isa pa ay malapit lang rin naman ang bahay ni Buknoy sa amin," nakangiti na sagot ni Katherine. "Hayaan mo Katherine babawi na lang ako sa susunod," huling sabi ni Vladimir bago nagpaalam sa kanya si Katherine. Kinakailangan na rin kasi umuwi ni Katherine dahil gabi na at hindi naman basta makaalis si Vladimir upang maihatid siya gaya ng plano dahil kinakailangan siya ng pamilya ni Mang Esteban. "Nakauwi na ba siya?" tanong ni Salima nang makita niya na bumalik na

