Selene's POV:
Nagising ako ng sobrang sakit ng katawan ko dahil sa kakatayo kahapon. Nabugbog talaga katawan ko sa kakatayo atsaka kahapon lang ako nakatayo ng pangmatagalan kahit na sa Hospital ako nagtatrabaho ay minsan-minsanan lang ako tumatayo dahil record naman ang duty ko sa isang pasyente.
Agad naman ako bumangon at inunat ko muna mga katawan ko at naaparay naman ako dahil ang sakit talaga ng paa at likod ko.
Ang ginawa ko na lang ay tinatawag ko si Manang Elma para ipaghanda ako ng Herbal para ibabad ko ang sarili ko sa bathtub. Dahil sobrang init to ay tiniis ko na lang para makuha yung pamamanhid ng buong katawan ko.
Habang nagrerelax ako ay may biglang kumatok sa Pintuan ng Bathroom ko.
"Sino yan!." agad ko namng sigaw.
"Young miss si Manang Elma po ito." agad naman na sabi nya at pinapasok ko naman sya.
"Ano po iyon manang."
"Young miss pinapasabi po ni Young master na pagkatapos nyo daw pong magbabad sa Hot Herbal ay bumababa na kayo para kumain." agad naman akong tumango at umalis na si Manang Elma.
After 20mins. Ay naligo ako ng malamig na tubig. Medyo nahimasmasan ang katawan ko dahil sa hot herbal na yun.
Bumababa na ako para kumain at nakita ko si Kaizer na nagbabasa ng newspaper. Kaya binati ko sya para malaman nyang andito na ako.
"Good Morning Kaizer." agad kong bati.
"Good Morning din Selene." bati nito sa akin.
"Umupo kana para kumain. Ang sabi daw ni Manang nagpahanda ka daw ng Hot Herbal sa kanya." kaya tumango naman ako.
"Oo dahil sobrang sakit ng katawan ko dahil sa kakatayo natin kahapon." agad naman itong napatawa sa akin.
"Bat mo ako tinatawanan Kaizer?" agad ko namng tanong.
"Wala haha kumain kana nga dyan alam kong gutom kana Selene." agad nitong sabi sa akin.
Kumain na lang ako ng kumain kasi sa totoo lang sobrang gutom na ako dahil hindi ako kumain sa Reception kagabi kasi mga ilang minutong pamamalagi namin doon ay nagsabi na ako kay Kaizer na umuwi na kami.
Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na din ako kay Kaizer na pupunta muna ako ng kwarto para gawin ang senend ng Head Nurse namin.
Sa totoo lang lahat ng record ng pasyente ay sa akin binibigay ni Head Nurse ewan ko ba kung bakit dahil sya naman dapat ang gagawa non at hindi ako.
Dahil mabait ako ay ako na ang gumagawa ng Record na iyon at hindi namn ako nagrereklamo. Habang nagrerecord ako ay may biglang kumatok sa pintuan ko.
"Young miss meryenda po dahil may ginagawa ka po." agad na sabi ni Manang Carol.
"Salamat po Manang." at tumango ito at umalis na para hindi na ako maisturbo.
Gawa dito, gawa doon ang ginagawa ko ngayon dahil sa sobrang dami ba naman ng patient record haysst tapos papasok pa ako mamaya dahil umabsent na naman ako.
Tiningnan ko ang oras 12:30 na at buti na lang natapos na ang aking ginagawa kaya pinagpahinga ko muna ang kamay ko at naligo na para maghanda papuntang hospital.
Habang nag-aayos ako ng sarili ko ay biglang tumawag si Kaizer sa akin kaya sinagot ko iyon.
"Hello Kaizer bat napatawag ka?"agad kong sabi.
"Selene kung aalis ka ng bahay tawagin mo si Josh para ipagdrive ka nya okay."
"Sige thanks, paalis na din naman ako papuntang hospital bye."
"Ahh...ok ingat ka, bye." agad nitong sabi at pinatay ko na ang tawag at bumaba na para umalis.
"Manang asan po si Josh?" agad ko tanong.
"Young miss teka lang po tatawagin ko." tumango naman ako at umalis na si Manang Carol.
Mga ilang minuto na antay ko ay lumapit sa akin ang isang lalaki na kasing edad ko lang siguro.
"Pasensya na po Young miss dahil nalate po ako."
"Okay lang hindi ko pa namn duty sa hospital kaya tara na." agad ko namang sabi.
Habang nagbabyahe kami ay umidlip muna ako baka antukin ako mamaya.
After a minutes ay may biglang tumawag sa akin.
"Young miss nandito na po tayo sa Hospital." ang sabi naman ni Josh
"Sige Josh, salamat." at ngumiti naman sa kanya bago umalis.
Pumasok na ako sa hospital at ginawa ko na ang schedules ko. Trabaho dito, trabaho doon.
————
Krylle Fortaleza's POV:
"Mama magpapaalam lang muna kami ni Jero na pupunta kaming hospital."
"Gusto ko na din po kasing makita doon yung mga pasyente at gusto ko din kamustahin yung mga doctors and nurses sa hospital." tumango ito sa akin. Kaya sumaya ako.
"Mag ingat kayo dun hija ha? Alam mong hospital yun."
"Opo Mama don't worry sasama namn si Hubby for me kaya wag kana mag-alala." tumango ulit ito at ngumiti.
"Jero yang asawa mo ha? Bantayan mo." agad nitong sabi sa asawa ko.
"Oo naman Mama ikaw talaga." at ngumiti namn sya sa akin.
"So Mama aalis na po kami ha. Bye.." humalik muna kami ni Jero kay Mama bago namin sya iwan na nagbabasa ng newspaper sa sala.
Habang nagbabyahe kami ni Jero ay kinakabahan ako syempre ang sabi ng Detective ko ay andoon daw sya sa hospital namin nagtatrabaho. Habang papalit ng papalit kami sa Fortaleza Hospital meron sa dibdib ko na sobrang excited na kinakabahan basta ganon ang pakiramdam ko.
"Wife are you okay?" alam kong napansin yun ni Jero ang panginginig ko dahil magkahawak kamay kami papasok ng Hospital.
"Not really Hubby. I feel weird lang siguro kaya ganito." pagsisinungaling ko.
Habang papunta kami sa nurse station ay may bigla akong nakitang babae. Sa pagkakatingin ko sa kanya is 27 years old pero hindi ko nakita ang mukha nya. Kaya humiwalay muna ako sa pagkahawak kay Jero at pumunta doon kong saan dumaan yung nakita kong babae kanina.
Pero dumating ang head nurse kaya nakilala nya ako at pinaupo muna sa upuan.
"Ma'am Krylle bat hindi po kayo nagsabi na pupunta pala kayo dito ni Sir Jero sa Hospital." agad nitong sabi pero hindi ako sa kanya nakatingin dahil may hinahanap akong tao.
Nagpasabi ako sa Nurse na tawagin ang lahat ng Doctor at Nurse para makita ko silang lahat kaya pumunta sya sa Desk nya at inion ang microphone para marinig ng lahat na nandito kami.
Nagsipuntahan naman ang lahat ng doctor at nurse pero wala pa doon ang hinahanap ko.
"Cherry asan si Selene?"narinig kong sabi ng Head Nurse.
"Head nurse andoon pa po sa Pasyente nya." rinig ko din sabi ng kausap nya.
"Sabihin mo pumunta sya dito sa Nurse Station Okay?" umoo namn yung nurse na inutusan nya at umalis na.
Mga ilang minuto na intay namin ay dumating na yung babae at may kasama pa syang babae na.............
My ghosh!! Tama ba yung nakikita ko ngayon o nahahallucinate lang ako.
Bigla akong napatayo at tumakbo doon sa babaeng nurse at niyakap sya.
----------
Selene's POV:
Habang nag aasikaso ako ng pasyente ay bigla akong tinawag ni Cherry.
"Selene pinapatawag ka ni Head Nurse hindi mo ba narinig yung announcement nya?" agad naman ako nagulat dahil nakalimutan ko.
Ang bilis ng takbo namin ni Cherry hanggang sa makaabot na kami sa Nurse Station at nakita ko ang lahat ng Doctor at Nurse na nakatipon doon kaya sumingit kami ni cherry.
Pero bigla na lang tumayo ang babae at niyakap ako. Ewan ko ba pero may hindi ako maintindihan eh..sobrang kaba yung naramdaman ko ng niyakap ako ng babaeng kayakap ko ngayon dahil iyak sya ng iyak..
Tumingin ako kay Head Nurse sa mga Doctor at sa mga katrabaho kong nurses nakita ko din ang gulat nila dahil sa ginawa ng babae sa akin.
Pero may lalaki akong nakita na umiiyak din. Hinagod ko ang likod ng babae at iyak parin sya ng iyak dahil parang ilang buwan syang nawalay sa anak nya.
"Ma'am okay lang po ba kayo? Gusto nyo po bang umupo muna at magrelax?" umiling naman ang babae. Kaya hinayaan ko na lang sya na yakapin ako.
Nung nawala na sa pagkagulat ang lahat ay ipinakilala na ni Head Nurse kong sino ba ang bisita namin ngayon.
"Attention everyone, dahil ipinapatawag ko kayo dahil nandito sila Mr. Jero Fortaleza at yung asawa nyang si Mrs. Krylle Fortaleza nagbiglang bisita sila dito sa hospital." nong narinig ko yun ay nagulat din ako dahil ang nakayakap sa akin ngayon ay yung may-ari ng hospital na ito at yung nakatingin sa aking lalaki ay ang asawa nya.
Nung nahimasmasan na yung babae ay umalis na sya sa pagkakayakap sa akin at bigla syang nagsabi ng........
"Uwi kana sa atin Khloe..." at umiyak ito.
Kinuha naman sya ni Sir Jero at niyakap. Pero nabigla ako dahil tinawag nya akong Khloe.
Kasi ito yung nakapangalan sa kwintas ko.
Nagpaalam ng umalis ang dalawang mag asawa dahil sa ginawa ni Ma'am Krylle.
"Nurse Selene bat ka niyakap ni Ma'am Krylle tapos tinawag ka pa nyang Khloe." agad na sabi nito sa akin ng isang nurse.
"Ewan ko nurse baka nakikita nya lang sa akin ang anak nya kaya sya nagkakaganon.
"Wag mo tong sasabihin Selene sa iba ha? Pero alam na din naman nila yung istorya siguro ng mga Fortaleza."agad naman nitong sabi dahil Break time na namin.
"Ano naman yun nurse." agad ko namang sabi.
"Kasi ganito yun, may nawawala silang anak na babae noon pa sya hinahanap ng mga Fortaleza. Nagbibigay pa nga yan ng Price si Ma'am Krylle kung sino makakahanap sa nag iisa nilang anak na babae pero magaling magtago ang nagnakaw sa kanya kaya wala pang nakakakita doon sa bata." mahaba bitong kwento.
"Pero ilang taon na nawala yung anak nila nurse?" agad ko namang tanong.
"27 years na ata nurse Selene kasi ang galing nga magtago nong nagnakaw sa anak nila pero hindi tumitigil si Ma'am Krylle sa paghahanap ng nawawala nyang anak." agad naman na sabi at napatango na lang ako.
"At ito pa nurse Selene.. May palatandaan daw yung bata bago daw yun ninakaw sa kanila."
"Ano naman yung palatandaan na yun?"
"Kwintas daw na pangalan na KHLOE." doon ako nagulat dahil Khloe din ang nakalagay sa kwintas ko.
Kaya napatayo ako at umalis ng walang paalam. Pumunta ako ng Restroom para maghilamos dahil sa nalaman ko.
Ayokong mag assume na ako ang nawawala nilang anak dahil baka nga regalo nila Mama at Papa tong kwentas ko na sinasabi nila na wag kong tanggalin sa leeg ko. Hinawakan ko iyon at hinimas ang pendant na Khloe.
Pagkatapos kong tingnan ang mukha ko sa salamin ay lumabas na ako ng restroom para bumalik sa nurse station.
Binalikan ko na lang natitira kong schedule at sa totoo lang pinagtitinginan ako ng mga doctor at ibang nurses dito sa hospital dahil sa nangyare kanina.
Pero hindi ko lang sila pinansin at tinapos ko na ang trabaho ko bago ako umuwi.
Pagkatapos lahat ng schedule ko ay tinawagan ko si Josh para sunduin ako at nag antay pa ako ng 5mins. Dahil traffic daw.
Pagkadating ni Josh ay sumakay ako agad.
"Josh dumating na ba sa bahay si Kaizer?" agad kong tanong.
"Hindi pa po Young miss kakagabihin daw po sya ng uwi sabi nya kanina."
"Ahh..okay."
"Iidlip muna ako Josh at gisingin mo na lang ako pagdating natin sa bahay."
"Sige po Young miss"
Habang umiidlip ako ay may napapanaginipan ko yung mukha ni Ma'am Krylle at ni Sir Jero na nagmamakaawa na bumalik na daw ako sa kanila.
Pero bago pa man ako makakita pa ng iba ay ginising na ako ni Josh.
"Young miss nanaginip ka po nandito na tayo sa bahay kanina pa at kanina pa din po kita ginigising."sabi ni Josh sa akin kaya humingi lang ako ng pasensya.
Dumeretso na ako sa kwarto ko para maligo.
Hinilot ko muna ang ulo ko dahil sumakit iyon. Parang magkakasakit ata ako pero kakayanin ko para makapasok lang ako bukas. Dahil masama ang pakiramdam ko ay itinulog ko na lang yun.
————
Kaizer's POV:
Nandito pa ako sa Office dahil may pinaiimbestigahan din ako dahil may kumuha daw ng pera sa kompanya namin kaya gagabihin ako ng uwi sa bahay.
Kaya napag isipan kong tawagan si Manang Elma at tingnan si Selene kung tulog na ba ito o hindi.
"Manang Elma naisturbo ba kita?"
"Hindi namn Young master, bakit po?"
"Manang pasuyo namn ako na tingnan mo muna si Selene sa kwarto nya kung nagpapahinga na ba sya. Dahil gagabihin po ako ng uwi."
"Ahh.. Ok po Young master tatawagan na lang po kita pagnatingnan ko syang Okay"
"Sige manang salamat po."
Habang may tinitingnan ako sa mga papeless ay nakita kong tumawag si Manag Elma kaya sinagot ko ito.
"Young Master, ang young miss po inaapoy ng lagnat. Tatawag na po ba ako ng ambulansya?"
"Manang relax lang po punasan mo muna sya at kung hindi parin bumababa lagnat nya ay tumawag na kayo ng ambulansya Okay? Tawag ka ulit sa akin manang."
Nung nalaman kong nilalagnat si Selene ay gusto kong umuwi pero kailangan ako sa Company namin kaya napaisip na lang ako na tawagan si Manang Elma
"Manang bumababa na ba lagnat nya?"
"Young master, ganon parin po tulad ng kanina."
"Sige manang tumawag ka ng ambulansya at pwede po ba na samahan mo muna si Selene sa Hospital? Pupunta na lang po ako doon pag Okay na po ako dito sa Office."
"Sige Young master, wala naman pong problema."
Enend call ko na at nagmamadaling basahin ang mga papeless na andito ngayon sa Table ko. Para makapunta agad ako sa Hospital.
Mga ilang minuto na ang nakalipas ay nagtext si Manang Elma na nasa Fortaleza Hospital daw sila.
Ang ginawa ko na lang ay dinala ko na lang ang mga papeless ko paalis ng office para doon na lang basahin sa Hospital dahil ako magbabantay kay Selene dahil ako ang asawa nya.