Danica's POV:
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko kaya kinuha ko yun sa side table dahil doon ko yun nilagay kagabi bago ako matulog.
Hindi ko na tiningnan ang caller at sinagot ko agad.
"Hello anak, asan ka ngayon?" agad na bungad ng nasa kabilang linya.
"Mom nandito ako sa bahay ng kaibigan ko." pagsisinungaling ko dahil ang totoo ay nandito ako sa bahay ni Kaizer. Ang sabi nga diba ni Chen na isekreto ito kaya nagsinungaling ako.
"Anak punta ka sa Bahay ng Tita Krylle mo dahil andoon si Mama at Papa." tumango naman ako at nagHmmm.. natanda na sang-ayon ako sa sinabi nya. Ang ibig sabihin ni Mommy ay yung Lola at ang lolo ko ay andoon sa bahay nila ni tita Krylle kasi si lola at si Mommy ay nag away sila dati nung dalaga pa si Mommy dahil ayaw nya magpakasal sa dapat na asawa nya pero nagmatigas sya kaya pinalayas sya sa Mansion. At nalaman pa ni Grandma na buntis sya at ako yung ipinagbubuntis ni Mommy noon kaya nagalit lalo si Grandma.
Kapag naiisip ko yung kwento ni Mommy ay may kirot sa dibdib ko at may konting galit.
Pero ang sabi ni Grandma at Grandpa ay tanggap naman daw nila ako bilang isang Fortaleza pero wag lang daw magpapakita si Mommy doon sa Mansion dahil ipagtatabuyan lang sya.
Nung nawala yun sa isip ko ay umoo na lang ako kay mommy pero mamayang hapon na ako makakapunta doon dahil kasal na ngayon ni Kaizer at Selene.
Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto at nadatnan ko si Kaizer at Chen na nag uusap sa sala.
Good morning babe at Kaizer, wala pa ba si Selene?" agad kong bati at sabi dahil hindi ko pa nakita si Selene.
"Ahh..si Selene nasa kwarto pa sya pero gising na siguro yun." agad namang sabi sa akin ni Kaizer at tumango lang ako. Tumabi naman ako kay Chen habang hinihintay si Selene na lumabas.
"By the way bro, handa na lahat no para mamaya." agad namang sabi ni Kaizer.
"Ikaw bro, excited kang ikasal..mahal mo na ba si Selene?" agad na tanong ni Chen kay Kaizer. At nakita ko yung pagkabigla ni Kaizer kaya ngumiti ako ng palihim dahil alam kong may gusto na si Kaizer kay Selene. Ewan ko lang kung si Selene meron.
Hindi namn sumagot si Kaizer kaya hinayaan lang ni Chen. Magsasalita pa sana si Chen ng makita naming dalawa si Selene na papunta sa kinauupuan namin kaya napatingin ako kay Selene. Kamukhang kamukha nya si Tita Krylle kong sa tutuusin lang kapag mag ayos pa sya ng konti.
"Good morning sa inyo." ang sabi nito sa amin kaya bumati din kami pabalik.
Nag ayos na kami dahil 10:00am ang kasal nila kaya pumunta muna ako sa kwarto ko para kunin ang make up kit ko at para ayusan na din si Selene.
Habang inaayusan ko sya ay nakikita ko yung mukha ni Tita Krylle sa kanya. Alam kong hinahanap parin ni tita ang nawawala nyang anak pero hahayaan ko sya na mismo ang tumuklas kong nasaan ang nawawalang anak nya. Basta ako mananahimik muna kong kinakailangan.
Dahil ayoko muna na maging daan ng kasiyahan ng mga Fortaleza kahit na alam kong pinsan ko si Selene.
..........
Selene's POV:
Nagsipuntahan na kaming lahat sa kanya kanya naming kwarto para mag-ayos. Pero ako hindi ko alam kong paano magmake up haysst. Kasi hindi namn ako sanay eh...Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin ay napapaisip na lang ako kung hindi ko na lang kaya ituloy tong kasal. Kung paano kaya tumakas na lang ako bilang excuse.
"Wag na wag mong gagawin yan Selene." ang sabi ko sa sarili ko at hinampas-hampas ulo ko.
Napalingon ako sa pintuan nung bumukas iyon. Kaya tiningnan ko kung sino yung pumasok si Karen lang pala pero bat hindi sya kumakatok. Haysst bahala na.
"Hi Selene, ako ang mag-aayos sayo ngayon." nakangiting sabi nito sa akin kaya tumango ako.
Nag-umpisa na syang ayusan ako pero nakikita ko na titig na titig sya sa mukha ko pero hinayaan ko na lang para walang ingay. Pagkatapos nya akong ayusan ay nagpaalam na din sya na pupunta sya sa kwarto nya. Kaya nagpasalamat ako at pinapunta na sya sa kwarto nya.
Tapos na ako mag ayos at nagbibihis na ako ng may kumatok sa pintuan kaya binilisan ko na lang magsuot ng wedding dress ko.
Binuksan ko ang pinto at ang tumambad sa akin ay si Chen na bihis na bihis na.
"Selene nauna ng umalis si Kaizer dahil may kailangan pa daw syang gawin." kaya nadismaya naman ako pero hindi ko yun pinahalata at ngumiti na lang.
"Ahh..Sige tapos na din naman ako, si Karen tapos na ba sya." tumango naman ito at umalis na.
Sa totoo lang kinakabahan ako ngayong araw dahil ikakasal ako na walang pahintulot sa magulang kong namatay na huhu paano kong mumultuhin nila ako kasi hindi ako nagpaalam waaahhh!!! Mama at Papa Sorry po huhuhu...
9:00am ay tinawag na ako ni Chen para umalis na kami at nakita ko si Danica na sobrang ganda. Paano kaya maging katulad nya no? Haysst wag ko na nga isipin yun. Paano ba mawala yung kaba ko. Kanina pa talaga to eh..
Mga ilang minuto na byahe namin ay nakarating din kami sa Venue ng kasal namin ni Kaizer sobrang ganda ng venue na yun ewan ko ba kung magkano ang renta nya dito.
May isang babae na lumapit sa amin at tinanong ako kung ako ba yung bride ni Kaizer.
"Ikaw po ba si Ma'am Selene?" tanong nito sa akin at tumango ako.
"Ako nga pala si Jean ang wedding organizer po dito.
Please ma'am sumunod lang po kayo sa akin." lumakad na kami at sumunod sa kanya.
"Ma'am Selene nandito na po tayo sasabihin ko lang na nandito kana at mag-uumpisa na ang kasal." nakatayo lang ako sa pintuan ng biglang bumukas iyon at nakita kong may mga taong nakaupo sa magkabilaang upuan at nakangiti sa akin nagtataka lang ako dahil hindi gaano karami ang tao sa loob kaya mamumukhaan mo kung sino ang nandoon.
Tumingin ako sa likuran ko pero wala na sila ni Chen at Danica kaya nanginig ako ng konti at hindi ko iyon pinahalata sa lahat.
Tumingin ulit ako sa unahan at nakita kong kumakaway sa akin ang dalawa umaliwalas ang Mukha ko. Pero nakita ko na silang lahat na nakaupo na at nakangiti sa akin kaya medyo nawala ang aking kaba at tumingin naman ako sa lalaking nakatayo sa gilid ng altar. Ang masasabi ko lang ay ang gwapo nya kahit na nasa malayuan sya at kahit hindi pa ako naglalakad papunta sa kanya ay nakita ko yung totoong ngiti nya. Hindi man maganda ang pagkikita namin ay hindi parin ako makapaniwala na nandito ako ngayon at magiging asawa na nya.
Ilang weeks na pagsasama namin ni Kaizer ay medyo napamahal na ako sa kanya.
Bumalik lang ako sa ulirat ko ng tumunog na yung isang musika na hudyat na maglalakad na ako papunta sa harap.
Alam nyo yung feeling na naiiyak kana kasi makakasama mo yung taong Mahal mo pero hindi ka naman mahal at papakasalan ka lang nya dahil kailangan nya iyon para lang hindi sya ikasal sa iba.
Habang naglalakad ako ay tumutulo ang luha ko sa naisip kong baka pagkatapos ng kasalang ito ay maghihiwalay na din kami ng landas dahil nakuha na nya ang gusto nya, pero okay lang iyon. Basta doon sya sasaya at kakayanin ko ding sumaya kahit na wala na sya sa susunod.
Palapit na ako ng palapit sa kanya kaya medyo pinunasan ko ang luha ko.
Nang makalapit na ako ay hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko naman na ngumiti sya sa akin kaya ngumiti din ako pabalik. At lumakad na kami papunta sa harap.
------------
Kaizer's POV:
Nag-ayos na ako at nagbihis ng damit pangkasal pero naisipan kong mauna na lang muna sa Wedding Venue dahil may kailangan pa akong gawin doon kaya pumunta muna ako sa kwarto ni Chen na sya na lang maiiwan dito para may Driver ang dalawa. Tumango namn si Chen at umalis na ako.
Pagkadating ko sa wedding venue ay tinawag ko yung wedding organizer kong okay na ba lahat at umoo naman ito at tiningnan ko muna yung venue at maganda naman ang pagkakadecorate. Kaya umupo muna ako para tingnan ang buong hall.
Malapit ng mag10am kaya kinakabahan din ako pero dahil pupunta naman ang bride ko kaya wala dapat akong ikabahala.
Nang sinabi ng wedding organizer na andyan na ang bride ay tumayo ako at pumunta na sa harapan ng altar.
Nang tumunog na ang musika ay binuksan na nila ang pintuan at nakita ko si Selene na may parang hinahanap sa likod nya. Kaya nagtataka naman ako kung sino yun pero nung bumalik ang tingin nya sa loob ay nakita nya sila ni Chen at Danica na kumakaway kaya medyo umaliwalas ang mukha nya dahil kitang kita yun sa kinatatayuan ko.
Tumingin din sya sa akin at ngumiti lang ako. Sa totoo lang ang ganda nya sa suot nya ngayon. Ewan ko ba bat pa ako kinakabahan ako lang naman ang may gusto nito.
Inantay ko na lang si Selene na naglalakad papunta sa akin. Nung makalapit na sya ay inilahad ko ang kamay ko at binigay nya din ang kamay nya sa akin. At nafefeel ko yung kaba nya at ang lamig ng kamay ni Selene sa sobrang nerbyos.
Pagkadating namin ni Selene sa harapan ni Tito Aaron ay ngumiti sya sa amin at ginantihan namn namin sya ng ngiti.
"Hi everyone I am Aaron Santillan I am the one who witness this wedding of this two children here in front of this Venue."
"So let's start. May gusto bang patigilin tong kasalan?" agad na tanong nito. Kaya lumingon kami ni Selene sa mga taong naimbitahan kong ninong at ninang.
"Wala, Let's Start." at nagmisa ng konti si tito at pinatayo na kami ni Selene.
"Selene." tawag namn ni tito kay Tito.
"Yes po Father."
Father: "Do you take Kaizer Kiel Madrigal as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
Selene: "I do father"
"Kaizer." tawag namn sa akin ni Tito Aaron.
"Yes po Father."
Father: "Do you take Selene Dela Cruz as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
Kaizer: "I do father"
"Kaizer and Selene repeat After me." at nagsalita na si Tito Aaron at ginaya namn namin iyon ni Selene.
"Selene/Kaizer: "I take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the father, the son and the holy spirit." at sinuot na din ni selene sa akin yung singsing at ganonbdin sa akin.
"Kaizer you may now kiss you bride." ewan ko ba kung saan ko hahalikan si Selene dahil alam kong namumula na sya. Kaya napag-isipan ko na lang na sa noo ko na lang sya halikan pero nagsabi sa akin yung mga nanonood dapat daw sa lips kaya nanghingi ako ng permiso kay Selene at tumango naman sya at dinampi ko ang labi ko sa kanya.
At naghiyawan silang lahat at may nagsabi pang... MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!...
Nung narinig ko yun ay napatawa lang ako na parang nahihiya.
At pumunta na din kami sa reception para kumain dahil alam ko na gutom na gutom na ang ibang bisita namin.
Habang nasa reception kami ay madaming bumati sa amin at pinasayaw kami ng konti at iniwan na namin sila para umuwi dahil alam kong pagod na pagod na tong si Selene.
Habang nagbabyahe kami ay tumawag si Chen.
"Bro, asan na kayo?" bungad agad nito sa akin.
"Bro, pauwi na kami kayo na bahala dyan ni Danica." natatawa kong sabi.
"King ina bro, bat mo kami iniwan dito eh..di sana sumabay na lang kami umuwi sa inyo" tawa ako ng tawa dahil sa sinabi nya.
"Uwi na din kayo kung gusto nyo na. Pagod na kasi si Selene eh..kaya hindi na kami nagkapagpaalam sa inyo at sa mga bisita.
"Oh sige sasabihin ko na lang sa kanila na umuwi na kayo." nagtatampo pang sabi nito at enend call na ang tawag.
Napatingin ako kay Selene at nakita ko na syang natutulog kaya pinatabi ko muna ang sasakyan para ayusin ang upuan nya.
Mga ilang minutong byahe namin ay nakarating na kami sa bahay at ginising ko na si Selene at pumunta namn sya sa kwarto nya.
Ako namn ay pumunta din sa kwarto ko at nagpahinga muna ng konti bago maligo.