Kaizer's POV:
Habang kinukurot ko yung pisngi ng kapatid ko syempre umaaray sya dahil nanggigigil ako sa kanya.
"Lil sis bat mo naman na sabi na parang magkapamilya tayong tatlo ni Ate Selene?" sabi ko naman.
"Kasi nga kuya bagay kayo."
"Pero kuya bat kanina napansin ko yung tingin mo kay ate Selene yung parang magkakilala kayo ganon?" see kahit na bata pa yan si Kelly malakas makiramdam ng iba yan.
"Kasi ganito yun lil sis, syempre kaya ko sya tiningnan dahil gamit ng mata ko ay nagpapasalamat ako sa kanya kaya ganon ako makatingin gets mo na?" ang sabi ko naman at tumango lang sya.
Pinatulog ko muna si Kelly bago pumunta sa labas. Para hanapin si Selene.
Pagdating ko sa baba ay pumunta ako sa Nurse Station.
"Ms. Nandito ba Si Nurse Selene?" agad ko namang sabi pero yung nurse na pinagtanungan ko ay natulala.
"Ms. Andito ba si Nurse Selene?" medyo naging malakas ang boses ko dahil sa pag-ulit kong tanong at doon lang sya nawala sa pagkatulala nya.
"Ahh..wait lang po sir tatawagin ko lang sya sa loob. Dahil tinawag sya ng Head Nurse namin." tumango na lang ako at nag-antay.
Wala pang ilang minuto ay nakita ko na si Selene at kinawayan ko sya para pumunta sa pwesto ko.
"Bat mo pala ako hinahanap?" agad na tanong nya sa akin.
"Kasi nagsabi sa akin kanina si Kelly na dapat andoon ka habang pinapakain sya mamayang Dinner." ang sabi ko naman.
"Ahh..Sige punta na lang ako mamaya doon. Pakisabi na lang kay Kelly." ang sabi ko naman.
"By the way? Bakit ka nandito sa labas at bat mo iniwan si Kelly doon sa loob ng kwarto nya na mag isa Kaizer."
"Tulog naman si Kelly, Selene atsaka nagpasabi sya sa akin na hanapin kita para mamaya." pagsisinungaling ko sa iba kong sinabi. Hahaha sa totoo lang hindi nagsabi ng ganyan si Kelly ako lang. Bakit ba? Gusto ko eh..
"Ahh..Ok, Sige balik na ako sa loob dahil busy ako ngayon." agad namn na sabi ni Selene sa akin.
"Cge balik na din ako sa Kwarto ni Kelly." pagpapaalam ko sa kanya at tumango namn sya at naglakad na pabalik sa Nurse Station.
Naglalakad ako habang may ngiti sa labi ewan ko ba baka baliw na ako siguro.
..........
Selene's POV:
Habang may ginagawa ako sa loob ng office ng head nurse namin ay may biglang tumawag sa akin.
"Selene, may naghahanap sayo sa labas ang gwapo nya as in hahahaha pakilala mo naman ako sa kanya." agad namn na sabi nito sa akin.
"Sino daw sya?" agad kong tanong habang yung mata ko ay nasa papel na ginagawa ko para sa mga pasyente.
"Hindi nya sinabi kung ano pangalan nya eh..kaya pumunta kana doon." agad naman nitong sabi.
"Sige,pupuntahan ko na lang sya." tumango naman yung nurse at umalis na sa pintuan.
Haysst sino kaya yun? Nakakaisturbo ha?
Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ko si Kaizer na nakatayo at nakatingin sa akin at bigla nya akong kinawayan kaya pumunta ako doon sa pwesto nya.
Ang sinabi nya lang naman ay yung about sa dinner ni Kelly at syempre pumayag ako baka hindi yun kakain pagwala ako.
Pagkatapos namin mag-usap ni Kaizer ay lumapit sa akin ang isang nurse na tumawag sa akin kanina na hinahanap ako ni Kaizer.
"Diba Selene, si Kaizer Kiel Madrigal yun? Anong ginagawa nya dito sa hospital at bat sya nandito?" dere-deretso nyang tanong sa akin.
"Ahh..Oo si Kaizer yun kasi nandito yung kapatid nya naka admit so andito din sya." agad ko namng sagot. Aalis na sana ako ng pigilan nya ako.
"Teka Selene, bat ka kilala ni Kaizer?" agad na tanong nya ulit sa akin.
"Kaya lang naman ako kilala ni Kaizer dahil sa sister nya na naka admit dito at close kami non. Bat mo pala natanong yan?" agad kong sabi.
"Ahh..Wala lang." at umalis na yung nurse na nakausap ko.
Ako namn ay bumalik na sa ginagawa ko.
Tumingin muna ako sa oras at nakita ko na magse7pm na kaya niligpit ko na ang ibang ginamit ko sa ginawa ko kaninang record ng mga pasyente. At naghahanda na ako para pumunta sa Room 126. Para samahang pakainin si Kelly.
At hinihanda ko na din ang gamot nya. Habang papunta ako ng sa kwarto ni Kelly ay tinitingnan ko muna ang ibang pasyente na nadadaan ko.
Nang makarating na ako sa kwarto ni Kelly ay kumatok muna ako bago pumasok. At narining ko namn ang boses ni Kaizer kaya pumasok ako.
"Hi Kelly, sorry, Late si Ate Selene dahil may pinuntahan pa kasi akong ibang pasyente." agad na paliwanag ko.
"It's okay ate, atsaka hindi lang naman po ako ang pasyente na inaalaga mo at nandito namn si kuya para alagaan ako. Diba kuya?" agad na sabi ni Kelly at tumingin kay Kaizer. Ako namn ay napatingin din kay Kaizer at nakita ko naman syang tumango kay Selene.
"Pero Kaizer, wala pa ba yung Food ni Kelly?"
Si Kaizer namn ay tumango lang at pinindot ko ang intercom para tumawag ng isang tao para hatiran ng pagkain si Kelly. Mga ilang minutong hintay namin ay may biglang kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko iyon.
"Oh?.. Nurse Selene bat nandito ka?" agad na sabi nong naghatid ng pagkain ni Kelly.
"Kuya kasi kailangan ng uminom ni Kelly ng gamot pagkatapos nyang kumain kaya babantayan ko na lang sya" agad kong paliwanag at tumango lang yung lalaki at nagpaalam ng umalis.
"Kelly kumain kana para makainom kana ng gamot mo, okay?" tumango naman si Kelly at nagpaalam muna ako na magC-CR lang.
Pagkalabas ko ng CR at nakita kong sinusubuan ni Kaizer si Kelly kaya napangiti ako ng palihim.
"Kuya alam mo ba ang sarap kumain pagsinubuan ka ng importanteng tao." napatingin ako kay Kelly nong sinabi nya iyon.
"Ahh.. paano naman naging masarap yun lil sis?" agad na tanong ni Kaizer.
Si Kelly naman ay hindi makasagot sa Kuya nya dahil nag-iisip pa ito ng maisasagot sa Kuya nya.
Kaya palihim na lang akong napangiti sa dalawa.
Pagkatapos kumain ni Kelly ay pinainom ko na sya ng gamot at aalis na sana ako ng hawakan ni Kelly ang kaliwa kong kamay.
"Ate wait, may itatanong lang ako sayo." agad na pigil sa akin ni Kelly.
"Ano naman iyon Kelly?" agad ko namang tanong sa kanya.
"Ahh.. Ate, may boyfriend kana ba?" nabigla naman ako sa tanong ni Kelly at kitang-kita ko din sa Mukha ni Kaizer ang pagkabigla.
"Bat mo naman natanong yan sa akin Kelly." agad kong sabi nong nawala na ako sa pagkabigla ko kanina.
"Kaso ate gusto ko lang sana na maging kayo ni Kuya Kaizer." sabi nito sa akin at nagulat ako Syempre. Hindi ko alam kong bata ba o matanda talaga ang kausap ko ngayon.
Nagkatinginan kami ni Kaizer na kahit sya at nagulat din dahil sa sinabi ni Kelly sa akin, dahil doon ay nagpaalam na ako sa kanila na lalabas na ako at hawak hawak ko yung Dibdib ko dahil sa kaba.
Nang makabalik ako sa nurse station ay yun parin ang iniisip ko. Ewan ko ba kung Bakit? Tiningnan ko na lang ang wrist watch ko at mag e-eleven na pala. Kaya nag-ayos na ako ng gamit ko at pumunta muna sa kwarto ni Kelly para magpaalam.
Pagdating ko doon ay kumatok muna ako bago pumasok ng pinagbuksan ako ni Kiven.
"Oh.. Kiven nandito kana pala?"
"Oo tapos na kasi yung ginagawa ko at sabi ni Kuya na uuwi na daw sya sa Bahay nya. Kaya dumeretso na ako dito sa hospital.
"Ahh... Sige magpapaalam lang muna ako kay Kelly dahil uuwi na ako." tumango naman sa akin c Kiven.
Pumunta na ako kay Kelly para magpaalam. Nakita ko din si Kaizer na nagpaalam dahil uuwi na rin sya kasi may trabaho pa daw sya sa Office nya bukas. Babalik daw ito pag okay na ang oras nya.
Naglakad na ako palabas ng hospital at papara na sana ako ng jeep ng may biglang humawak sa kamay ko.
"You will stay at home starting now." he said, kaya natahimik na lang ako at sumunod na lang sa kanya sa kotse.
Mga ilang minuto din ang byahe namin ay nakarating kami sa Bahay ni Kaizer at nagpaalam na akong magpapahinga na. Tumango naman sya sa akin at alam kong nakasunod din sya sa akin papunta sa kwarto nya.
Pagkatapos ko sa kwarto ko ay ginawa ko na ang routine ko at humiga sa kama ko. Naaalala ko parin ang sinabi ni Kelly kanina. Pero paano kung mainlove ako kay Kaizer? Ano na ang gagawin ko.
Pinikit ko ng mariin ang mata ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.