Chapter 9

1214 Words
Kaizer's POV: Dahil byernes ngayon ay masyado akong busy kaya umalis ako ng maaga sa bahay at hindi na ako nagpaalam pa kay Selene. Dahil tulog na tulog iyon pagpasok ko sa kwarto nya. Ayoko naman syang istorbuhin dahil lang na aalis ako kaya hinayaan ko na lang sya matulog at nag iwan na lang ako ng sulat sa table nya. Pagdating ko sa office ay ginawa ko na ang dapat kong gawin dahil mamaya ay magpapatulong ako kay Chen para sa preparation ng Civil Wedding namin ni Selene bukas. Syempre alam nyo na Secret wedding lang to at yung pagkakatiwalaan ko lang ang pwedeng pumunta sa kasal bukas dahil ayoko ng gulo kahit pamilya ko ayokong papuntahin dahil alam na nila na inarrange marriage na ako ng Lolo kay Bernadeth. Kaya ayokong magulo ang kasal ko bukas. Habang ginagawa ko yung mga papeless ng ibang client ay nakita kong tumatawag si Chen kaya sinagot ko iyon. "Oh, bro bakit?" agad kong sabi. "Bro diba magpeprepare tayo ngayon ng wedding nyo bukas ni Selene?" "Oo, may sasabihin ka pa ba?" umoo naman ang nasa kabilang linya kaya hinayaan ko muna na nakaOn call pa ang cellphone ko. "Ganito kasi yun bro, yung girlfriend ko kasi magaling sa mga preparation na ganon so dapat andoon din sya mamaya." nagulat naman ako sa nalaman ko na may GF sya. Isang babaero na Chen may GF na ha? Kaya natawa naman ako sa isip ko. "Oh Sige bro basta magpagkakatiwalaan sya." "Oo namn bro yun pa, baka nga maging close pa sila ni Selene." habang natatawa nitong sabi. "Oh,sige na eend call ko na to tatapusin ko lang tong ginagawa ko atsaka magkita tayo mamaya." "Cge bro, ingat ka." agad naman nitong sabi. Hindi na ako nagsalita at enend call ko na para bilisan ang ginagawa ko. .......... Selene's POV: Nagising ako ng mga 10am. Haysst nagsabi ako sa sarili ko na maaga akong gigising eh. Nagmadali na akong pumunta sa CR at ginagawa ko muna ang morning ritwal ko. Nung papunta ako sa table ko ay may nakita akong sulat. Good morning Selene, maaga pa akong umalis baka hinahanap mo ako. At be ready tomorrow, it's our civil wedding atsaka susunduin kita later dyan sa bahay dahil magsusukat ka ng Dress mo for tomorrow. (Kaizer) Kinabahan namn ako dahil sa sulat ni Kaizer sa totoo lang hindi pa ako handa na maging isang asawa. Ewan ko ba kung bakit? Pero wala na din ako magagawa dahil andyan na kaya tatanggapin ko na lang. Bumalik na lang ako sa pagkahiga at pinikit ko muna ang mata ko. Pero may kumatok at pinagsabihan ko naman na pumasok na sya. "Young miss labas kana po dahil nakahain na yung pagkain mo." agad namn na sabi ni Carol. "Sige Manang susunod na po ako." "Young miss, nagpapasabi din po si Young master na maghanda daw ka po dahil pupunta sya mamaya dito at baka umalis po kayong dalawa." agad nitong sabi at tumango naman ako. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa Dining at kumain. Habang kumakain ako ay may nagtext sa akin na.. "Ikaw ba si Selene?" sabi ng nagtext pero hindi ko sya kilala. "Ako nga yun, bakit?" agad kong sabi. "Wala naman, i'll see you soon." yan ang text nya sa akin kaya nagtaka naman ako. Inalis ko na lang sa isip ko yung text at nagfocus na ako sa pagkain ko. Pagkatapos kong kumain ay umupo muna ako sa Sala at nanuod ng TV. Habang nanonood ako ay may tumawag sa aking unknown number kaya sinagot ko ito. "Selene,si Kaizer to susunduin kita maya-maya dyan kaya maghanda kana." agad nitong sabi. "Sige, pero paano mo nakuha yung number ko?" agad kong tanong kay Kaizer. "Binuksan ko phone mo. Wala naman kasing lock." "Ahh... Okay maghahanda na ako pero papunta kana ba dito? "Papunta pa lang pero daanan ko muna sila Chen dahil sasama daw silang dalawa ng girlfriend nya." "Ahh..okay, mag-aayos na din ako. Bye." agad naman akong tumayo pagkatapos namin mag-usap ni Kaizer at sinave ko ang number nya. Habang naliligo ako ay kumakanta ako syempre dahil routine ko na yan. Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako sa walk in closet ko at pumili ng damit na susuotin pero puro dress at walang pantalon o leggings man lang kaya no choice ako at sinuot ko na lang ang dress na napili ko at naglagay ng konting pulbo at lip gloss para gumanda naman ako kahit konti. Tapos na ako at nag-aantay na lang na tumawag si Kaizer kong nandito na ba sila. Kaya nagplano na lang ako na makinig ng music. Now Listening I'm Fallin' by Tyler Ward Ft. Alex G. At kinakanta ko yun with feelings kasi ako lang namn mag isa sa kwarto ko kaya walang makakarinig. And a Conversation was Right Underneath the shade of Moonlight You were standing there,Sun-touched hair. And a dress the color white. Like an aeroplane i took flight Feel in love with you that First Night. Cause you danced with me, And i could see That there was more to life.. I'm falling, I'm falling in love with you I'm falling, I'm falling in love with you.. Kakanta pa sana ako ng may kamay na pumatong sa balikat ko kaya nabigla naman ako at kinuha ko ang Isang earphones ko sa tenga at tiningnan kong sino iyon. Nabigla ako ng si Kaizer ang nasa likuran ko. "Nice voice Selene." habang nakangiting sabi nito. "Ahh..Ehh..kanina ka pa ba sa likod ko?" tanong ko naman at tumango sya. "Yes, when you're started singing, Hindi sana kita iisturbuhin kong hindi tayo nagmamadali ngayon, dahil matraffic mamaya." "Oh by the way, nandito din yung girlfriend ni Chen at dito din sila matulog mamaya." tumango lang ako. "Ahh..Sige baba na ako Kaizer." "Okay, I will go to my room first and I will change." tumango naman ako at lumabas na sa kwarto ko para bumaba. Pagkababa ko ay may nakita nga akong Babae pero mas matangkad ako sa kanya ng konti, sexy, maganda at mayaman sya at ako naman ay hindi. Haysst buhay nga naman oh.. Nang mapansin ako ni Chen ang presensya ko ay lumingon din yung babae sa akin at ngumiti. Tumakbo naman ito palapit sa akin yung babae pero si Chen ay tinatawag sya na maghinay-hinay lang na baka madulas sya. "Hi, I'm Danica Villanueva girlfriend ako ng ulupong na yun." tinuro nya si Chen at inilahad nito ang kamay sa akin. "Selene Dela Cruz." pagpapakilala ko at inilahad ko din ang kamay ko sa kanya. "Friends na tayo okay? I like you to be my friend and also you're so beautiful kahit simple ka lang." agad naman nitong sabi sa akin at niyakap ako. "Atsaka wag ka mahiya sa akin, dahil friends na tayo tapos may makakasama na akong magshopping dahil nandito ka, Right Chen."tumango naman si Chen habang nagkakamot ng batok nya. Sa tingin ko ay under si Chen kay Danica kaya ganon na lang pagsunod nya sa girlfriend nya. Mga ilang minuto din kami nag-antay sa labas at nagkukwentuhan ng makita ko si Kaizer. Tumayo naman kaming tatlo at naglakad na papunta sa labas at umalis na ng Bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD