Kaizer's POV:
Sh*t anong mga pinagsasabi ko sa kanya? Bat ako nagmamakakawa. Haysst sinabunutan ko na lang sarili ko habang pababa ng hagdan.
Sana nga pumayag sya dahil paghindi katapusan mo na Kaizer. Habang inimagine ko yung katapusan ko parang gusto kong sakalin ang sarili ko.
Bigla akong may naisip kaya tinawagan ko si Chen.
"Bro. where are you?" pagkatanggap ng tawag ko sa kabilang linya ay ayan agad ang bungad ko.
"At the house bro, gusto kasi makita ng Mommy ko ang gwapo nyang anak hahahaha.." bigla namn ako napangiwi sa sinabi nya.
"Pero bro wala kang ginagawa ngayon?" agad na sabi ko.
"Wala namn bro bakit? Gusto mo akong makasama ngayon?" napapamura na lang ako sa mga pinagsasabi nya.
"May pag uusapan tayo ngayon. Punta ka sa bahay ko, at bumili ka na lang ng pagkain na kasya sa tatlong tao OK? Babayaran na lang kita pagdating mo dito."
" Tatlo?? Bro bukod sa atin? May kasama pa tayo dyan?" gulat na sabi nito.
"Oo bro, andito sya ngayon sa bahay kaya kailangan natin mag usap. Kaya bilisan mo?" enend call ko na at umupo muna ako sa Sofa. Habang nag aantay kay Chen.
Mga 40mins. ay nakarinig ako ng busina kaya lumabas ako ng bahay para abangan si Chen.
Nakita ko nga na papalabas na ng kotse si Chen at pumunta doon sa backseat at kinuha yung mga pagkain na binili nya.
"Ohh? Bro, totoo andito sya?" tumango ako.
"Oo bro, pero hindi ako umagree sa sinabi mong kakausapin ko sya bro. Kaya andito ka ngayon. Dahil sa totoo lang kinidnap ko sya." nagkatinginan kami ni Chen at bigla syang napahagalpak ng tawa.
Kaya nakatikim syang batok sa akin. Napa aray namn sya dahil doon.
"Pero Bro. Totoo ba yan? Ayokong maniwala na kinidnap mo yung Selene? Alam kong maganda yung babaeng yun pero hindi mo makakayang ipakidnap yun." sabi nito na hindi naniniwala sa sinabi ko sa kanya.
"Bro naman, hindi ako nagbibiro sayo andito sya sa bahay at kinidnap ko sya kahit na kausapin mo pa sya mamaya." sabi ko namn
"Mukhang naniniwala na ako sayo bro." agad na sabi nito dahil nasa iba ang paningin nya at tinuro nya iyon gamit ng labi nya.
Kaya napalingon ako sa likod ko at nakita ko nga si Selene na nakatingin sa amin.
Nagkatinginan kami ni Chen at nagsabi ako na pumasok na sa loob kaya dala-dala namin yung pagkain papasok ng Bahay. At doon lang si Selene nakatayo sa pintuan.
"Hi, I am Chen Aguirre, Kaizer's Friend"agad na sabi ni Chen kay Selene.
"Hello, I am Selene Dela Cruz." sabi nito na kinakabahan.
Inilahad ni Chen yung kamay nya kay Selene pero si Selene naman ay nagdadalawang isip kong tatanggapin ba nya yung shake hands shake hands nila ni Chen.
Pero umangat ang kamay ni Selene pero nanginginig iyon. Ewan ko ba takot pa siguro sa amin.
"Hmmmm..."pag uumpisa na salita ni Selene.
"Ano kasi...... A-ano..." pagpuputul-putol nya na tanong sa amin.
"Ano yun say it Selene?" pagtatanong ko sa kanya.
"K-kasi na-nagugutom na ako?" nahihiya pa nitong sabi.
"Pasensya na talaga kasi gutom na gutom na ako kanina pa kaya bumaba ako ng kwarto." kagat-labi nitong sabi sa amin.
"Bro, gutom na daw si Selen kaya pakainin mo na." agaran na sabi ni Chen sa akin kaya pumasok na ako sa loob ng kusina at hinihanda ang tatlong plato.
Tinawag ko ang dalawa pero nakaupo lang sila sa sofa na walang imikan dahil alam kong naninibago pa si Selene at takot pa sa amin. Dahil sa ginawa ko. Alam kong sa susunod na araw ay mawawala din yun.
"Kain na tayo guys." agad kong sabi. Tumayo naman silang dalawa sa pagkakaupo kaya pumunta na din ako sa lamesa at tumayo muna doon sa isang upuan.
"Bro ako ba dyan?" birong sabi ni Chen sa akin. Pero ako naman ay pinanlakihan sya ng mata kaya napatahimik sya dahil alam nya na ang ibig sabihin nun.
"Ahmm...Selene dito ka umupo." at hinila ko ang upuan nya at pinaupo sya doon.
Tahimik lang kaming kumakain kutsara't tinidor lang ang nagpapaingay dahil alam kong sinasadya ni Chen na mag ingay kaya sinipa ko sya sa paa. Kaya napaaray sya kaya. Napatigil si Selene sa pagkain.
"Sorry, hehehe natusok lang ng tinidor yung labi ko kaya napa aray ako ,Sige na kain ka ng marami ha?" pagsisinungaling ni Chen kay Selene dahil nakatingin sa kanya si Selene na may kanin pa ang bunganga nito.
"Hmmm..Chen." tawag ko sa kaibigan ko.
"Bakit Bro," agad namn nitong sabi at tumingin sa akin
"Bro, pwede ba hanapan mo kami ng katulong para dito sa bahay." kaya napaubo si Selene dahil sa sinabi ko. Binigyan ko sya ng tubig at ininom nya namn iyon.
"Oo namn bro, no probs. dahil ibibigay ko sa inyo si Nanay Elma at ung tatlong katulong sa bahay dahil alam mo namn si mommy palit ng palit ng kasambahay."
"That's good to hear that bro, bukas na bukas bro dapat nandito na sila." sabi ko namn at tumango sya.
Sa totoo lang ay wala akong katulong sa Bahay ko dahil hindi naman ako kumakain dito pagkatapos ko sa Office. Nag-iisa lang din naman ako sa Bahay kaya hindi ko na Kailangan ng katulong.
Pagkatapos namin kumain ay ako na lang nagvolunteer na maghugas ng pinggan at pinapunta ko na si Selene sa kwarto nya para magpahinga.. Nababalisa pa ito nung nakita ko. Pero tumakbo narin papunta sa taas.
———————
Unknown's POV
"Hija, wag kanang umiyak please." ito ang sabi ng matandang Babae sa kanyang anak.
"Mama, hindi ko pa nakikita ang anak ko." hikbi nito.
"Anak magdasal ka lang Okay? Alam natin na buhay pa sya. At wag ka mawalan ng pag-asa." pangungumbinsi ng kanyang ina sa anak nyang umiiyak. Kaya tumango lang ang anak nito at ngumiti ng kahit pilit sa kanyang ina.
"Mama paano kung namatay na sya?" agaran na sambit nito sa kanyang ina.
"Anak wala pa tayong Lead about dyan. Wala pa tayong nakikitang bangkay nya kaya may posibilidad na buhay pa ang anak mo." niyakap naman ng ina ang kanyang anak para hindi na ito umiyak.
"Tama ka po Mama hindi po tayo susuko hanggat hindi po natin sya nakikita."
"That's my girl." ngumiti sa kanya ang kanyang ina at hinalikan sya sa Noo. At nagpaalam na ito na magpapahinga sa kanyang silid.