Chapter 3

1238 Words
Unknown's POV: Andito ako ngayon para bantayan yung babae na sinasabi ni boss na nakaputing uniporme na nakapanghospital daw? Hmmm... Bat kaya gustong makuha ni boss yun? Tapos gagawin nya pa akong adultnaper ba? Haysst bahala na to? Si boss namn bahala sa akin eh.. Nag aantay lang ako na dumaan yung babae na tinutukoy ni boss. Nagliwanang ang mata ko dahil hindi pa nag-iisang minuto ay dumadaan nga sya kaya nagsuot na ako ng Mask para hindi nya ako makilala. Sinundan ko sya hanggang saan basta hindi lang sya mawala sa paningin ko. Nung maramdamn ng babae na may nakasunod sa kanya ay bigla syang nagpalinga-linga at ako namn ay nagtago. Nang walang makita yung babae ay dumeretso sya ng lakad pero pabilis ng pabilis ung lakad na iyon. At ako namn ay binilisan ko din ang lakad ko hanggang sa mahawakan ko ang braso nya. Nung nahawakan ko ang braso nya ay bigla syang humarap sa akin. Tinititigan nya sana ako pero pinatalikod ko sya at nilagyan ng panyo ang bibig nya para hindi na sya makasigaw. Sa sobrang pagpupumiglas nya ay nawalan na sya ng malay. At buti na lang ang sasakyan nakasunod sa amin kaya sinakay ko na sya doon at pumunta na kami sa address na binigay ni boss. Pagdating namin sa bahay na iyon ay parang luluha ang mata ko sa sobrang laki. Kaya napaisip na lang ako na tawagan si boss na nandito na kami sa bahay na binigay nyang address sa amin. "Hello boss, nandito na po kami." agad na sabi ko. "Ok, ilagay mo na lang sya doon sa kama at wag mo syang gagalawin dahil papatayin kita." ang sabi ni boss sa akin. Kinabahan namn ako kasi kayang gawin yun ni boss kaya nagsabi na lang ako na ilalagay ko lang yung babae sa kwarto nya at aalis na pagkatapos. Mga ilang minuto ay dumating na si boss at hinahanap yung babae at tinuro ko iyon kong saan ko sya hiniga. Pumunta naman doon si boss kaya umalis na ako at umuwi ng bahay. ------------ Kaizer's POV: Habang nasa Office ako ay napapabuntong-hinga na lang ako dahil problema talaga ang lolo ko. Hindi nya talaga ako titigilan hanggat hindi ako umoo sa kasal. Pwes, magpapakatigas ako ng ulo at bahala syang mamroblema. Alam kong habol ng pamilyang iyon ay yaman namin at ang companya ng Madrigal. Alam ko ang takbo ng utak nila tss.. Ang lolo ko namn parang alam nyo na? Hindi nya alam ang nangyayare? Haysst bahala na nga sya dyan ayoko na isipin yun at pinikit ko na ang mata ko. Pagkapikit ko na ng mata ko saka namn may tumawag sa akin kaya tiningnan ko ang caller, c Damien lang pala ang guard ko. Sinagot ko iyon Hello boss, nandito na po kami." agad na sabi nito "Okay, ilagay mo na lang sya doon sa kama at wag mo siyang gagalawin dahil papatayin kita." ang sabi ko namn. Yes, tama kayo ng hinala ako ang nagpakidnap sa kanya. Ewan ko ba kung bat ko yun nagawa. Nung time na nakita ko sya pagkabalik ko ng Office sya na palagi ang iniisip ko kaya nagpatulong ako na ipahanap kay Chen ang Files ng babaeng yun at nalaman kong sya pala si Selene Dela Cruz. Isang nurse sa Fortaleza Hospital at ang Nanay at Tatay nya ay patay na kaya sya na lang bumubuhay sa sarili nya. Nang matapos kong makausap yung guard ko ay dali-dali akong tumayo at isinuot ang coat ko. At kinuha yung susi sa drawer ko. Lalabas na sana ako pero andyan yung babae na ayokong makita. Nakangiti ito sa akin pero ako ay nakakunot noo lang. "What are you doing here?" i said coldly to her. "My ghosh, Kaizer syempre I'm here for you?" she said that to me kaya napakuyom ang kamao ko. "Pwede Bernadeth, tigilan mo muna ako, umalis ka dyan sa dinadaanan ko dahil nagmamadali ako atsaka hindi kita kailangan?." ang sabi ko sa kanya kaya medyo tumabi sya sa pintuan. Magmamadali sana akong lumakad ng may bigla pa syang sinabi sa akin. "Tandaan mo to Kaizer, ikakasal tayo sa ayaw at sa ayaw mo." ang sigaw nitong sabi sa akin pero ako naman ay naglakad na habang nakakuyom ang kamao ko dahil sa galit. Habang nagbabyahe ako papuntang bahay ko ay ang saya saya ko dahil makikita ko sya ng harapan pero baka ayaw nya akong makita dahil pinakidnap ko sya. Binilisan ko na lang ang pagmamaneho para makarating agad ako sa bahay. ....... Selene's POV: Napamulat ako ng mata ko at pinoproseso ko pa ang utak ko kung anong nangyare sa akin kanina. Nang iminulat ko nga ang nga mata ko ay ibang kwarto ang hinihingaan ko at hindi ko ito apartment. Sobrang ganda ng kwarto pero mas malaki pa to sa apartment ko. Babangon na sana ako ng bumukas ang pintuan. At pumasok ang may katangkaran na lalaki at nakabusiness suit pa ito. Hindi ko sya kilala kaya natakot ako kaya napapausog ako sa kama. Para hindi nya lang ako mahawakan. "Hi, gising kana pala?" pangunguna nyang sabi sa akin. Pero ako namn ay hindi nagsalita sa sobrang takot. "Pasensya kana dahil ipinadukot pa kita para makapunta ka lang dito sa bahay ko." pagsasalita nya ulit sa akin at natandaan ko nga na may isang lalaki na nagtakip ng panyo sa akin. "Ano bang kailangan mo sa akin." buti na lang ay nakaya kong magsalita kahit na nanginginig ang buong katawan ko. "Meron akong kailangan sayo sana matanggap mo yun." agad nitong sabi sa akin. "Ano iyon? Kapag pera wala ako non, kaya pakawalan mo na ako." sabi ko naman. "Hindi pera ang kailangan ko Selene, kung Di ikaw?" sabi nito at nagulat ako dahil alam nya ang pangalan ko. "Bat mo alam ang pangalan ko? Sino ka ba? At b-bat mo ako k-kilala?" agad kong sabi dahil kinakabahan na talaga ako. "Nakilala lang kita dahil sa Files mo?" nakangiti nitong sabi sa akin. Sa totoo lang nangingilabot ako sa ngiti nyang yun. "By the way balik tayo doon sa Needs ko Selene, ayoko na ng paligoy-ligoy at gusto na tong sabihin sayo.. I want you to be my WIFE..."agaran na sabi nito sa akin. Nagulat ako sa sinabi nya at alam nyo yung CD na gumagasgas tapos nagloloading ganun ako dahil sa hindi mo maintindihan. Kaya nakanganga ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. "Selene can you hear me?" he said. "Y-yes of course i am? Pero paano kita magiging asawa kung hindi ko alam iyang pangalan mo?" pagmamaldita kong sabi. Aba! wag siyang magbiro. "I see? Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo? I am Kaizer Kiel Madrigal, Selene please i need you, gusto kong makatakas sa lolo ko. Kahit secret marriage lang at secret wife kita." pagmamakaawa nya sa akin. Pero hindi ako makapagsalita dahil wala akong masabi. "Pero pag iisipan ko muna yan kung papayag ba ako o hindi." tumango naman sya at nagpaalam muna sa akin na may pupuntahan sya. ....... Unknown POV. "Hello Detective." agad na sabi nung babae. "My lead na ba kayo about sa anak kong nawawala?" agad kong sabi sa private Detective ko. " Sorry po ma'am wala po pero hindi po kami titigil hanggat hindi kami nakakakuha ng impormasyon." ang sabi sa kanya ng Detective. Ang babae naman ay biglang napaiyak. Dahil nangungulila na sya sa nag-iisa nyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD