Epilogue: Daungan
"Ate Ving, dito ka na maghintay habang kukuha Ako Ng ticket natin papuntang Isla" Ang sabi ni Ed kay Vanessa habang pinigilan sya sa paglalakad sa tabi ng Isang puting van sa tabing kalsada ng pila ng mga kumukuha ng ticket papuntang Isla ng Samal. "O sya Sige at masyadong mainit na ang sikat ng Araw insan" Ang tugon nya.
Habang naghihintay sa kanyang pinsan ay may napansin syang kakaiba na parang merong nakatitig sa kanya. Napansin nya ang Isang nakaputing t-shirts na lalaki na nakakunot noo na sa pakiwari nya ay sa kanya nakatingin. Pamilyar sa kanya ang pigura ng lalaki pero sabi nya sa sarili na imposibleng nandito sa Pilipinas ang taong yon na sa puso't isip nya ay matagal na nyang pinangarap na makitang muli at makasama. Dahil nakasuot ito Ng dark shades kya di nya ito namukhaang mabuti hanggang lumapit ito sa pinsan nya. Nagtaka sya dahil magkakilala Ang dalawa at nagmano pa si Ed sa lalaki at itinuro ang kinaroronan nya.
"Halika ate Ving makisabay na lng tayo kina ninong Adonis para di na tayo magpila kasi abutin tayo ng tanghali sa haba ng pila" yaya ng pinsan nya sa kanya. Bigla syang nanlamig at sa sobrang kaba ay di sya nakakibo basta sumabay na lang sya sa pinsan nya. Sumakay sila sa puting van na pinagsilungan kanina. Sumakay din Ang lalaki na kumpirmadong si Adonis Fuentebella, ang lalaking hanggang ngayon ay pinangarap nyang makausap at makasama.
"Kahit kailan ay di mo ako pinaniwalaan, mas naniniwala ka sa paninira nila sa akin" hwag kang mag-alala malilimutan din kita at sa pagdating ng araw na iyon ay pagsisihan mo lahat ng ito"
Bumalik sya sa kasalukuyan ng marinig nya ang baritonong boses nitong bumulong sa kanya "seems you really forget me huh?" Naamoy nya din ang pabango nito na hanggang ngayon ay iyong brand pa rin na pinili nya. Gustong gusto na nya iyong yakapin at sabihing mahal na mahal nya pa rin ito. "insan, di ako makahinga dito, sa labas lang muna ako ng makalanghap ng fresh air. let's meet at the exit of this ferry when we get there" sabay bukas ng pinto ng sasakyan.
Napakahirap ba para sayo ang makasama ako sa Isang lugar? Ganun mo ba ako kinamumuhian? aa kahit magpakacasual man lang ay di mo magawa? tanong ng taong iniiwasan nya.
Di sya makasagot dahil kasalungat ang nararamdaman nya para rito. Gusto nya itong yakapin at sabihing sya ang pinakagusto nyang makasama habang buhay pero di nya magawa. Sinubaybayan nya ito sa social media at alam nyang may pamilya ito at masaya ito sa buhay nya. Kung pwede lang sanang bawiin ang lahat at itama. Kahit di naman nya pinagsisihan at masaya din naman sya sa piling ni Carl na dalawang taon nang pumanaw.
Gusto nyang sabihin sa lalaki na kahit sa loob ng tatlumpong taon ay di nawala ang puwang nito sa puso nya. Na kahit galit ito sa kanya ay di nya magawang magalit sa taong ito. Totoong marami syang narinig na meron na itong anak sa ibang babae at nagdodruga ito noon pero di nya magawang magalit dito. Subalit di sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap dahil lumayo ang lalaki at di na nagpakita sa kanya ng ilang taon. Huli silang nagkita ay pagkalipas pa ng tatlong taon kung saan may asawa na siya't anak.
Kitang kita nya sa mga mata nito noon ang sakit nung nalaman nito na may pamilya na sya. At iyong sakit na yon ay nasa mga mata pa rin nito ngayon. Galit pa rin ang nakikita nya sa mga mata nito. Kaya mas natakot syàng kausapin ito. Walang kibo syang tumingin sa dagat at huminga ng malalim to release the tension inside her. Nilingon nya ang lalaki pero wala na ito sa kinatatayuan kanina.
Di nya napigil ang butil ng luhang tumulo mula sa mga mata nya. Ramdam nya pa rin ang sakit at pagsisisi.