bc

Seems Like Forever [Tagalog]

book_age18+
4.0K
FOLLOW
21.1K
READ
billionaire
dark
sex
one-night stand
fated
small town
abuse
affair
prostitute
wild
like
intro-logo
Blurb

MALUNAY GIRL SERIES #2: Rosenda Awreza

Binili ni Vicente Seymour Molan si Rosenda Awreza o mas kilala bilang Lady Rosa sa ilang milyong halaga upang matulungan niyang makaalis ito sa pinagtra-trabahuhan niyang club. Ang tanging hangad lang naman ng binata ay ang makaalis ito sa putik na kinasasadlakan, ngunit sa unang pagkikita nila ay hindi inaasahang mayroong mangyari sa pagitan nila dahil ang buong akala ng babae ay kailangan niyang ibigay dito ang kanyang sarili bilang kapalit ng lahat. At dahil attracted ang binata sa kanya, hindi niya napigilang tanggihan at e-deadma ang tawag ng laman. Nagpadala siya sa mapusok nitong mga halik.

May masaya bang naghihintay na katapusan sa kanilang pag-iibigan na ang simula ng pagmamahalan ay sa kakaibang paraan?

chap-preview
Free preview
Prologue
Maingay ang buong paligid, malakas ang sigawan ng mga tao na karamihan ay mga lalake. Halo-halong amoy ang umaalingasaw sa loob ng naturang lugar. May amoy ng alak na hinaluan ng usok ng sigarilyo at maging amoy ng iba't-ibang pawis na nagmumula sa mga lalakeng paroo't-parito. Sa loob ng ilang taong pagtra-trabaho ko dito ay tila ba nasanay na ako sa ganitong tanawin, amoy at nakagawian ng mga tao tuwing sasapit ang takipsilim at tuluyang magpapaalam na ang nakakapagod na araw. Lalo pang lumakas ang tugtog ng mabagal na musika na nanggagaling sa napakalaking speaker na halos ay ikabingi ko na. Musika na sanay na sanay ang mga taong nasa loob noon. Hindi nila alintana ang halos makabasag ng eardrums na tunog nito. Animo ay nang-aakit ang mga babaeng maganda ang hubog ng pangangatawan at naghahanap ng mabibiktima nila sa gabing iyon. Sila lang iyon, hindi ako kasali at kabilang sa kanila. Parang nasa slow motion show ang mga babaeng gumigiling sa entabladong gawa sa semento, yakap ang payat at nakatayong bakal sa gitna ng ebtablado. Pilit silang nakikipag-konekta sa mga mata ng mga lalakeng uhaw, naglalaway at hayok sa laman at sa makamundong gawain sa lugar. Hindi na rin bago sa akin ang tanawing iyon, dahil maging ako ay ginagawa ito tuwing sasapit ang gabi. Simple lang ang rason ko dito, nang dahil iyon sa pera. Ngunit may natitira pa naman akong pagmamahal sa aking sarili, hindi pa iyon tuluyang nababalot ng kinang ng salapi na siyang madalas na nagpapakapal sa amin ng apog at mukha upang idaos ang performance. Malalim akong akong humugot nang hininga nang makita ang normal na tanawin sa kabila ng manipis na kurtina na aking kinatatayuan. Iyon lamang ang naghihiwalay sa mga performer at mga manonood doon. Halos magkandabali na ang leeg ng mga lalakeng kulang na lang ay tumulo ang sariling laway dala ng paghanga nila sa pambirang ganda ng hubog ng katawan ng mga babaeng patuloy na gumigiling sa harapan nila. Iyong iba pa nga sa kanila ay mayaman, may mga asawa, at may mga anak na, at mga kilalang personalidad sa lipunan. “This is the reality. Ano pa bang bago? Ito ang maruming realidad ng buhay ng mga taong marahil ay hindi alam at matagpuan ang salitang makuntento.” bulong kong hindi maikakaila ang tono ng pagiging dismayado ko sa sitwasyon. Ang sabi ng karamihan sa kanila ay pangaptanggal lang kami ng stress nila sa nagdaang maghapon. Bagay na una pa lang ay mababaw na dahilan at nakakaduda na para sa akin. Tama ba talagang ang pampatanggal ng stress ay ang haplos at romansa ng iba? Ang panoorin at sambahin na sumayaw ang walang saplot na katawan ng ibang babae? Minsan pa, sumagi sa aking isipan na ano kaya ang mararamdaman ng mga kapareho nila kapag nalaman nila? Hindi ba sila masasaktan dito? Manliliit? Ang sabi naman ng iba sa kanila ay sadyang may itinatagong kati sa kanilang katawan na kailangang kamutin ng iba. At dito ako higit na naniniwala dahil mas makatotohanan. “Hindi ko pa rin naiintindihan hanggang ngayon ang kanilang rason kung bakit kailangan nilang pumunta sa lugar na kagaya nito. Oo, pangtanggal ng stress pero hindi naman nila kailangang tumawid ng boundaries.” bulong ko na bahagyang inayos ang aking mahabang buhok, “Sa totoo lang ay napakababaw.” Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga nang maalalang iyon din ang entabladong gabi-gabi ay aking labis na kinaiinisan at kinasusuklaman. Kung gaano sila naaaliw sa aking sayaw, kabaligtaran noon ang aking paulit-ulit na nararamdaman tuwing sisimulan ito. Natapos ang musika at hiyawan ng mga lalakeng nandoon ang aking naulinigan. Sinundan iyon ng malakas na pagsipol ng mga lalakeng tuwang-tuwa sa kanila, sinundan pa ng sigawan ng kantiyawan. “Lady Rosa, prepare yourself, ikaw na ang kasunod.” masayang balita sa akin ni Tita Roxa na sinipat pa ako mula ulo hanggang sa aking paa, tinitingnan kung handa na ba ako sa gagawin ko sa gabing iyon. Siya ang pinaka-manager ng bar na ito na pinagtra-trabahuhan ko. Gabi-gabi ko iyong naririnig sa kanya pero tila hindi pa rin siya nagsasawang ipaalala sa akin ang bagay na ito kahit na gasgas na. “Kumalma ka lang at ayusin mo ang performance mo, ang isipin mo ay bukas lang ay maraming pera na ang magiging kapalit nito.” Mapakla akong ngumiti. Tinanggap na ang ibinibigay niyang baso ng alak at walang pakundangan iyong nilagok. Isang baso ng tequila ang tanging kailangan ko bago ako tubuan ng kapal ng mukha upang lumabas sa nakatabing na pula at manipis na kurtina. Ilang taon ko na siyang karamay ngunit ang epekto nito ay walang pagbabago. At kung malakas na ang sigawan ng mga lalake kanina ay higit na mas malakas ang hiyawan nila ngayon na may kasamang malakas na silbato at palakpakan, hindi pa man ako sumasayaw at hinihintay pa lang nilang lumabas at magpakita doon. “Lady Rosa! Lady Rosa!” paulit-ulit na cheer nila sa aking gamit na pangalan na ikinangiti ko ng hilaw, sa lahat ng aking nakasanayan ang pagtawag nila sa akin ng ganitong pangalan ang hindi at aking ikinakikilabot kadalasan. “Lady Rosa! Lady Rosa!” patuloy pa rin nilang hiyaw. Abot-tainga ang ngiting pumunta na ako sa gitna ng entablado, ngitian ang lahat habang nilalapitan ang malamig na pole na sa akin ay naghihintay na yakapin. Ini-angkla ko doon ang isa sa aking bilugang mga hita at itinaas na ang dalawang kamay. Muling sumambulat ang malakas na sigawan ng mga lalaki sa nasabing bar. High end iyon, exclusive lang din at malakas ang kapit sa mga nanunungkulan sa bayang iyon kung kaya hindi ito maipasara kahit na maraming beses na iyong nareklamo. At wala pa 'ring nangyayari sa mga kasong sinasampa ng mga asawa ng costumer. Kung kaya naman patuloy pa rin ito sa pamamayagpag at pagbibigaw ng aliw. Mabagal na tumugtog ang isang awitin na sa ilang taong pamamalagi ko doon ay nagawa ko ng kabisahin ng memorya. Na kahit siguro mahimbing ang pagtulog ko ay napapanaginipan ko ang mga ito. Animo ay panghabang-buhay na itong bangungot ko sa kabuohan ng pagkatao. “Lady Rosa! Lady Rosa! Lady Rosa!” Sa pagsisimula ng aking pagsasayaw na kapareho ang malamig na bakal ay nagsimula na ‘ring mamasa ang bawat sulok ng aking mga mata. Patuloy iyong uminit at sa mga sandaling iyon ay parang nais ko na lang pumalagaw ng iyak. Hindi pa rin lubos maisip kung paano ako nasadlak sa ganong gawain. Kung paano napunta ang kagaya ko sa trabahong ganito na ni sa hinagap ay hindi ko naisip na gagawin ko. Matayog ang aking pangarap noon, napakataas. Ngunit sa mga sandaling ito ay iisa na lang ang pangarap ko. At iyon ay ang maging malaya ako. Gusto kong lumaya at tuluyang kumawala sa lugar na ito na animo para sa akin ay kulungan ng aking buong pagkatao. At kung pwede nga lang sanang balikan ang mga panahon noon ay ginawa ko na, kung may makina lang sana o lugar na pwedeng puntahan upang mangyari iyon ay ginawa ko na. At kung pwede lang sanang iikot ang oras ngayon, pabalik sa mga panahong wala pa ako sa lugar na ito at nasa katawan pa ang mga dating pangarap ko ay hindi ako mapapagod na gawin iyon, iikot pa, makawala lang dito sa panahon na parang panghabang-buhay na trabaho. Kung pwede lang sanang gawin ko ito. “Lady Rosa ang ganda mo talaga!” “Lady Rosa ang sarap mong...yakapin!” “Lady Rosa kailan kita makakasiping?” “Lady Rosa, kahit na iisang beses lang naman sana. Kami ay pagbigyan mo na!” Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Bingi-bingihan muli sa mga sinasabi nila. Nakakabastos at nakakapanliit ito. Subalit wala naman akong magagawa, iyon ang trabahong pinasok ko. At kahit na diring-diri na ako sa mga ginagawa ko ay pikit-mata pa rin itong niyayakap. Isang araw ay makakawala ka rin dito Senda, isang araw ay matatapos din ang lahat. Huwag kang mainip, hintayin mo ang araw na iyon na dumating. Maniwala ka pa na isang araw makakawala ka sa kadenang gabi-gabi sa'yong sumasakal. And even though it seems like forever, you should still believe that everything has an end. At malapit na iyon, kapit pa. Nakasuot ako ng hanggang tuhod na pulang boots at manipis na jacket na kulay pula rin. Sa nipis nito ay kitang-kita na ang aking panloob na hindi na rin bago sa aking mga manonood. Mas ginalingan ko pa ang paggiling na laking pasasalamat ko na nagkaroon ako ng ganitong klaseng talento dahil kung hindi ay hindi ko ma-imagine ngayon kung ano na ang ginagawa ko. At kahit na masakit, kahit na nilalamon ako ng aking poot at galit kay Mama ay nagagawa ko pa ‘ring isalba at itawid ang aking performance gabi-gabi. Siya ang may kasalanan nito, siya ang may kagagawan kung bakit ako narito. Kung iyong iba ay mahal ang kanilang mga ina, kabaligtaran nila ako dahil labis na kinasusuklaman ko ang aking ina nang dahil iyon sa pagiging mukhang pera niya! Pera ang palaging mas mahalaga sa kanya, pera lang! At nang dahil sa pagsamba sa kinang ng salapi ay nakalimutan niyang may anak siya. Kinalimutan niya na kung sino ako. “Saglit ka lang naman doon Senda kung kaya pagbigyan mo na ako. Ang iyong Tita Roxa na ang siyang bahala sa'yo.” “Pero Mama, paano ang pag-aaral ko?” “Pwede mo naman iyong ituloy na next year. Pasasaan ba at matatapos ka rin.” Dumadagundong pang lumakas ang ingay sa loob ng nasabing bar. Hindi na magkamayaw ang mga kalalakihan na animo ay noon lang makakakita ng maghuhubad na laman. Marahan kong binuksan ang zipper ng aking suot na jacket habang mabagal na umiikot sa stage na lalong ikinawala ng wisyo ng mga lalakeng narito at sa aking katawan ay matamang nag-aabang na kanilang masilayan. Tutok na tutok ang atensyon. Tila ayaw palagpasin ang pagkakataon. Sanay naman na ako sa ganito, sanay na sanay na ako sa ganitong gawain ko pero sa bandang huli ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Nakakapanlumo pa rin tuwing naiisip ko ang hinantungan. Oo, maarte ako, mahilig magpaganda at mag-make up noong nag-aaral pa ako. May mga kaaway, kakaunti ang kaibigan. Kung ito ang tinatawag nilang karma sa mga nagawa ko noon, para namang ang lala at sobra-sobra. Grabe ang hagupit. “Lower! Lower! Lower, Lady Rosa!” Nagpatuloy pa ako doong gumiling at paunti-unti ng tinatanggal na ang jacket na suot. Tumambad sa kanila ang aking malulusog na dibdib na nag-uumapaw sa aking suot na pang-ilalim. Sensual kong hinawakan iyon habang patuloy pa rin sa aking pagsayaw. Nang dahil sa aking ginawa ay halos magwala na ang mga lalakeng nandito. Mababanaag sa kanilang mga mata ang pagnanasa nang labis sa kanilang nakikitang katawan ko. Nagsitayuan na rin ang iba sa kanila na kulang na lang ay lapain ako at sugurin sa entabladong kinatatayuan ko ngayon. Maliit na kumurba sa ngiti ang gilid ng aking labi. Puno iyon ng hinanakit at hindi ng pagiging proud sa aking sarili. Sa aking paningin ay para silang mga gutom na hayop, masakit mang pagmasdan at tingnan ng paulit-ulit ay wala ako doong nagawa dahil iyon ang trabaho ko, ang baliwin pa sila. Gumiling pa ako doon nang naaayon sa tugtog habang tinitingnan sila ng aking mapang-akit na mga mata. Mariin pang kinagat-kagat ko pa ang pang-ibabang labi bilang kasama iyon sa aking taktika. Taktika upang mas baliwin at akitin sila. Kilala rin ako sa tawag na mukha ng bar, walang sinuman sa mga customer ang hindi nakakakilala sa akin, maliban na lang siguro kung baguhan dito. Palagi rin nila akong inaabangan sa performance. Hinubad ko na ang aking suot na boots at nakita nila kung gaano kaputi ang aking mahabang mga binti. Pasalamat na rin ako kay Mama na hindi niya ako pinabayaang magkaroon ng maraming peklat noong bata pa na dala ko ngayon. ”Isang libo!” sigaw ng isang lalake na sa itsura pa lang ay makikita nang hayok na hayok ito sa tawag ng laman, “Isang libo para kay Lady Rosa! Ang isang libo ko!” Maang akong natigilan sa ginagawa nang marinig iyon. Mabilis na lumipad ang aking mga mata kay Tita Roxa na nakita kong ilang beses na umiling dito. What the hell! Anong ginagawa niya? Ibinebenta niya ba ako? Wala ito sa naging usapan namin noon na dalawa at wala rin sa usapan namin na kasama si Mama. Nahihibang na ba siya! Hindi ito maaari! Hindi ako papayag na ibenta niya ang katiting sa aking tira. Ang aking puri na pinakaiingatan ko dito! Ngayong gabi lang ito nangyari sa loob ng pamamalagi ko sa lugar na ito. At hindi ko maintindihan kung ano ang bagay na pumasok sa kanyang kokote para gawin ang bagay na iyon sa harap ko! Hindi niya ba alam na pagiging traydor na ang mga ginagawa niya dito? “What are you doing, Tita Roxa?” buka ng aking bibig kahit malabo naman niya iyong mabasa, gusto ko lang iyong sabihin at baka sakaling mabasa niya. Pilit kong hinuli ang kanyang malikot na mga mata, humihingi ako ng paliwanag sa aksyon niya. Nang magtama ang mga mata namin ay isinenyas niya lang sa akin na ituloy ko pa ang aking ginagawa, mabilis na iniiwas din ang tingin sa akin. “Limang libo!” malakas na sigaw noong matandang kung ang edad lang at hitsura ang basehan ay papasa na itong lolo ko, nahihintakutan kong muling nilingon si Tita Roxa na lumakad pa lalo ang mga ngiti sa labi. “Katumbas ng isang gabi ni Lady Rosa, limang libo ko!" Unti-unting napawi ang aking matingkad na mga ngiti sa labi na nakapagkit na sa simula pa lang ng aking pagsasayaw. Ang aking mga narinig ay labis na ang insultong hatid sa aking pagkatao dito. Patuloy na dumadaloy iyon sa bawat himaymay sa aking katawan. Animo ito ay malamig na likido na ginigising ang poot at hinanakit na pansamantalang nagpahinga at natulog. Hindi ito gusto! Para sa kanila ay ganung halaga lang ba ang siyang katumbas na halaga ng aking p********e? Sa tingin ba nila na porket sumasayaw ako ay kaya na nilang bilhin ang puri ko? Ang puri at p********e na aking patuloy na iniingatan bilang ipagmamalaki sa lalakeng tatanggapin at mamahalin ako. Pagkababaeng iaalay sa lalakeng minamahal, na kahit dito ako nagtra-trabaho ay malinis ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook