Nasa kalagitnaan na ako noon ng hagdan nang biglang matigilan nang dahil sa kanyang tinuran. Ang huling natatandaan ko ay hindi pa kami bating dalawa nito. Masama pa rin ang loob niya sa akin, kung kaya naman nakakapagtaka na kinakausap niya ako ngayon. Hindi pa rin naman ako nakikipag-ayos sa kanya. Nagtatampo pa rin ako sa pagtrato niya sa akin. At makikita pa ang bakas nito sa mga tingin ko sa kanya. Ganunpaman ay hindi ko na lang iyon inasikaso pa, mukhang may magandang nangyari kung kaya naman ito na ang naunang kumibo sa aming dalawa dahil kung wala naman ay nungkang kausapin ako nito. At paniguradong, mayroon nga talaga. Maliit akong ngumiti sa kanya na kahit ang intensyon ko ay hindi lumabas na peke, ay alam ko sa aking sarili na fake iyon. Nararamdaman kong hindi talaga ito totoo

