Chapter 59 THIRD PERSON'S POV Sa isang long bench sa pasilyo ng ospital nakaupo ang tahimik na si Lorrie habang hindi pa rin tumitigil sa taimtim na pagdarasal para sa ikabubuti ng lagay ng lalaking nasa loob ng hospital room. Hindi pa rin tuluyang humuhupa ang panic na inabot niya kaninang bigla na lamang nawalan ng malay sa simbahan si Hector habang nasa kalagitnaan sila ng napakaemosyonal na usapan. Masyado siya nitong tinakot kanina dahil bukod sa hindi niya malaman ang gagawin ay wala pang katao-tao malapit sa kapilya na maaari niyang hingan ng saklolo. Mahigit kinse minutos nang walang malay si Hector nang dumating ang emergency medical service sa pamamagitan ni Gavius Alvizo na siyang unang na-contact ni Lorrie para hingan ng tulong. Good thing she found Hector's phone from hi

