Chapter 60 LOREBEL ‘LORRIE’ S’ya… S’ya iyong pinangarap kong makasama hanggang dulo. S’ya ‘yong pinag-alayan ko ng buong ako. S’ya ‘yong pinagkatiwalaan ko na hahawak at mag-aalaga sa puso ko. S’ya ‘yong hinangad kong makasama upang tuparin iyong isang kakulangan sa pagkatao ko—iyon ay ang bumuo kami ng isang pamilya. ‘Yong magkasama naming pupunuin ng pagmamahal iyong tahanan namin kasama ang sarili naming mga anak. I dreamed of having a family with him kasi kasal kami. Kasi mahal ko s’ya. Minahal ko s’ya. Pinagkatiwalaan ko siya sa kabila ng magaspang naming umpisa. Inakala ko nga na may pag-asa. Akala ko may magandang pagbabago na. Akala ko pa nga may pagmamahal na. . . Ngunit wala akong napala. Umiyak din ako. Nagmakaawa rin ako. Sabi ko pa nga, kakayanin pa, matitiis ko pa pe

