Chapter 14 LOREBEL 'LORRIE' Hindi ko na napansin ang oras at halos abutin na kami ni Ajax sa closing time ng mall na pinuntahan namin. Isang mall lang ang diniretsuhan namin pagkatapos naming magsimba. Sa laki niyon ay kinapos kami sa oras para libutin ang buong mall at wala pa yata sa kalahati ang napuntahan at napasyalan namin. Nakabili ako ng mga damit dahil iyon naman talaga ang isa pang sadya ko. May bestida ako na sunflower ang print na talagang gusto ko. Tatlo ang binili ko kahit halos libo ang presyo ng isa tapos may mga pang-loob rin. Mga pambahay lang itong nabili ko. 'Saka na ako babalik doon sa mall para bumili ng damit na pupuwedeng pangsimba kapag nag-iwan na naman ng pera sa labas ng kuwarto ko si Hector. Ewan ko ba pero wala akong makitang murang damit sa mall na pinagda

