4 kabanata

1631 Words
Zaphira POV "Meow meow meow!" "Mellow wag kang maingay natutulog pa ako" naiinis na sabi ko. "Ay nako nak pinagigising na kita kay Mellow, eh sa ayaw mong gumising jan sige ka malelate ka!.......Mellow gisingin mo na yan lakasan mo pa!"sigaw ni mama. Isa rin tong si Mellow eh mas lalong nilakasan ang pag mameow eh. "Oo na Mellow gising na ako tumigil kana ang ingay ingay mo eh" naiinis parin ako sakanya. "Mellow gusto mo bang hindi kita isama sa school ha"mahinang sabi ko subalit may bakas parin eto ng galit. "Meow" "Oh gusto mo palang sumama eh wag ka ng maingay ha, at kapag nasa bag kita wag Kang maingay para hindi tayo mahuli..maliwag ba?" Bilin ko dito. Araw araw kong sinasabi sakanya yun para matandaan niya. "Meow" "Good boy, oh sige na bumaba kana Doon sa kusina para makakain kana" kaagad naman na siya bumaba. Siguro iniisip niyong baliw ako,dahil kinakausap ko yung pusa ko.HaHaHa bakit ba hindi naman ikaw ako diba? Charr. Mas madali ko kasing maturoan si Mellow kong kinakausap eh, nabasa niyo naman diba sumasagot siya sa mga bilin ko sakanya. Pagkatapos kong maligo at mag bihis ay kaagad na akong umupo."Morning ma"ngiting sabi ko kay mama. "Good mor-anong nangyari jan sa may gilid ng labi mo nak? Bat may pasa? Hindi nakita yan kagabi ah?" Nag aalalang tanong ni mama.lumapit pa siya sakin at tinitigan niya ito. "Aray ma!"medyo pasigaw ko. "Okay lang ba yan nak? May umaaway ba sayo sa school mo? Gusto mo sugudin na natin Yan! Tignan mo nak oh parang nadumihan yung maganda mo mukha! Nako pag nakita ko lang yung gumawa niyan sayo sisiguraduhin kong hindi lang pasa ang aabutin niya sakin!"naiinis na sabi ni mama at meron pang pagkain ang bunganga niya. Natawa ako sa mga Sinabi niya, hahaha kayong mga lalake kayo wag na kayo papakita sa mama ko baka mapatay niya pa kayo haha. "Ano nak sabihin mo kong sino?" Ngumiti lang ako sakanya, tumayo ako at niyakap siya."Ma ikaw na Talaga Ang The Best Mother Of The World!" Naluluhang sabi ko kay Mama. Ngumiti si mama at niyakap din ako."oh sige na nak punta kana ng lumakad kana at baka malate ka,ibag babaon nalang Kita kasi pumapayat kana simula nong lumipat ka dun sa Z University eh"Sabi ni mama habang binabalotan ako ng baon ko. "Ma bakit Z University pangalan? Ang tipid naman nila? Z lang nilagay?"tanong ko kay mama. "Ah kasi yung anak nong may-ari nong school ay puro Z ang nasa unahan nung mga pangalan nila,kaya Z ang nilagay nilang pangalan nong University" napatango nalang ako.'bakit hindi ko naisip ko yun'. "Ah sige ma aalis na ako" hindi ko na inantay kong ano pang sasabihin ni mama, lumabas na ako kaagad at sunuot ko na yung Mask ko. Habang nag lalakad ako may nakabangga akong isang babae."sorry I'm really sorry hindi kita nakita" pag hihingi niya ng sorry sakin. Hmmm ganda siya,brown eyes, medyo mahaba ang buhok kulang red,maputi,at magka singtangkad lang kami."ok lang"sabi ko tinulungan niya naman akong tumayo. "Ako nga pala si Cleopatra Cortez you can call me Cleo.. Nice to meet you Master"nakangiti niyang sabi at sabay bow pa. Nak may pa bow bow pa. Nag taka naman ako sa huli niyang sinabi,hindi ko iyon narinig dahil sa pabulong niya itong Sinabi. "Zaphira Montefalco..nice to meet you too" pakilala ko. "Ah sige mauna na ako sayo"paalam ko sakanya at nag lakad na. "Bye Master" paalam niya rin. Master? Bat tinawag niya akong master? Eh ang pangalan ko at Zaphira, nakakapag taka naman. Nag patuloy lang ako sa paglalakad,at sa wakas nandito na ako sa tapat ng school. Sinilip ko muna ang harap ng gate baka nanjan nanaman sila Cendy. At Tama nga ako nakatayo sila at inaantay ako. Hahah Bahala sila jan mag papalate nalang ako. Hinantay ko lang silang umalis at tyaka ako pumasok, first time kong hindi mabasa ngayong araw swerte. Pumunta muna ako ng Music room ng marining ko si Mellow sa bag ko at nag sisimula na siyang mag ingay, pagka pasok ko sa Music room ay kaagad ko nilapag ang bag ko at nilabas si Mellow. "Nagugutom kaba?" Tanong ko rito. "Meow" "Dapat kasi kumain kana ng marami kanina sa bahay para hindi ka nagugutom basta basta...oh kainin mo na tong pinabaon sakin ni mama"at sabay abot sakanya ng lunch box ko. Kaagad niya naman itong nilantakan. Pinanood ko Lang siya habang kukain. "Sige Kain ka lang Mellow, Hindi nalang ako papasok tinatamad na ako eh" sabay higa at ginawa kong pang unan ang bag ko. Tinanggal ko ang Mask ko at pinunasan ang mukha ko ng panyo. Medyo mainit dito. Kaya tumayo muna ako at nag ponytail ako.haaay nakakaginhawa ang sarap sa pakiramdaman Hindi na ako pinapawisan. 9:30 palang kaya natulog muna ako dito at pinabayaan ko Lang na kumakain si Mellow. Ziel POV Unang kita ko palang sakanya ay magaan na ang loob ko sakanaya.hindi ko alam kong bakit pero parang gustong gusto siya ng sarili ko. Ng Makita ko siyang makipag laban sa mga alagad ni Leofer ay napahanga ako,sana ganon din ako kagaling at kalakas.tama yung sinabi ng mga alagad ni Leofer. Mahina ako. Ako ang pinaka mahina sa aming mag kakapatid at pinaka duwag. Nagulat nga ako nong bigla niyang inagaw sakin yung b***l na hawak ko at ipinutok sa kay Norman kuno. "Mom hindi kaba po muna kakain?"I asked mom. "I'm in a hurry now,sige na aalis na ako Hindi na ako mag papaalam sa daddy mo, kaya pakisabi nalang sakanya umalis na ako, sige na nak bye bye ingat kayo sa pag pasok ah"paalam ni mommy. I don't know what is going on with Mommy. Simula nong namatay yung bunso saming kapatid na babae ay ganyan na siya,maaga siya umaalis tuwing umaga at uuwi ng gabi. Excited kami nong nalang nalaman namin na mag kakaroon kami ng kapatid na babae, hindi na kami makapag hintay nun, Ang akala namin ay makakaroon na kami ng prinsesa sa Montefalco family pero nagkamali kami. Nanlumo kaming lahat nun nong nalaman naming patay ang kapatid naming babae umiyak ng umiyak si Dad at Mommy. Bumalik nanaman sa akin ang alaalang iyon. "Oh ano pang ginagawa mo jan Ziel? Halikana at mag almusal kana dito"tawag sakin ni manang. Ngumiti ako ng napakatamis, umupo na ako at nag simula ng kumain."Yung mga kuya mo hindi paba sila gising?" Tanong ni manang."ah umalis sila kaning madaling araw eh Hindi ko Naman alam kong saan sila nag punta"sagot ko kay manang. Nang matapos na akong kumain ay kaagad na akong nag paalam kay manang at pumasok na sa school. Third year high school. Forth year na sana akong ngayon year kaya lang bumagsak ko kaya ito hehhe. Ipinarada ko na yung sasakyan ko at nag lakad papuntang Principals office."good morning po Sir Ziel,ano pong kailangan niyo?" Tanong ng tauhan namin. "Who is Zaphira? And what section she is?" Agad na tanong ko. Kaagad niya naman hinanap ang sinabi kong pangalan. "Ito po ang full name niya Zaphira Montefalco,16 years old third year, nasa pinaka mataas na Section siya, Section Z, laging late,Mag papakita siya sa mga teacher niya sa umaga at sa hapon ay wala na,mahilig siya mag escape at kung papasok man siya sa hapon ay hindi ito nakikinig at sa halip ay natutulog lang ito" mahabang sabi. "Gusto kong ilipat mo ako sa Section Z ngayon din" cold na Sabi ko sakanya. "Opo" agad Naman niyang sagot. Natawa ako sa mga narinig ko. Maganda ka sana kaya lang bad girl ka Zaphira. Lumabas na ako at papunta na sana sa Section Z ng may narinig akong boses sa may lumang Music room, lumapit ako sa may pinto at pinakinggan kong sino ang nasa loob. "Nagugutom kaba"tanong ng isang babae. Parang kilala ko ang boses na yun.nag patuloy lang ako sa makikinig. "Meow" Tama nga ang nasa isip ko si Zaphira nga. "Dapat kasi kumain kana ng marami kanina sa bahay para hindi ka nagugutom basta basta...oh kainin mo na tong pinabaon sakin ni mama"kausap niya ba yung pusa niya?.ilang sigundong wala ng nag salita kaya binuksan ko ng kaonte yung pinto at nakita ko naman siya na nakatitig lang sa pusa niya.at bigla siyang nagsalita. "Sige Kain ka lang Mellow, Hindi nalang ako papasok tinatamad na ako eh" kapag hindi pala siya pumapasok nandito lang siya. Pinagmasdan ko lamang ang bawat galaw niya.humiga siya at ginawang unan ang bag at ilang saglit lang ay tinanggal niya yung mask niya at pinunasan niya ng panyo ang napaka ganda niyang mukha. At ilang saglit ulit ay tumayo siya at nag ponytail, siguro ay naka ramdam niya ng init kaya ito nag ponytail. Pagkatapos nitong mag ponytail ay makikita ko sa mukha niya na naginhawaan siya. Ang ganda niya talaga kitang kita ko ngayon ang kabuoan ng mukha niya.May pagka kamukha sila ng Mommy ko. Humiga ulit siya at natulog. Sinigurado kong tulog na siya bago ako pumasok sa loob ng Music room at tinitigan ko ulit siya. Napamura ako ng Makita ko ang pasa niya sa may gilid ng kanyang labi. Nakaramdam ako ng inis doon sa lalaking nanampal sakanya kahapon.dinungisan niya ang napaka gandang mukha ni Zaphira. Umupo lang ako sa gilid ni Zaphira at pinagmasdan lang siya. Yung pusa niya namang si Mellow ay pumunta sa may leeg ng kanayang amo at doon natulog. Tsk parehas sila ng amo niya antokin. **********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD