Zaphira POV
"Hoy itigil niyo na yan, ku-kung hindi tatawag a-ako ng mga pu-pulis!!." Nauutal na sabi ko sakanila. Kaagad naman nila akong tinignan. Napatingin Naman ako sa Z brothers at tinignan lang nila ako na may pag tatakang mukha.
" Hahaha!! Anong pinagsasabi mo miss!!! Tatawag ka ng pulis?? Pano ka makakatawag ng pulis kung bago ka pa makatawag ay papatayin ka na namin." Nakakakilabot na sabi ng leader nila. 'tae kinakabahan ako,they still have knives,kunting kamali ko lang sa galaw ko patay ako'
Ngumisi lang ako dahilan ng pagka inis nila kaagad nila akong sinugud,the other one was about to punch me but I immediately dodged and kicked him for the reason that he fell, nakita ko naman ang Isa na sasaksakin niya na sana ako sa tagiliran subalit kaagad akong umatras at sinisipa ang kamay niyang may hawak na kutsilyo at kaagad naman niyang nabitawan, ngumisi ako sakanya at binigyan siya ng malupitang flying kick
At ayun hehhe nawalan ng malay napalakas yata.
Patuloy lang akong lumalaban sa kanila
Ang dalawa ay wala ng malay ang tatlo naman at pilit nila akong gustong patayin.
Hindi ko nakita ang isang lalaki sa likod ko,napatigil ako sa paggalaw ng maramdaman kong nakatutuk ang kutsilyo sa aking leeg."ano na miss wala ka ng takas dito,binalaan ka na namin kanina at ngayon mamatay kana." Kasabay nun ay kaagad ay malakas na pag sipa niya sa likod ko dahilan ng pagkatumba ko.
Umupo siya at tinanggal ang face Mask ko."sayang naman pala ang ganda mo pa naman miss." Nakangising sabi niya at hinaplos ang pisngi ko.
'syempre anak ako ng mama ko eh'
"f**k you!!."sigaw ko dito na kinainis niya. Sinampal niya ako at sinikmuraan.
Napakasakit napahawak ako sa tiyan ko at tinignan siya ng masama.
Nanaksakin na sana ako nung panget na lalaki,pero may nagsalita sa likod namin.
"Wag niyo siyang sasaktan kong ayaw niyong putukan ko kayo neto." Anong? Kinabahan ba ang isang ito? Si Ziel ito pinaka bunso yata nilang mag kakapatid,
Kaagad akong tumayo at pumunta sa likod niya"hey are you ok?" Tanong niya sakin habang naka tingin parin sa limang lalaki, hindi ako sumagot dahilan ng pagka tingin niya sakin.
"Hey tinatanong kita kong ok ka Lang?." Nag aalalang tanong niya ulit, 'nag aalala ba siya sakin?'. Umiling ako, Sino naman ang magiging ok kong sinampal ka at sinikmuraan ka diba,masakit kaya, napamura nalang siya.
"Ano naman magagawa mo Ziel kilala ka namin hindi mo kayang pumatay!" nakangising sabi nong leader nila.tama ang sinabi niya, mahahalata mo naman sakanya na hindi niya kaya,nanginginig ang mga kamay niya na may hawak na b***l.
Kinuha ko ito sakanya at itinutok ko sa limang lalake."kong siya hindi niya kaya ako kaya ko.kaya kong gusto niyo pang mabuhay umalis na kayo" naka ngising sabi ko.
"Kala mo ba matatakot mo kami sigurado naman ako hindi mo kayang ipu-" hindi niya na natapos ang kanayang sasabihin.
Umalingaw ngaw ang malakas na pag putok ng b***l sa buong paligid.
"Norma! Norman gumising ka! Norman! Norma!"
"Umalis na tayo baka mapatay niya rin tayo"
Tumayo sila at binuhan ang kasama nila na nag ngangalan Norman."Hindi dahil umatras kami ay Hindi na kami babalik, babalikan kita,kayo, ako mismo papatay sayo" sabay turo sakin. Pumasok na siya sa Van at umalis.
Ako naman ay hindi makapaniwala na nakapatay ako.nang Hina ako at napaupo
"Nakapatay ako"mahinang sabi ko at naiiyak na rin.
"Hindi pa yun patay. Masamag d**o yung mga yun kaya sigurado akong hindi pa yun patay at isa pa kong napatay mo nga ang isang yun at mga kasama niya deserve nilang mamatay"Sabi ni kiel at niyakap ako.
Gumaan ang pakiramdaman ko nong niyakap niya ako, pero bakit ganon? Masarap sa pakiramdaman.
Ng marinig namin ang mga kuya niya na umuubo at pinipilit ng tumayo.kumalas ako sa pag kakayakap kay Ziel at tinulogan kong tumayo ang mga kuya niya."gusto niyo ba tumawag ako ng Ambulance"ilalabas ko na sana yung phone ng mag salita yung pinaka patanda sakanila si Zack."Hindi na ok lang kami"Ang Sabi niya subalit may bahid parin sa kanyang mukha na may iniindang sakit.
Mag papaalam na sana ako sakanila ng biglang may tumatae ay este tumawag sa phone ko. Tumingin ako sa apat at sinabing sasagutin ko lang saglit ang tawag, tanging tango na lamang tinugon nila.
"Hello ma"
[Asan ka na ba ha! Gabi na oh, diba lagi ko sayong sinasabi na wag kang papagabi diba!] Nagagalit na Sabi ni mama.
"Opo sorry ma pauwi na ako"Sabi ko kay mama.
[Sige bilisan mo na late na ako sa trabaho ko, aantayin kita dito]
At binaba ko na ang tawag.hinanap ko kaagad yung bag ko at wala si Mellow! Nasan siya? Kanina nandito lang Yun ah
"Mellow! halika na uuwi na tayo nagagalit na si mama!"sigaw ko.
"Ito ba yung sinasabi mong Mellow?" Tanong nong ikalawa sa panganay si Zheo. Kaagad akong tumango at kinuha si Mellow at nilagay ko na loob ng bag ko.
"Meow meow"
"Nako Mellow wala ka pang makakain, wala pa tayo sa bahay"Sabi ko dito.sumiksik na siya sa loob ng bag ko at natulog.
"Ahm Z brothers maona na ako ah"paalam ko pero napatigil ako sa paglalakad ko ng nag salita sila.
"Hatid na kita" sabay nilang sabi at nag katinginan sila.natatwang tumingin ako sakanila hahha gulat pa silang nagkatinginan eh.
"I mean hatid ka na namin"nakangiting Sabi ni Ziel. Napa isip ako dapat na yata akong mag pahatid para mabilis akong makakauwi, Tama."o sige ba" at lumapit sa sasakyan nila na nakaparada sa gilid ng kalsada.
Pinag buksan ako ni Ziel ng pinto at sumakay narin si Ziel at yung dalawa.
"Si kuya Zack hindi ba siya sasabay satin"tanong ni Ziel sa dalawa niyang kuya."Hindi na daw may kailangan pa daw siyang asikasuhin" tumango na lamang si Ziel at nag simula ng mag maneho.
Habang nasa byahe kami ay hindi maiwasang magtanong ni Zheo.
Bakit naisipan ko daw silang tulongan?,bakit Hindi daw ako natatakot?, At bakit hindi ba daw ako takot mamatay?,at bakit ang galing mong lumaban?,San ka natutung lumaban? Ang daldal niya grabe samantalang Yung katabi niyang si Zemon ay subrang tahimik at nag babasa ng w*****d.
"Tinuruan ako ng mama ko na lumaban, para daw may pang self defense daw ako, baka daw may gustong manakit sakin ay kaya kong lumaban" sagot ko sa huli niyang tanong.
"Ang astig ng mama mo, akalain mo yun may alam siya sa pakikipag laban" 'aba syempre mama ko Yun eh.
Huminto na yung sasakyan dahil nasa tapat na kami ng bahay ko."so pano ba yan bye bye Ziel, Zemon, Zheo good night na rin"paalam ko sakanila at lumabas na ng sasakyan.
"Bye good night rin sayo" nakangiting Sabi ni Ziel.
"Sige maiingat kayo ah"
Hindi ko na sila inantay na makaalis, pumasok na ako kaagad sa loob ng bahay.
Naabutan ko si mama na palakad lakad sa may sala."ma nandito na po ako"mahinang sabi ko.
"Finally nandito kana kanina pa akong nag aantay sayo alam mo ba kong ano oras na? 7:30pm na diba hanggang 6:30pm ka lang sa labas diba, nak wag mo naman akong pinag aalala"nag aalalang Sabi ni mama. Niyakap ko lang siya at ngumiti." Ma ayus lang ako sorry pinag-antay ko kayo,may tinulogan lang po akong kaibigan kaya natagalan ako ng uwi"paliwanag ko.
"Oh siya sige nandito ka Naman na ay aalis na ako,inantay lang talaga kita"Sabi ni mama habang inaayus yung mga gamit niya.
"Kumain kana jan may niluto na ako jan, sige bukas nalang ha, Iloveyou nak"
"Iloveyou ma bye ingat" ng tuloyan na siyang makalabas ng pinto ay kaagad ko naman bagsak sa sofa. At nilabas si Mellow sa bag ko"o gutom kana Kain kana Doon Mellow"kaagad naman na siyang pumunta sa may kusina. Lagi siya iniiwanan ni mama ng pagkain sa may baba ng lamisa.
Simula bata palang ako dati ng ganyan si mama laging nag aalala tuwing nasa labas ako.hindi ko nga alam kong bakit eh. At Isa pa yang trabaho niya,aalis ng ganitong oras pakatapos uuwi ng umaga, hindi ko alam ang trabaho ni mama at never akong nag tanong sakanya. Bakit kopa tatanongin,basta umuuwi siya ng maayus at nakangiti ay ayus na ako doon.
Umakyat na sa kwarto ko at naligo, pagkatapos kong maligo ay agad na akong nag bihis at tumingin saglit sa salamin. May pasa sa gilid ng labi ko, lakas kasi ng sampal nong lalake kanina eh. Hindi ko nalang ito pinansin at nanood muna ako ng anime at ng w*****d hanggang sa makatulog ako.
*****************