Chapter 3 Wedding Day

2158 Words
Mariah Lira: PANAY ANG MURA ko sa isipan habang inaayusan ako ng mga makeup artist na hinire nila mommy para mag-ayos sa akin. Wala na talaga akong kawala. Pakakasalan ko na nga ang f*ckboy na Mondragon na 'yon! Ngiting-ngiti pa ito sa akin na dumating na ang araw na matatali ako sa kanya tsk! Kung inaakala niya ay makukuha na niya ako dahil ikakasal na kami? Tsk. Mangarap siya ng gising! Hinding-hindi niya ako matitikman. Nek-nek niya, ano siya sinuswerte? Huh?! Mas gugustuhin ko pang ibigay ang puri ni Mariah sa isang estranghero kaysa sa isang katulad niyang lahat na yata ng nakapaldang bubukaka sa harap niya ay tutusukin niya! Nakakadiri! Sa tuwing naalala ko ang araw na naabutan ko siya sa kwarto ng bar ng kanyang kaibigan na may kat*lik na babaeng bukang-buka sa kanya ay tinatayuan ako ng balahibo sa katawan! 'Di ko lubos akalaing makikita ko siya sa ganong akto. Kaya lalong nagngigitngit ang loob ko dito at gustong-gusto ko ng tirisin dahil pinapakita lang nito kung gaano siya ka-playboy at 'di manlang aware na malapit na kaming ikasal ay nagagawa pang magdala ng mga p*ta sa langit! Ngayon pa lang ay nandidiri na ako dito. Hinding-hindi ko kailanman ipagkakaloob ang pagkabirhen ko dito. No way! Hinding-hindi niya ako matitikman. Baka mamaya niyan mahawa pa ako ng sakit sa pakikipagt*lik niya sa kung sino-sinong babae. Wala manlang ka-class-class. Kahit sino na lang na bubukaka sa kanya ay papatusin niya. Ni Hindi mag-aalala kung baka may sakit na ang kat*lik niya basta't makaraos ito sa init ng katawan niya ay go lang. PANAY ANG BUGA ko ng hangin habang dahan-dahang naglalakad sa red carpet na nakalatag dito sa pinong buhanginan palapit sa mini stage na inayos nila para sa beach wedding namin ni Adrian. Ni hindi ko magawang ngumiti sa mga bisitang nanonood sa akin at pinapalakpakan akong naglalakad papunta sa harap kung saan naghihintay si Adrian. Kumpleto ang pamilya namin at nandito rin ang mga kaibigan ko. Maging mga kaibigan nitong bakas ang kamanghaan sa aming magkakaibigan. Tss. Nagngingitngit talaga ang loob-loob ko. Kung p'wede lang magkunwari akong hihimatayin ngayon habang naglalakad sa aisle ay gagawin ko. Kaso baka naman si grandpa ang mahimatay ng totoo! Napapangisi na lamang ako total 'di naman kita sa belong nakataklob sa mukha ko na makitang naluluha si Adrian na matiim akong tinititigan at pasimpleng nagpapahid ng luha. Kahit napakagarbo at romantic ng buong paligid sa pagkaka- decorate ng mga iba't-ibang kulay ng mga bulaklak na imported pa abroad ay 'di ko magawang magsaya at ma-appreciate ito dahil hindi ko naman gusto ang kasalang ito. Matamis ang ngiti ni grandpa sa akin na napapatango-tango pa habang nakaupo sa kanyang wheelchair dahil medyo mahina pa ang tuhod. O baka nagkukunwari lang para 'di ako mag-back-out sa p*steng kasalang 'to! Napaismid na lamang ako sa hangin at labas sa ilong na ginagaya ang sinasabi ng mayor na siyang nangkakasal sa amin ni Adrian. Gusto ko na lamang matapos ang seremonyang 'to dahil pakiramdam ko'y 'di ako makahinga na ikinakasal kami sa f*ckboy na Mondragon na 'to! Ngayon pa lang ay nasasakal na akong matali dito! Masama na siguro akong apo na sumasi sa isip kong sana'y magpahinga na si grandpa para mapawalangbisa ko kaagad ang kasal namin. Hindi ko masikmura na gamitin ang apelyedo nito! No way! Over my dead sexy body! Napapaikot na lamang ako sa mga mata ko ng ianunsyo na ni mayor ang katagang I NOW PRONOUNCE YOU, HUSBAND AND WIFE. YOU MAY NOW KISS THE BRIDE! Panay ang hiyawan ng mga bisita habang pinapalakpakan kami dito sa kaharap nilang stage kaya abot-tainga naman ang ngiti ni Adrian na muli na naman akong mahahalikan! Nakakabanas! Labag man sa loob ko ay hinayaan na itong iangat ang belo ko. Nagniningning pa ang mga naluluhang mata nitong matiim na nakatitig sa mga mata kong walang kakinang-kinang na nakatitig din dito para ipakita kong hindi ako masaya sa araw na 'to! Mukhang manhid naman itong 'di manlang napansin sa itsura kong napipilitan ako. Napahaplos pa ito sa pisngi ko at dahan-dahang iniyuko sa akin ang mukha. Kahit ba napakagwapo din naman nito lalo na ngayong bagong gupit pa ito at naka-light foundation ang mukha at bumagay ang maroon nitong suits kaya tumingkad ang pagkamistiso nito ay wala akong maramdamang kilig na napangasawa na ito! Kilabot oo! Parang tinambol ang puso ko ng sa wakas ay dumampi ang mainit, mabango at malambot nitong reddish na mga labi. Kusa ring namigat ang mga talukap ng mata ko at kusang tinugon ang masuyong halik nito! Kahit kinakastiguhan ng isip ko ang sarili ay 'di ko magawang pigilin ang sariling namnamin ang sandaling ito sa aming dalawa ni Adrian at masuyo ring tinutugon ang mga labi nito. Napatagal tuloy ang halikan namin. Kung hindi lang sa malakas na hiyaw ng baliw kong kaibigang si Irish na baka mabawasan ko na raw ang mga labi ni Adrian ay 'di pa ako mapapabitaw dito! Nagtawanan pa tuloy ang mga bisita sa biro nito at para naman akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig na nakayakap na pala ako sa batok ni Adrian at nakatingkayad din habang sarap na sarap tinutugon ang mga labi nito! Bw*sit! Nakakahiya! Paano ba niya ako nadala gayo'ng napipilitan lang naman ako sa p*steng kasalang 'to! Abot-tainga tuloy ang ngiti ni grandpa sa amin na pumapalakpak kasabay ang mga bisita na kitang masayang-masaya sila para sa amin. Napairap naman ako sa mga kaibigan kong pumapalakpak sa amin pero mga nakangising aso naman at nanunudyo ang mga titig na ginagawad sa akin habang sabay-sabay naiiling sa akin! Labas sa ilong at tainga ko ang matatamis kong ngiting ginagawad sa lahat ng bisitang binabati kami ni Adrian na malugod naming tinatanggap sabay kamay sa mga ito. Nangangawit na rin ang mga paa kong nakasuot ng mataas na stilleto habang nag-iikot-ikot sa table ng mga bisita namin dito sa loob ng hotel habang kinukumusta sila at pinapasalamatan ang pagdalo sa kasalan namin. "Ako na" pag-awat ko kay Adrian ng akmang papahirin nito ang pawis sa noo ko pagkaupo namin sa mesang nakalaan sa amin kaharap ang lahat. Ngumiti naman ito at itinuloy pa ring maingat na idinampi-dampi ang ang panyo nito sa noo at leeg ko. Napapairit tuloy ang paligid at umuungot na mag-kiss daw kami. Peste! Nangingiti naman ito at muling humalik sa mga labi kong ikinaingay lalo ng paligid sabayan pa ang pagbatingting nila sa kani-kanilang mga wine glass ng kubyertos. Hindi na ako tumugon at pumikit sa paghalik nitong muli sa akin. Kaagad ko rin pinutol ang panghahalik nito sa akin. Mahirap ng madala na naman niya ako at mapatagal ang halikan namin! Matamis pa itong ngumiti at kumindat sa aking ikinakabog ng puso ko. Napapamura na lamang ako sa isip-isip ko na kinakabahan sa mga ngiti at pakindat nito. Napaka-playboy talaga. Alam na alam kung paano mang-uto ng mga babae pero sorry siya.... h'wag ako. Hindi maglalaglag ang panty ko sa isang katulad niya! "H'wag ka ngang ngiti nang ngiti" bulong ko dito habang sumasayaw kami ng sweet dance dito sa gitna ng event at matamang pinapanood ng lahat. Napalabi pa ito at naluluhang nakatitig sa akin. "Bakit....masama na bang ngumiti? Eh sa masayang-masaya ako ngayon my wife" napaikot ako ng mga eyeballs dito. "Umalis na nga tayo naiinip na ako" napangisi naman ito na nagningning ang mga mata. Mukhang iba yata ang nahimigan sa sinaad kong nababagot na ako. Inakay na ako nito palapit sa table nila grandpa at mga magulang namin. "How's the newly wed, hijo. Hija?" nakangiting tanong ni grandpa. Ngumiti naman kami ni Adrian sa mga ito at nagmano muna sa kanya at beso bago sa mga magulang namin. "Ahm, we're fine Grandpa, absolutely fine and happy. Right my wife?" masiglang saad nito sabay baling sa akin at yumapos pa sa baywang kong ikinanigas at lunok ko. "Hehehe. Yeah, we're happy Grandpa" nakangiwing saad ko dahil parang kinukuryente ako sa pagkakayapos ng f*ckboy na Mondragon na 'to sa baywang ko at bahagya pang pinipisil-pisil iyon! "Ahm, pasensiya na po Grandpa, pero okay lang bang mauna na kami ni Lira umalis? Naiinip na kasi ang asawa ko" saad nito na may halong tudyo kaya napahalakhak pa si grandpa at mga magulang namin. 'Di ko mapigilang kurutin ito sa tagiliran na ikinaiktad nito. Napatango-tango naman ang mga matatanda sa amin na nanunukso ang tingin sa amin, at may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi nila. Nag-iinit tuloy lalo ang mukha ko at 'di makatingin sa mga mata nila ng diretso. "A'right hijo, mukha ngang nasasabik na kayong makapagsolo ng apo ko. Basta ingatan mo 'yan huh? Dalawang dekada ko ring inalagaan ang apo kong 'yan at....mahal na mahal ko 'yan, ikaw ng bahalang umintindi kung susumpungin ang apo ko" litanya pa ni grandpa na ikinatango-tango ni Adrian. "Hindi niyo po pagsisisihang ipinagkatiwala niyo sa akin ang Mariah Lira niyo Grandpa, Sir, Ma'am. Hindi ko po siya pababayaan at pakamamahalin ko siya habang nabubuhay ako." lihim akong napangiti sa madamdaming saad nito. Hindi ko naman maramdamang nambobola lang ito para makampante at maging boto sa kanya ang pamilya ko. "We trust your word hijo. And from now on, stop calling us ma'am and sir. You're our son in law now. You should call us....Mom and Dad." nakangiting saad ni daddy kaya pinamulaan tuloy ito ng pisngi. MATAPOS NAMING MAKAPAGPAALAM sa lahat ay sumakay na kami ni Adrian sa yate ko. Ako pa tuloy ang nagmaneho nito dahil hindi marunong si Adrian magpatakbo ng yate. Ayo'ko namang may ibang makakasama kami sa gitna ng laot dahil mas kampante akong kaming dalawa lang ng walang makakapagsumbong kay grandpa ng mga kilos at trato ko sa Adrian na 'to. Ilang oras din kami sa laot bago narating ang destination naming private islands nila Liezel. Mabuti na lang napapayag ko itong dumito muna kami magtago ni Adrian para makaiwas kay grandpa at magpanggap na dito kami magha-honeymoon ng asawa kong hilaw. Nakaidlip pa tuloy ito sa tabi ko at mahinang humihilik habang nakaawang ang mga labi. Mukhang napuyat ang mokong kagabi sa kaiisip sa kasal namin. Napalunok akong napatitig sa mga labi nitong kanina lang ay sarap na sarap akong lantakan sa harap pa ng maraming tao at mga kaibigan at pamilya namin! Ngayon ko lang mas natitigan ng malapitan ang mukha nito. Napakaamo ng gwapong mukha nito habang nahihimbing parang sanggol. Namamangha kong kinakabisa bawat korte ng mukha nito. Wala sa sariling napahaplos ako ng hinlalaki sa makapal at itim nitong mga kilay na pinaresan ng mahahaba niyang pilikmata. Mas maganda pa nga ang kanya sa akin dahil malago ang mga 'yon at natural ang pagkaka-firm. Kaya naman hindi nakapagtatakang habulin ito ng mga babae at ang nakakainis....bakit kasi hindi siya tumatanggi! Haist! Kumukulo ang dugo sa tuwing nag-re-replay sa utak ko ang mga tagpong na-witness mismo ng mga mata ko. Mula sa first night namin together na nalingat lang ako saglit ay may kayakapan at kahalikan na ito. At sa gilid pa talaga ng highway gosh! Ni hindi nilulugar ang mga kalaswaan at kakatihan nila ng mga babae niyang haliparot na nagkalat kung saan-saan! Lalong nagngigitngit ang loob ko sa tuwing naaalala ang gabing naabutan ko itong may kat*lik na p*ta sa bar ng kaibigan nito! F*ck! Nag-effort pa naman akong ipinahanap sa mga tao namin kung nasaan ito para maipakilala sa mga kaibigan ko. Sinadya ko pang sunduin ito sa lugar kung saan tambayan daw nilang magkakaibigan dahil pag-aari 'yon ng isa sa mga kaibigan niya pero gano'n lang ang maaabutan ko! Na may binabayo ito at sarap na sarap pa silang dalawang palitang napapaungol! Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip na marami na itong nakakat*lik! Na marami ng babaeng dumaan at nagpakasasa sa pangangatawan nito. Tapos sa akin lang siya babagsak! Isang malaking insulto sa aking sa akin pa ito ikinasal. Kaya minsa'y naiisip ko na lang na sana magpahinga na si grandpa para makalaya na ako dito. Pero habang buhay pa si grandpa ay kailangan kong pakisamahan ito at tiising maging asawa ang malanding lalakeng 'to! Hindi na nga ako magtataka kung isang araw ay bigla na lang may mga magsulputang paslit na itututo itong siya ang ama! Sa dami ng babaeng dumaan dito ay posibleng may mga naanakan na nga ito! Peste talaga! Isang malaking p*tangina na ito pa ang ipinakasal sa akin. "Are you done checking on me, my wife?" napapitlag ako sa baritonong boses nito kaya nasamid tuloy ako sa pagkakatulala sa gwapong mukha nito. "Tsk! Mukha mo! Gigisingin na sana kita dahil nandito na tayo. Ang taas naman ng pangarap mong isiping.... tinititigan kita" pairap at pabalang saad ko dito at kaagad ng tinalikuran ito palabas ng yate para na rin makaiwas dahil nag-iinit na ang mukha ko sa pagkakahuli nitong nakat*nga na pala ako sa kanya habang tulog ito. Napahawak ako sa tapat ng dibdib kong sobrang bilis na naman ng t***k nito! Haist! Kainis ka Lira! Bakit ba kasi natulala ako sa kagwapuhan niya tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD