Chapter 2 Meeting her Friends

3886 Words
Adrian Mondragon: "Woohoo! Cheers dude!" panabay naming hiyaw na magbabarkada bago nilagok ang kanya-kanyang shot. Anim kami sa grupo at ako ang pinuno. Magkakasing-edad lang naman kaming magkakaibigan at kakatapos lang grumaduate sa kursong HRM. Si Luigi at Adam ay mga pinsan ko sa side ni mama habang sina Aljur, Theo at Brix ay mga classmates namin dahil pare-pareho kami ng kursong kinuha. Nasa limang taon na rin kaming magbabarkada kaya naman kilalang-kilala na namin ang likaw ng bituka ng isa't-isa. Nandito kami ngayon sa tambayan naming resto bar ni Theo para na rin maka-discount ng 50% sa mga inumin at pulutan idagdag pang kusang nilalapitan kami ng mga nagse-sexy-hang chikababes. Hindi na 'yon bago sa aming anim dahil kahit noong minor pa lang kami ay likas na kaming lapitin ng mga chicks sa kahit saan. Kahit nga sa campus namin dati ay nangbibinyag kami kung saan-saan basta may pagkublian. Maging lamesa at swivel chair ng professor nami'y 'di namin pinalagpas binyagan ng mga babaeng willing magpabinyag sa grupo namin. "So, kumusta ang ipapangasawa sayo dude? Maganda naman ba?" tudyo ni Brix na nakangisi sa akin. Alam na kasi nila ang tungkol sa biglaang pagpapakasal ko next month. Matamis akong napangiti sa mga ito ng maalala kung gaano kaganda ang mapapangasawa ko. Hindi ko lubos akalaing isa sa sikat na tinaguriang 'The Dangerous Angels' ang maipagkakasundo sa akin. Si ms. Mariah Lira Buenavista. Sh*t! Isang buhay na dyosa na milyon-milyong kalalakihan ang nagpapantasya! Paniguradong mamamatay sa inggit ang mga fans niya sa akin na mapapangasawa ko ang pinagpapantasyahan nilang dyosa. "Napakaganda..." bulalas ko na ikinatawa at iling ng mga ito. Sinamaan ko sila ng tingin bago inisang lagok ang shot ko. "Lahat naman ng babae sayo dude, maganda as long as naka-palda" banat ni Aljur kaya nasipa ko ang binti nitong prenteng nakade-kwatro. "Ulol! Baka mamatay ka sa inggit pag malaman mo kung sino ang mapapangasawa ko" pagyayabang ko kaya nabakasan ng interes ang mga itong nagsilapitan pa sa akin. "Bakit? Sino ba ang mapapangasawa mo dude? Artista ba? Model? Singer? O baka isa sa mga naikama mong waitress sa mga bar na nadadaanan natin" pang-aasar ni Luigi kaya nabatukan ko ito dahil nagtawanan pa ang mga kaibigan ko sa huling sinaad nito. Hinugot ko ang phone ko at ni-search ang pangalan ni Lira. Kaagad din namang nag-appear ang account nito pero maraming mga fake account na gamit talaga ang pangalan at litrato niya. Ni-tap ko ang pinaka-una na ML Buenavista Official ang nakalagay dahil 'yon ang totoong account niya na may 200 million followers lang naman. Kabilang na doon ang ilang actors at models international at national na nahuhumaling sa kanya. Sabay-sabay pang napabuga ang mga ito ng iniinom pagkapakita ko sa larawan ni Lira at napapailing sa akin. "Dude, alam ko namang mahirap ang biglaan kang ipakasal sa kung sino-sino na lang d'yan. Naiintindihan ka namin na natatakasan ka na ng katinuan" madrama at natatawang saad ni Brix na ikinatawa nilang muli at nag-apiran pa. Pinaningkitan ko ang mga ito kaya napaayos sila ng upo pero nagpipigil pa rin ng tawa. "Sige lang pagtawanan niyo ako, tignan ko lang kung 'di kayo mamatay sa inggit kapag nakaharap niyo na siya ng personal. Grabe, nakakat*nga ang ganda niya. Higit na mas maganda siya sa personal kaysa sa screen mga p're!" nahihibang bulalas ko habang inaalala ang napakagandang mukha ni Lira. Muling humagalpak ng tawa ang mga itong ikinapalis ng ngiti ko. "Sige lang dude kami nga rin kina-date na namin ang mga kaibigan niya. Napakaganda talaga nila lalo na ang baby Liezel ko" pang- aasar pa ni Aljur sa akin na sinuportahan ng apat. Napailing na lang ako at nawalan ng ganang magkwento dahil pinagtatawanan lang naman nila ako. Sino nga naman ang maniniwalang mapapangasawa ko ang isa sa mga sikat na bilyonaryang heredera ng mga Buenavista? Simple lang ang pamilyang pinanggalingan ko. Angkang naninilbihan sa gobyerno. Hindi kami mahirap, pero hindi rin masasabing mayaman. Sakto lang. Laking gulat ko nga na ang minsang nabanggit nila papa na may babae ng nakatakdang ikasal sa akin ay totoo at hindi lang basta-bastang babae kundi isang dyosang heredera! Maya pa'y may nagsilapitang babae sa aming anim at kanya-kanyang pakanlong sa aming pinaunlakan lang naman namin. Ika nga nila eh, palay na ang lumalapit sa manok, ang hina naman kung 'di mo pa tukain. "Hi handsome, wanna have fun with me tonight?" malanding bulong ng babaeng kumandong sa akin. Pinasadaan ko ito ng tingin mula sa kanyang short curly hair at round earrings na may kakapalan ang make-up. Naka- spaghetti strap ito na itim at black short din kaya halos lumuwa na ang singit sa iksi. "Tukain mo na, 'yan hindi ka nananaginip ng gising dude" pangangant'yaw pa ni Aljur sa akin na ikinapantig ng panga ko. Napatitig ako sa mukha ng babae at parang nagbabalik sa balintatanaw ko ang napakagandang mukha ng mapapangasawa ko. Ang maamo niyang mata, matangos na ilong, at manipis na mga labi. Ang init, lambot at bango ng pangangatawan nitong 'di na maalis-alis sa sistema ko magmula ng maramdaman ko ito last week sa first meet-up namin. Sh*t Lira honey! Nalakumos ko ang mga labi ng babaeng nakayapos na rin sa batok ko at panakanakang isinasagi sa nakaumbok kong buddy ang pang-upo nitong nagpapapintig ng alaga ko. "Wohohh! Go dude! Sulitin mo na ang nalalabing oras ng pagiging binata mo" panunudyo pa ni Luigi na inangatan ko ng middle finger ko. Napahalakhak naman ang mga ito at nag kanya-kanya ng entertain sa mga chicks na nakakandong din sa kanila habang ako'y napapaungol na sa ligayang hatid ng kahalikan ko. Sa uri pa lang ng galawan nito'y napaghahalataang ng experiensado itong babae na lalong nagpapa-turn-on sa aking mapagparausan ito. Naghiyawan naman ang mga kaibigan ko nang tumayo na ako at hinila ito sa gawi ng room ni Theo dahil dito ang madalas naming lungga sa tuwing nandidito kami sa bar nito at mamimingwit ng tilapyang makikipaglanguyan sa laro namin. Pinasadyaan na nga ni Theo ito ng tatlong double deck na kama para sa aming anim at literal na napupuno ng ungolan ang kwartong ito kapag nagsama-sama na kaming anim na may kanya-kanyang ka-partner. Dahil kung wala kang kapares ay sasaluhin mo na lang lahat ng inggit sa bawat ungol at langitngit ng paligid mo. "Oh sh*t baby your so big!" namamanghang bulalas nito pagkahubad ko ng pantalon ko at kumaway sa kanya si junior na gising na gising. Napangisi naman ako dito at dumampot sa drawer ng c*ndom protection. Mahirap namang madapuhan ng nakahahawang sakit. Kahit naman papalit-palit kami ng mga bedmates ay nag-iingat pa rin naman kami. Hindi kami nanunusok ng walang protection kaya nga halos maging suki na kami ng mga drugstore sa malapit ng kanilang c*ndom stocks para always ready pag may magpapakamot ng kati sa amin. Nasubukan na nga rin namin ang nagpapalit-palit ng mga partner at maging ang two some, three some four at five some ay nagawa na naming magkakaibigan. Halos mabalian namin ng balakang ang mga babaeng maswerteng mahuli ang kiliti namin kaya sunod-sunod naming ipaparanas sa kanya ang lupit ng langit! Hindi naman matatawag na pagtatalo ang mga 'yon sa amin dahil una sa lahat, lahat kami ay single at walang kinikilalang girlfriend. Mas masaya ang buhay single dahil kahit gabi-gabi kang nagpapalit-palit ng tinitikmang putahe ay malaya mong gawin. Pero kung isang kagaya naman ni Lira ang mapapangasawa ko'y kahit oras-oras ko pang angkinin iyon ay 'di ko kailanman pagsasawaan ang pangangatawan no'n! Ngayon pa lang ay 'di na ako makapaghintay na muling mayakap, haplos at matikmang muli ang napakalambot, bango, init at sarap niyang mga labing minsang ko nang natikman! "Ohhh harder baby!" napangisi ako sa babaeng nakatuwad na sa harap ko habang napapaungol ito na malakas kong binabayo mula sa kanyang likuran. Hindi nga ako nagkamali, kung hindi lang ako 8inch ay malawang maaakusahang maliit ang junior ko sa luwag nito. Mariin akong napakapit sa baywang nito at mas binilisan pa bawat pag-ulos ko dito na lalo niyang ikinahalinghing at ungol! "Ohh! Ahh! Ahh! Baby faster! I'm nearer!" paguungol nito ng sunod-sunod habang napapanganga at mas itinutuwad sa akin ang pw*t kaya mas bumabaon ako at natatamaan ng ulo ni junior ang gspot nitong lalo pa niyang ikinahahalinghing! Ilang madidiing ulos ko pa ay tuluyan na kaming sumabog. Nanghihina itong tuluyang napadapa sa kama habang ako'y tinatanggal na ang protection kong may katas na ni junior. Mahirap ng makabuntis lalo na ngayong nakita ko na ang babaeng nag-iisa kong nais buntisin, at 'yon ang mapapangasawa ko. Si Lira. Bagsak ang katawang humiga ako sa tabi nito at naghahabol pa rin ng hininga habang pawis na pawis. "One more baby?" ungot ng katabi kong ikinangisi ko. Bumangon akong muli at muling nagsuot ng c*ndom. Nasasabik naman itong ngayo'y nakabukaka na sa harap ko ang bulaklak na bukang-buka! Kagatlabi akong walang pasabing umulos ng sagad ditong ikinaungol at tirik ng mga mata nito! "Ahh! Baby! Ang lalim! 'Di ko na kaya!" patili nitong ungol dahil hawak ko ang dalawang paa nitong iniangat ko pasalubong sa mukha nito at mabilis umuulos sa taas nito ng biglang bumukas ang pinto at para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig nang pumasok mula roon ang babaeng kani-kanina lang ang iniisip ko! Natulos ako at 'di makagalaw sa posisyon namin ng babaeng kat*lik ko na ngayo'y nakatingin na rin sa dyosang nasa pinto na matiim nakatitig sa akin. Napailing pa ito at muling lumabas na sinundan ng mga nagbobortahang bodyguards! Taranta kong hinuhot ang junior ko at itinapon na lang kung saan ang nagamit kong c*ndom sa pagmamadaling makapagbihis at masundan ang honey ko! "Sh*t! Bakit kasi bigla na lang sumusulpot! Napaka-wrong-timing mo naman honey!" bulalas ko habang patakbong bumaba ng first floor at basta na lang iniwan ang babaeng kaniig ko sa itaas. Bahala na siya sa sarili niya. Magpakamot na siya sa iba kung nabitin siya dahil ako ay hahabulin ko pa ang honey kong baka nagselos na. Namali na nga ako noong unang date namin sa biglang pagsulpot ng babaeng 'di ko namukhaan at tanda kung saan at kailan ko naikama. Basta bigla na lang niya akong niyakap sa gilid ng highway pagkakilala sa akin na hinihintay ang honey ko na kinuha ang sportscar sa parking. Pero laking gulat ko nang yakapin ako nito at sinunggaban ang mga labi ko. Nanigas ako ng makita sa peripheral vision ko ang pagdaan ng kotse ng honey ko at tuluyan akong iniwan kahit alam na wala akong pera o cellphone na dala noon dahil sa nakitang may kahalikan ako. At ngayon namang muli kaming nagkita ay mas malala ang naabutan dahil kasalukuyan akong nag-aakyat ng ibang babae sa langit! Paniguradong minus pogi points na naman ako dito. Hindi na nga niya ako gusto ay mas pinalala ko pa! "Lira! Sandali!" pigil ko ng sa wakas ay naabutan ko ito sa labas ng bar ni Theo. Pinagtitinginan na nga siya ng mga tao dahil nakakaagaw pansin naman talaga ito kahit saan magpunta. Kaagad naman akong inalalayan ng isa sa kanyang sangabatalyong bodyguards na makalapit sa kanya. Napapakamot ako sa batok at nahihiyang salubungin ang matiim niyang pagtitig na may halong pandidiri habang bahagyang nakangisi sa akin. Nakataas din ang isang kilay nito habang napahalukipkip. Dahan-dahan akong lumapit hanggang isang hakbang na lang ang pagitan namin. Gustung-gusto ko na siyang yakapin sa labis na tuwa at kasabikang nandito ulit ito sa harapan ko pero nandidiri naman ako sa sarili ko dahil hindi pa ako nakakapagbanlaw mula sa pagbyahe ko kanina. "Ahm, bakit nandito ka, honey? Paano mo ako nahanap?" mahinang saad ko dahil nagbubulungan na ang mga tao. Nanlaki naman ang mga mata ng mga kaibigan kong ngayo'y nakat*nga na rin sa amin ni Lira dito pa rin sa labas ng resto ni Theo habang napapalibutan kami ng mga bodyguards nito. Pakiramdam ko tuloy ay naging instant celebrity ako ngayon. Naputol ang paglalakbay ng diwa ko ng tumikhim ito. " Ahm! I have my own ways. And my friends want to met you. Are you free tonight?" napalapad ang ngiti ko na iniimbitahan ako nito kaya kaagad akong tumango-tango.. "Good, but first....take a bath first before I'll allow you to get in my car. Mahirap ng madapuhan ako ng mikrobyo ng kalib*gan mo" saad nito bago sumakay sa kanyang sportscar. Patakbo akong muling pumasok ng resto at sumunod naman ang mga ulol kong kaibigan sa akin maging dito sa cr ng silid ni Theo. "Dude 'di nga? 'Di ba isa 'yon sa mga Dangerous Angels' si ML! Anong ginagawa niya dito?! At bakit mo siya kausap?!" namamanghang bulalas ni Theo na tinanguan ng apat. Napangisi naman ako sa mga ito habang nagsasabong maigi ng katawan at nakatapat sa shower. "Sinusundo ako. Sinabi ko naman sainyo, ang nag-iisang Mariah Lira Buenavista ang mapapangasawa ko next month" pagyayabang ko na ikinatulala ng mga ito at bakas ang inggit sa kanilang mga mata habang napasandal na sa countertop ng lababo at pinapanood akong maligo. "Seryoso ka nga?!" 'di makapaniwalang saad ni Aljur na ikinahalakhak ko. "Kayo eh, ayaw niyong maniwala oh eh 'di ngayon napapat*nga kayong makitang sinusundo ako ng honey ko" napatangu-tango pa ang mga itong nakatulala pa rin. "Eh bakit ka niya sinusundo dude? Saan ang punta niyo?" usyoso pa ni Brix na ikinalingon kong muli sa kanila. "Meet her friends daw eh. Ewan ko nga kung paano niya ako na-trace. Ang laswa pa ng timing nito dahil nasa kalagitnaan kami ng ulap ng p*tang katal*k ko kanina. Paniguradong masasabon ako nu'n mamaya kapag nakapagsolo na kami. Eto nga't pinaligo ako dahil baka raw madapuhan siya ng mikrobyo" pagbibigay alam ko na lalo nilang ikinainggit. "Dude baka p'wede namang isabit mo kami. Sige na oh, sabihin mong gusto rin namin silang makilala! Ay mali pala! Gustung-gusto namin silang makilala! 'Di ba?!" saad naman ni Theo sa masigla at nakikiusap na tono na sinang-ayunan ng apat. Napailing ako na ikinalukot ng mga mukha nila. "Sa susunod na lang, hindi pa kami masyadong nakakapagsolo ni honey ko eh. Marami pa namang next time" saad ko na ikinalabi at tango ng mga ito. Mabilis na akong nagbihis ng bago na all black dahil ito ang pormahan ko at dito ako mas kumportable. Halos ipaligo ko rin ang perfume ko at natataranta na inayos ang sarili bago patakbong lumabas ng resto. Nakahinga ako ng maluwag na nandito pa rin ang sportscar ni Lira na pinapalibutan ng mga armado niyang naglalakihang taong bodyguards niya. Kaagad namang sumakay ang mga ito sa tatlong itim na bmw sa katabi lang din ni Lira ng makasakay na ako sa passenger seat. Napalunok ako ng mapatitig ditong nakapangalumbaba sa kayang manibela na halatang nayayamot na. "Sorry, natagalan ako honey" lakas-loob kong saad na ikinaayos na nito ng upo at binuhay na ang makina. Napa-seatbelt naman ako. "Tsk. Baka naman kasi naki-one-round ka pa habang naliligo. You're such a f*ckboy" naiiling saad nito habang sa unahan nakatutok ang paningin. Napalunok ako at 'di makaapuhap ng tamang isasagot dito. Nahihiya ako sa kanya. Napakababa ko na nga kumpara sa isang katulad niya tapos gan'to pa ang mga naaabutan niya sa akin. Lalo tuloy siyang natu-turn-off sa akin na siyang ikinadudurog ng puso ko. TAHIMIK KAMING binagtas ang kahabaan ng Edsa at muling nagtungo sa pamilyar na exclusive bar dito sa syudad na minsan lang sa tanang ng buhay ko nakapasok ako. At ngayo'y muli akong makakapasok sa lugar na 'to dahil sa honey ko. Kaagad na rin akong sumunod na bumaba ng kotse nito at halos patakbo akong humabol dito. Kusang nagtatabihan pa ang mga tao sa pagdaan nitong parang isang model na rumarampa. Kinapalan ko na ang mukha ko at humawak sa kamay nitong naghatid ng libo-libong kuryente sa pagkatao ko. Natigilan din naman ito pero kaagad ring nagpatuloy sa pagpasok sa loob hawak ang kamay ko. Napapasinghap pa ang mga nadadaanan namin at bakas ang inggit sa mga kalalakihang nakatutok ang mga mata sa fiancee kong ubod ng ganda lalo't naka-casual sleeveless dress itong nakalitaw ang buong likod at hanggang kalahati ng kanyang mahahabang hita ang iksi ng palda. Kahit naka-light make-up lang ito'y napakaganda pa rin niya at mas bumagay nga dito ang 'di makapal na makeup. Muli kaming umakyat sa third floor at sa dating tinuluyan namin dati kami pumasok. Natulos ako at nanigas sa may pinto ng pagkabukas ni Lira sa pinto ay bumungad sa akin ang limang mistulang dyosa masayang nag-iinuman. Sunod-sunod akong napalunok at parang dinadala nila sa kaulapan! Hinila naman ako ni Lira at tumayo na rin ang mga kaibigan nitong nakakalaglag ng panga sa kagandahan! "Nice catch, buddy." ani ng isang may pinakamalapad na ngiti sa kanilang lima at kaagad naglahad sa akin ng palad. Napalunok napatitig sa napakakinis at ganda niyang mukha. " Hi cutie, I'm Irish, at your service" saad nito na kaagad kong tinanggap. Napakalambot ng kamay nito na bahagya pang pinisil ang palad kong ikinalunok ko. Maya pa'y tinabig ng isa pang mala-dyosa rin ang kamay nito at nakangiting naglahad ng kamay sa aking kaagad ko ring kinamayan. "Hi yummy I'm Diane it's nice to finally met you" malambing saad nitong ikinangiti at tango ko. Hinila naman ito ng isa pang mala dyosa rin sa ganda at nakangiting naglahad ng kamay. "Hello sweetie I'm Naeya. Nice to met you" malambing saad din nito na ikinangiti at tango ko laang. Grabe, nakakapipi naman ang kagandahan nila. Wala akong masabi. "Hi, handsome. I'm Kristel nice to met you" nakangiti ring pagpapakilala ng isa pa nilang kasama at bumeso pang ikinanigas ko. Tatawa-tawa pa ito na lalo niyang ikinaganda. Pakiramdam ko tuloy ay nasa totoong langit ako at napapalibutan ng mga dyosa! Napalunok akong napatitig sa babaeng nakatutok naman ang attention sa cellphone habang napapanguso at umiinom ng shot nito. Napakaganda niyang pagmasdan kahit mukhang maldita. Ibang-iba ang sipa ng dating niya. Ang leader ng grupo nila, si Liezel Del Prado. Hiredera ng pamilyang pinakamayaman sa buong bansa. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya? Eh maging mga kaibigan ko nga ay nababaliw sa mga ito lalo na sa Liezel na 'tong ibang-iba nga ang datingan. Tumikhim naman si Lira kaya nagtataka pa itong nag-angat ng mukha na nagpahulog ng puso ko! Mas maganda pala siya kung mapagmasdang maigi sa malapitan! Natulos ako sa kinatatayuan ng tumayo na rin ito at matamis na ngumiti sa akin. "Not bad Lira. Hi, baby. I'm Liezel Del Prado and you are....?" napakalambing ng boses na parang anghel na kumakanta ang dating! Nahihiya ko tuloy itong kinamayan dahil para akong humaharap sa isang anghel na kailangan kong pagkumpisalan ng patung-patong kong kasalanan. "Ahm, I'm Adrian Ms. Del Prado" mahinang sagot kong lalo niyang ikinangiti. Mas lalo tuloy siyang gumaganda. Nakakainis nagkakasala tuloy ang mga mata ko at 'di mapigilang mapahanga pa lalo sa mga kaibigan ng mapapangasawa ko. "Don't be too polite baby, baka agawin kita sa kaibigan ko" namutla ako sa sinaad nito na kalauna'y ikinahalakhak nito kaya nabatukan ng mga kaibigan. Nakahinga ako ng maluwag na mapagmasdan silang magkakaibigan dahil kahit pala mga bilyonarya sila'y napaka-down-to-earth nilang magkakaibigan. Kita at ramdam ko 'yon sa prehens'ya nila. "Masanay ka na sa kanila. Mga may sayad ang mga kaibigan ko kaya, h'wag mo na lang seryosohin ang mga sinasabi nila. Likas na bolera ang mga 'yan" napalingon ako kay Lira sa ibinulong nito bago inabot ang dalawang baso ng whiskey at ibinigay sa akin ang isa. Naiilang ko namang tinikman 'yon dahil matiim na nakatitig sa amin ang mga kaibigan nitong nakakawala ng katinuan. "Stop staring at him like that girls" napaangat ako ng mukha sa sinaad ni Lira na katabi ko habang kaharap namin ang lima niyang mga kaibigan na tila inuusig ako at kinikilatis akong klase ng tao. 'Di ko mapigilang makaramdam ng panliliit sa sarili dahil alam ko naman kung gaano katataas na tao ang mga kasama ko ngayon. Maging ang angkang pinanggalingan nila kilalang-kilala kaya pakiramdam ko'y 'di talaga ako nababagay kay Lira. Pero hindi ko na siya kayang pakawalan pa. Dahil aminin ko man o hindi ay unang kita ko pa lang sa kanya sa restaurant nila last week ay nahulog na ako sa kanya. Unang beses sa buhay kong may babaeng nagpatibok ng puso ko, pero siya rin ang unang babaeng nangbasted sa akin sa diretsahang niyang pagsabing wala siyang gusto sa akin at hindi ang katulad ko ang pangarap niyang makakasama habang buhay. Ngayo'y mas naiintindihan ko na ang ibig sabihin niya that time. Tama siya, hindi ako ang karapatdapat sa isang katulad niya. "Labas na muna kayo budd" napalingon ako dito sa sinaad sa mga kaibigan na nanunudyo ang mga pagtitig sa amin ni Lira. Naiiling pa ang mga itong lumabas ng silid kaya kaming dalawa na lang ni Lira ang naiwan dito. 'Di ko mapigilang kabahan sa p'wede nitong gawin lalo na't dala-dalawa agad ang atrasong kailangan kong ipaliwanag sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung saan ako magsisimula. Kahit napaka-imposible ay gusto ko sanang maging maayos kaming dalawa bago ikasal at magsasama sa iisang bubong. "Ahm-" "What?" kaagad putol nito sa pagbubwelo kong magpaliwanag sa kanya. Napayuko ako at lalo tuloy umurong ang buntot kong humingi ng tawad at magpaliwanag dito. Maruming lalake nga ang tingin niya sa akin at babaero. Aaminin ko namang guilty ako sa bagay na 'yan. Dahil totoo namang babaero ako, pero nakahanda naman akong magbago para sa kanya. Kung alam lang sana niya. Napahinga ako ng malalim bago muling nag-angat ng mukha dito na taimtim palang nakatitig sa akin. Nag-init ang mukha ko sa pagsasalubong ng aming mga mata at kaagad akong napaiwas tingin dito. Wala manlang itong kakurap-kurap na nakatutok sa akin na tila binabasa ang nasa utak ko. "May sasabihin ka?" untag nito habang nilalarong inaalog-alog ang whiskey nito. Napa-isang lagok tuloy ako sa baso ko para humugot ng pwersa. Muli din akong nagsalin dahil nakukulangan ako sa tama nito. Matiim lang naman ako nitong pinapanood na ilang beses direktang tumungga sa baso ko hanggang sa uminit na ang lalamunan ko at parang gumigewang na ang paligid ko. "Ano na umpt-" pinutol ko na ang iba pang sasabihin nito at kaagad sinunggaban ang mga labi nitong pinakaaasam kong nahahalikan! Napakurot pa ito sa braso ng pinong-pino na 'di ko na ininda pa kahit na napakapino niyang kumurot at talagang masakit na parang tinapyasan ka ng balat! "Uhmmt A-Adrian!" hinihingal itong binawi ang mga labi sa akin at pinaningkitan akong ikinangiti ko dito. Napaikot pa ito ng mga mata at inisang lagok na ang laman ng baso. "Sorry honey" napayuko ako ng mapatingin ito sa akin sa paghingi ko ng sorry. "Sorry for what?" halata sa tono nito ang pagkairita na lalong ikinahinayang ko. "Sa mga atraso ko sayo" nakatungong saad ko sa mababang tono. Ramdam ko pa rin naman ang matiim nitong mga matang nakatutok sa akin. "Tss. Wala naman sa akin kahit mambabae ka pa ng isangdaan dahil wala naman akong planong magpakama sayo kahit ikasal na tayo. Malaya ka namang gawin ang gusto mo at hindi kita pakikialaman kaya dapat gano'n ka rin. H'wag mong pakialaman ang mga ka-fling ko dahil hanggang sa papel lang kita ituturing na asawa" Napalabi akong napatango-tango at yumuko para pasimpleng pinahid ang nanunubig kong mga mata. Ang talas talaga ng dila niya magsalita. Masyadong prangka. Sana balang araw....matutunan mo rin akong mahalin....dahil mahal na kita. Mahal na mahal na kita. Mariah Lira Buenavista.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD