Liezel: NANIGAS AKO NANG makitang tumitirik na ang mga mata ni Adrian na naliligo ng dugo mula sa kanyang ulo habang yakap ni Kristel na napapasigaw! "P*tangina mo Buenavista gumising ka na!!" bulyaw ko habang iniiwasan ang mga suntok nito! Hilong-hilo na ako sa lala ng natamo ko dito. "Lira!!" sigaw ni Irish na siyang sumipa kay Lira sa ibabaw ko at inupuan sa leeg! Napapaubo akong napadapa at napapangangang naghahabol hininga. Dinaluhan ako ni Naeya na hinang-hina rin. Habang si Diane at Kristel ang umaasikaso kay Adrian na wala ng malay. Hinubad ko ang suot kong blazer at ipinambalot sa ulo ni Adrian na nabiyak na yata sa laki ng pagkakanganga ng sugat nitong tumama sa gilid ng isang nichu! "Irish tama na!!" napalingon kami kay Irish sa pagsigaw ni Naeya na malingunang sakal-sakal

