JAMIE
"Hija, umuwi ka na. Ipapahatid na kita sa driver namin," sambit ni Tita Carmela sa akin.
Umiling ako. Hindi ako matatahimik kung uuwi ako ngayon. "Dito lang po ako, Tita. Nagpaalam na ako kay mama."
Nandito kami ngayon sa ospital. Kanina pa ako tulala at hindi makausap ng maayos. God, please save him. He saved me. Palagi na lang niya akong inuuna kaysa sa sarili niya.
I can't recall what really happened earlier because my mind was clouded by Fedirich's condition in the operating room. Basta ang alam ko lang, sinalo niya ang bala na para sa akin.
Sinisisi ako ni Katelyn at pati na rin ang mga kapatid ni Fedirich. Kung hindi ako lumapit sa kaniya, wala sana siya dito ngayon sa ospital.
"You stupid girl. Bakit ka pa nandito? Umalis ka na nga dito," taboy ni Katelyn sa akin.
Walang emosyon na sinulyapan ako ni Caxi kaya mas lalo akong na-guilty. Mukhang tama nga sila, makapal talaga ang mukha ko. Hindi ko na hinintay na kaladkarin ako ng mga bodyguard ni Katelyn dahil kusa na akong umalis.
Hindi napansin ni Tita Carmela ang pag-alis ko. Ayoko namang mag-eskandalo dito sa ospital kaya para sa ikabubuti ng lahat, dito na lang ako sa labas mananatili.
"Jamie," tawag ni Ferit sa akin. "Are you okay?"
"Okay lang ako. Nahuli na ba ng mga pulis ang lalaking bumaril kay Fedirich?"
"Hindi eh, nakatakas silang lima. Base sa imbestigasyon, mga tauhan daw iyon ng mga kaaway ni Tito Daevon sa negosyo."
Kaya pala may bodyguard si Fedirich sa tuwing lumalabas siya. Nakakatakot naman maging anak ng conglomerate. Mukhang araw-araw ay nakakatanggap din sila ng death threats. Kawawa naman sila kung gano'n.
"Tara na sa loob. Gabi na at masyadong malamig ngayon. Baka magkasakit ka pa," pag-aalala ni Ferit sa akin.
"Ayaw akong makita ng mga kapatid niya at ni Katelyn. Dito na lang ako, Ferit. Balitaan mo na lang ako kapag nakalabas na sa operating room si Fedirich."
"Magagalit iyon kapag nalaman niyang iniwan kita dito. Halika na, 'wag mo na lang pansinin ang malanding Katelyn na iyon."
Natawa ako sa kaniyang sinabi. Malanding Katelyn pala ang tawag niya sa babaeng iyon. Ferit is Fedirich's best friend. Pareho silang anak ng bilyonaryo. Classmate din namin siya.
Nasa lobby kami ng tumunog ang cellphone ko. Si mama, tumatawag. Pagsagot ko ay isang malakas na sampal ang narinig ko mula sa kabilang linya. Nag-aaway na naman sila ni papa?
"J-Jamie, tulungan mo ako. Ang papa mo, kanina niya pa ako sinasaktan."
"Ma, pauwi na po ako."
"Mag-ingat ka, anak. Sige na, ibaba ko na ang tawag."
That's why I never liked my father from the start. He was violent and always accused my mother that she had an affair with our gardener. Kung tutuusin, siya naman itong nagloloko at kaliwa't kanan ang mga babae niya.
Bata pa lang kami ng kapatid ko ay palagi na niyang sinasaktan si mama. Walang araw na hindi niya sinasampal si mama noon. Pero ng tumuntong kami ng highschool ni Janna ay hindi na niya sinasaktan si mama. Ngayon na lang ulit.
"Jamie, saan ka pupunta?"
"Uuwi na ako. Bigla kasing nagkaroon ng emergency sa bahay."
"Halika na, ihatid na kita. Gabi na at wala ng namamasada ngayon."
Hindi na ako tumanggi at pumasok na sa kaniyang sasakyan. Nang umalis ako sa mansyon, nag-aaway na sila ni mama. Akala ko simpleng away lang pero hindi pala. Siguro lasing na naman si papa.
Kaya mas gusto kong hindi umuwi sa mansyon dahil mas tahimik pa ang buhay ko sa labas kaysa sa sarili naming tahanan. Pakiramdam ko kasi wala akong peace of mind kapag nagkulong ako sa aking silid.
"Thank you, Ferit. Pwede bang tawagan mo ako kapag nagising na si Fedirich?"
"Syempre tatawagan talaga kita. Sige na, pasok na."
Bumungad sa akin ang magulong living room ng makapasok ako sa aming mansyon. Nagkalat ang mga bubog at pagkain sa sahig. This mansion is a mess. Walang katahimikan ang mansyon na ito. Kaya gustong-gusto kong umalis dito.
"Mama, nasaan ka?"
"A-Ate," tawag ni Janna sa akin. Takot at umiiyak na niyakap ako ng aking bunsong kapatid. "Sinaktan na naman ni papa si mama," sumbong niya.
"Tahan na, Janna. Konting tiis na lang, makakaalis din tayo sa impyernong ito."
I swear, we will move out of this hellish mansion.
Nanghina ako ng makita ang kalagayan ni mama. Ang daming pasa sa braso at mukha niya, as if she were being tortured. My father is really a heartless man.
Wala na lang siyang ginawang tama.
"Anak, umalis na tayo dito. Hindi ko na kaya," pakiusap ng aking ina. "Nag-uusap lang kami ni Florencio tapos bigla niya akong hinila at inakusahan na nangangaliwa na naman daw ako. Kahit hindi naman."
Our gardener, Tito Florencio, is my mother's best friend. Hindi ko alam kung bakit pinagseselosan siya ni papa. Okay I get it. Guwapo ang gardener namin kahit may edad na ito. Pero kilala ko si mama, hindi niya kayang lokohin si papa.
"I'm sorry, mama. Sana umuwi na lang ako ng maaga kanina. Janna, pakikuha nga ang first aid kit sa loob ng cabinet."
My mother was always like this. Palaging kawawa, pinag-uusapan ng ibang tao at tinatapak-tapakan ng pamilya ni papa. Pinapangako ko, kapag naging successful na ako, babalikan ko ang mga taong umapi kay mama.
Magdamag akong nanatili sa tabi niya. I comforted her until she fell asleep. Kahit puyat ako, pinilit kong bumangon dahil kailangan kong bisitahin si Fedirich. Sabado ngayon kaya walang pasok.
"Jam, may lakad ka?" tanong ni Yaya Milagring.
"Opo, may dadalawin lang akong kaibigan sa ospital."
"Ang panganay na anak ba ni Mr. Daevon Segovia ang tinutukoy mo? Bali-balita kasi ang nangyari kagabi."
"Opo." Tipid kong nginitian ang ginang at pumasok na ako sa aking silid.
Paggising ko ay wala na si mama sa aking tabi. Siguro nasa baba na. Pagkatapos ng matinding away nila ni papa, balik ulit sa dati na parang walang nangyari kagabi. Sanay na ako kaya hindi na bago sa akin ang ganitong eksena.
Kumain lang ako ng konti at nagpaalam na ako kay mama. As usual, hinatid na naman ako ng driver namin.
"Hija, nandito na tayo."
Napasinghap ako. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. "Salamat po, Manong Homer. Ingat po kayo sa pagmamaneho. Text na lang po kita kapag magpapasundo na ako."
Ano ba, Jamie? Papasok ka ba sa loob o hindi? Kanina pa kasi ako nakatayo dito sa gilid ng entrance. Baka kasi hindi sila tumatanggap ng bisita ngayon. Pero gusto kong makita si Fedirich. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-aalala sa kaniya.
"Ate Jamie, ikaw nga! Si Kuya Fedirich ba ang sadya mo?"
Hilaw akong napangiti kay Cameron.
Alangan naman na itanggi ko e totoo naman na ang kuya niya ang sadya ko.
"Tiyak kong matutuwa si kuya kapag nakita ka niya ngayon. Ang aga-aga kasi nagsusungit siya."
Gising na pala si Fedirich. Makakatikim talaga siya ng bongga na sermon sa akin. Bago kami pumunta dito, dumaan muna kami ni Manong Homer sa fruit market
para bumili ng isang basket ng prutas. Nakakahiya kasing dumalaw na wala akong bitbit.
"Kuya, may surprise ako sa'yo!" masayang sigaw ni Cameron ng makapasok siya sa room ni Fedirich.
"Tigil-tigilan mo ako, Ron. Ang aga-aga binu-bwisit mo na naman ako."
Ang sungit! Parang may regla ang asungot na ito.
"Ay, mukhang ayaw kang makita ni kuya. Umuwi ka na lang, Ate Jamie. Okay na si kuya kaya 'wag ka ng mag-alala sa kaniya."
Nagulat ako ng biglang bumangon si Fedirich. Mabilis ko siyang nilapitan at mahinang pinalo ang kamay niya. Bawal niyang biglain ang katawan niya at baka may mangyari pang masama sa kaniya.
Hay nako! Narinig niya lang ang pangalan ko, bumangon na agad. Napaghahalataan na talaga ang isang 'to. Masyadong patay na patay sa akin. Kulang na lang ay sambahin niya ako at patayuan ng rebulto.
"Are you okay? I'm worried, baby. Paggising ko, ikaw agad ang hinahanap ko."
Bigla akong nahiya dahil napatingin sa akin ang buong pamilya niya. Parang gusto kong maglaho na parang bula sa kanilang harapan.
"I-I'm okay, Fedirich." Napakagat ako sa aking labi ng hawakan niya ang kamay ko. "Pasensya na po sa biglaan kong pagpasok. Magandang umaga po sa inyong lahat," bati ko sa pamilya niya.
"Natakot ako kagabi, Jamie. Biglang tumigil ang mundo ko ng lumapit ka sa akin. I thought I would lose you. Makakapatay talaga ako ng tao kapag may nangyaring masama sa'yo."
Oh god! Ano ba ang mga pinagsasabi niya? Epekto ba ito ng anesthesia? Base sa reaksyon ni Tita Carmela, parang napantig ang tenga niya sa narinig nito mula sa bibig ng kaniyang panganay na anak.
"Thank you for saving me. I owe you a lot."
Hindi sana ako magtatagal dito ngayon subalit pinakiusapan ako ni Tita Carmela na kung pwede ay ako muna ang magbantay kay Fedirich. Nakakahiya namang tumanggi dahil in the first place, ako ang dahilan kung bakit naospital ang anak niya.
Inirapan ko siya ng kami na lang ang naiwan. Paano ba naman kasi, abot tenga ang ngiti niya.
"Kung ito lang pala ang paraan para makasama kita ng matagal, sana noon pa ay nagpa-confine na ako dito sa ospital."
"Siraulo!" Ang dami niyang naiisip na kalokohan kapag wala kaming kasama.
"Baby, are you really okay? Nasabi ni Ferit na may emergency daw sa bahay niyo kagabi."
Si Ferit talaga. Masyadong loyal kay Fedirich. Lahat na lang nire-report niya sa kaniyang kaibigan.
"Okay lang ako, Fedirich. Saka Jamie ang pangalan ko hindi baby. Stop calling me baby because I'm not your baby."
"You are my baby, Jamie. The maldita and sweet classmate of mine. Come closer to me. I really missed you a lot."
"Che! Gusto mo lang akong halikan, eh. Ayoko nga!"
Nagusot ang mukha niya ng biglang lumitaw si Katelyn sa aming harapan. Parang hindi siya masaya na makita ang beauty queen na classmate namin.
Aalis na sana ako para bigyan sila ng privacy subalit mabilis na hinawakan ni Fedirich ang kamay ko. What? Gusto niyang maging audience ako ngayon sa lampungan nilang dalawa? I rolled my eyes. Ano ako, third wheel?
"Stay, Jamie."
Wala sa sariling napatango ako. Napansin kong hindi komportable si Katelyn na nandito ako. Ako rin naman, hindi ako komportable sa presensya niya. I really hate her. She's an evil woman disguised as an angel. Even if she hides her true color, I can smell her stinginess. The prim and proper woman is just a trap. She's a real b***h. The more we encounter each other, the more I murder her in my mind.
"Sa sofa lang ako, Fedirich. Entertain your guest," I said.
Dapat sana ipinagbawal ni Tita Carmela na tumanggap ng bisita ngayon. Nang sa gano'n ay makapagpahinga ng maayos si Fedirich. So far, okay naman siya pero kailangan niya pa rin ng sapat na pahinga.
Aba, ang bilis talaga gumalaw ng babaeng ito. Tumalikod lang ako saglit, nakahawak na siya sa kamay ni Fedirich. This b***h.
Teka, e ano naman ngayon kung nakahawak siya kay Fedirich? Oh my god! Nagseselos ba ako? Bakit naman? This is really frustrating. Pati sarili ko, hindi ko na maintindihan.
"Pasensya na kung naabala ko kayo ni Jamie. Hindi kasi ako mapakali sa bahay simula ng umuwi ako kagabi. Kamusta na ang pakiramdam mo?" malambing na tanong niya kay Fedirich.
"I'm okay now, Katelyn. Thank you for your concern."
Kanina pa sila nag-uusap at mukhang walang balak na umuwi si Katelyn. Inirapan ko si Fedirich ng makitang nakatingin siya sa akin. Hindi naman siya baldado kaya bakit siya sinusubuan ng lintang iyan? Dahil sa inis ay aksidente kong nahulog ang cellphone ko.
Malawak ang ngiti ni Katelyn ng tumabi siya sa akin. Tapos na pala niyang pakainin si Fedirich.
"Jamie, nakita mo ba kung gaano kagusto ni Fedirich na subuan ko siya? Siguro kung wala ka ngayon, baka hinalikan na niya ako. Alam mo na, naibibigay ko kasi ang mga pangangailangan niya bilang lalaki."
"Talaga ba? So anong gusto mong iparating? Na pang kama ka lang at pokpok ka? I pity you, Katelyn, because you're a desperate b***h. I bet hindi lang si Fedirich ang nakatikim sa'yo."
Mariin niyang hinawakan ang braso ko subalit hindi man lang ako nasaktan. Kung kanina ay maaliwalas ang mukha niya, ngayon naman ay parang papatay siya ng wala sa oras. I smirked. She's easy to piss off. Kaya kahit anong sabihin niya, hindi siya mananalo sa akin.
"Huwag mong ipagyabang sa akin ang mga kagagahan mo sa buhay. Ikaw ang bahala, baka malaman pa ng iba ang sikreto mo," bulong ko sa kaniya.
"Itatak mo rin sa kukote mo na kahit kailan, hindi magiging sa'yo si Fedirich.
Titikman ka lang niya pero ako pa rin ang pipiliin at uuwian niya."