JAMIE
Parehong mainit ang ulo namin ngayon ni Fedirich. Gusto niyang bugbugin si Miguel dahil hindi niya nagustuhan ang mga lumalabas sa bunganga nito. Subalit hindi niya nagawa dahil bago pa man dumapo ang kamao niya sa mukha ng gago kong manliligaw, hinila ko na siya papasok sa kaniyang sasakyan.
"f**k, Jamie! Huwag mo akong pigilan na bugbugin siya. Ano, ayaw mong saktan ko ang taong mahal mo?"
"Hindi, ikaw ang inaalala ko, Fedirich. Birthday mo ngayon at ayokong magkaroon ka ng pasa sa mukha mo. Hayaan na natin siya, okay?"
"Bullshit! Hindi ko palalagpasin ang ginawa niyang pang-iinsulto sa'yo. He treated you like a prostitute. Damn him! Gusto ko siyang suntukin hanggang sa mawalan siya ng malay."
Sinuntok niya ang manibela ng kaniyang sasakyan dahil sa frustration. Umiigting ang panga at matalim siyang nakatingin sa harapan. Oh god, Fedirich is really mad right now. Ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang galit at init ng ulo niya?
Mapapaamo ko ba siya sa isang halik ko? O mas lalo lang siyang magwawala?
"Fedirich," malambing kong tawag sa pangalan niya.
"What?"
Hinila ko siya at walang pasabing dinampian ng isang halik. Napangiti ako ng makita ang gulat niyang mukha. Nako, ang bilis niya pa lang paamuhin.
Ang lakas mo talaga sa kaniya, Jamie!
"Okay ka na? Pwede na ba tayong umalis? Kanina pa kasi tayo dito sa gilid ng daan."
"Kiss me again, Jamie. Please baby," he pleaded.
"Mag-drive ka na nga. Nakakarami ka na sa akin. Sige ka, baka magbago pa ang isip ko na sumama sa'yo kapag hindi ka kumilos diyan."
Napaayos siya ng upo at sunod-sunod na napamura. Mabilis ang pagpapatakbo niya sa sasakyan kaya sinabihan ko siyang dahan-dahan lang. Baka kasi maaksidente pa kami. Birthday pa naman niya ngayon.
Okay naman siguro ang suot ko ngayon. Mabuti na lang at nasa loob ng bag ko ang ibibigay kong regalo sa kaniya. Ako lang ata ang taong hindi pupunta sa birthday party niya pero may nakahandang regalo.
"Why are you so tense? Relax, baby. Hindi ka naman kakainin ng pamilya ko."
Inirapan ko siya. Kahit nakausap ko na ang mama niya noon, kinakabahan pa rin ako kay Mrs. Segovia. Mabait naman si Tita Carmela, pero nahihiya ako sa kaniya at natatakot.
"Wala kang balak bumaba?" tanong niya ng buksan niya ang pintuan sa passenger seat.
"Ito na nga, excited mo naman masyado. Wala akong susuotin mamaya. Nakakahiya dahil naka-formal kayong lahat tapos ako, nakasuot lang ng pantalon at simpleng t-shirt."
"Kahit anong suotin mo maganda ka pa rin sa paningin ko."
Bolero! First time kong makapunta dito sa casa nila. Akala ko sa mansyon nila gaganapin ang birthday party niya, dito pala. Usap-usapan sa siyudad na maganda ang casa na ito at totoo nga ang chismis.
"Ang ganda dito, Fedirich."
Manghang-mangha akong nakatingin sa buong Casa de Alegre. Kitang-kita ko ang malinis na batis mula sa aking kinatatayuan. Wow, may tree house rin sila. Parang gusto ko ng tumira dito ngayon din.
Ngunit ng makarating kami sa front door ng casa nila, nanumbalik ang kabang kanina ko pa tinatago kay Fedirich. What if sungitan ako ng mga kapatid niya?
"You okay? Common, don't be nervous. I'm always by your side, baby. " Hinawakan ni Fedirich ang kamay ko at pumasok na kaming dalawa sa casa nila.
Baby ka diyan!
"Dios mio! Mama, si Kuya Fedirich may dalang magandang babae!" sigaw ni Caxi.
Mas lalong humigpit ang hawak ko kay Fedirich. Nang lumabas si Tita Carmela sa dining area, nagmano agad ako sa kaniya.
"Hello dear. Long time no see, hija."
"Hello po, Tita Carmela."
"Mabuti naman at napapayag ka ng anak kong pumunta dito ngayon," aniya.
Gusto ko sanang sabihin na nakiusap ang anak niya sa akin subalit ayoko namang mapahiya si Fedirich.
"Birthday niya po kasi, Tita. Pasensya na po kung masyado akong maagang pumunta dito."
"Ano ka ba, you're always welcome here. Usap tayo later, Jamie. May gagawin lang ako sa kusina. Fedirich, ipasyal mo muna ang girlfriend mo dito sa loob ng casa."
Aangal na sana ako subalit mabilis akong hinila ni Fedirich. Namutla ako ng dalhin niya ako sa kaniyang silid. Teka, ano ang gagawin namin dito ngayon?
"Fedirich, ba't dito mo ako dinala? Hoy lalake, may gagawin ka bang masama sa akin?"
Tumawa siya ng malakas kaya mas lalo akong nairita. Kung hindi niya lang birthday ngayon, baka kanina ko pa siya sinigawan.
"Hindi ko alam na masyado pa lang mahalay ang utak mo, Jamie. Hindi porket dinala kita dito sa aking silid, may gagawin na ako sa'yo."
"Sabi ni Tita Carmela ipasyal mo ako dito sa casa niyo hindi ikulong sa silid mo!" singhal ko.
"Relax, baby. Ilalagay lang natin ang mga gamit mo dito. I won't take advantage of you unless you kiss me first. Talagang huhubaran agad kita," bastos na sabi niya.
Tignan mo, hinihintay niya lang na ako ang mag-first move.
"Sapak, gusto mo? Tara na nga sa labas."
Pumunta kami ni Fedirich sa gilid ng batis. Dumaan rin kami saglit sa kuwadra ng mga kabayo nila. Sa susunod, sasabihin ko sa kaniya na ipasyal niya ulit ako dito. Gusto ko kasing matutong sumakay ng kabayo at magpapaturo ako sa kaniya.
"Kanina ka pa nakatingin sa tree house namin. Gusto mong umakyat sa taas?"
"Pwede ba?"
Ang dami talagang magandang gawin dito sa casa nila. Now I know kung bakit ang mga kaklase namin, gustong-gusto nilang pumunta dito.
Inalalayan akong umakyat ni Fedirich dahil baka mahulog daw ako. Hindi niya alam na sanay na akong umakyat sa mataas na puno.
Wow! Napanganga ako ng makita ang loob ng tree house nila. May maliit na kama sa gilid at may aircon pa. Aba, bongga! Masaya siguro ang mga childhood memories ni Fedirich sa casa na ito.
"Dito ako tumatambay minsan," kwento niya sa akin.
Isa-isa kong tinignan ang mga litrato nilang magkakapatid. Ang cute ni Caxi noong bata pa siya. Nagtagal ang tingin ko sa litrato naming dalawa ni Fedirich noon. Ang dungis ko pala ng kinder kami.
Napatalon ako sa gulat ng maramdaman kong nasa likuran ko na si Fedirich. Anak ng tinapa! Ano na naman kaya ang binabalak niya?
"Jamie, labas na tayo. Baka mabuntis pa kita ng maaga kapag nagkulong tayo ng matagal dito."
Malakas kong pinalo ang braso niya. Akala ko may respeto sa akin ang lalaking ito pero katulad rin pala siya ng iba. Pero mabuti na lang at honest siya. Hindi tulad ng iba, gusto lang akong i-date para makuha ang virginity ko. Pero si Fedirich, nililigawan niya ako dahil mahal niya talaga ako.
"Happy birthday to my loyal dog," I teased.
"I'm not your dog, Jamie."
"Kidding. Babatiin na kita ngayon dahil baka mamaya hindi na kita makausap. Tara na sa baba," sambit ko.
Gabi na at nagsidatingan na ang mga bisita nila. May after party pa mamaya si Fedirich. Ang mga kaibigan niya ang nag-arrange ng party na iyon kaya expected na maraming sexy na babae ang invited.
Naagaw ng atensyon ko ang pagdating ni Katelyn. Kasama niya ang mga magulang nito at ang isa niya pang kapatid. Matalim niya akong tinignan ng napatingin siya sa akin. This woman, ang sarap niyang kalbuhin.
"Look who's here. Hindi ko alam na a-attend ka pala sa birthday party ni Fedirich. Invited ka ba?" tuksong tanong ni Katelyn.
Kapag ito pinatulan ko, uuwi siyang luhaan ngayon. Baka magwala siya bigla kapag sinabi kong kanina pa ako nandito. Halata naman kasi na baliw na baliw siya kay Fedirich. Sad to say, ako ang gusto ng taong mahal niya.
"Of course. I'm invited. Bakit naman hindi?"
"b***h! I hate seeing you here. Kaya pwede ba, umuwi ka na. I'm Fedirich's girlfriend, so I have the right to kick you out here."
"You are? Pero bakit niya ako sinundo at dinala dito ng maaga kung ikaw ang girlfriend niya? Unless you're just being delusional and dreaming that you are his girlfriend."
Natawa ako sa reaksyon niya. Para siyang tanga sa kaniyang kinatatayuan. Gusto niya akong sugurin subalit hindi niya magawa dahil nakatingin sa amin ang ibang mga bisita. Mapapahiya siya at ang pamilya niya kung magsisimula siya ng away.
"Mock me all you want. But Jamie, Fedirich is not seriously in love with you. He's just messing you around," he said with her mischievous look
"Oh, he is? Thank you for informing me, Katelyn. Now I know how serious he is with me. Alam mo bang malapit na niyang bugbugin ang pinsan mo dahil hindi niya nagustuhan ang pangbabastos ni Miguel sa akin?"
The smile on her face slowly faded. Look how bitchy she is. Tinapakan niya ang paa ko kaya malakas akong napadaing. Mabilis akong nilapitan ni Fedirich kaya napaatras si Katelyn at biglang naging concern siya sa akin.
"Okay ka lang, Jamie? What happened?"
Inggrata! Hindi talaga ako makapaniwala na pangit pala ang ugali niya. Nasa loob ang kulo ng babaeng ito. Akala mo kung sinong mabait at mahinhin.
"Are you okay, baby?"
Yumuko si Fedirich upang tingnan ang paa ko. Nagulat na lang ako ng buhatin niya ako na parang bagong kasal. Isiniksik ko ang aking mukha sa leeg niya dahil nahihiya ako sa mga bisitang nakatingin sa aming dalawa.
"Dumudugo ang isa mong daliri sa paa. Sinong gumawa nito sa'yo?" galit nitong tanong.
"Naapakan ni Katelyn ang paa ko. Hindi naman niya sinasadya," pagsisinungaling ko.
"Damn it! Diyan ka lang, 'wag kang tatayo."
Kamusta na kaya si Katelyn? Baka umiyak na 'yon dahil sa selos at inggit. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Fedirich kanina. I bet she's complaining to her mother. What a pathetic b***h.
Pasalamat siya at hindi ko sinabi ang totoo kay Fedirich. From the start, I never liked her. Totoo talaga ang judgement ni Toni sa kaniya. Na nagpapanggap lang siyang mabait at mahinhin. Attention seeker pa. My god!
"Masakit pa ba?" tanong ni Fedirich pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko.
"Hindi na. Balik na tayo sa garden niyo."
Makahulugan akong tinignan ni Toni ng makarating kami sa garden. Isang mapaglarong ngiti ang ginawad niya sa akin at sinundot-sundot niya pa ako.
"Fedirich, hiramin ko muna sa'yo ang kaibigan ko."
Ang gago, bago niya ako pinakawalan ay hinalikan niya pa ang noo ko. Why do I feel butterflies in my belly? Kinikilig ba ako? Jamie Elaine Martinez, umayos ka!
Sa totoo lang, medyo na-disappoint ako kay Miguel. Ngayon ko lang natanto na hindi pala siya worth it pag-aksayahan ng oras. He's a total jerk and a manipulative person. Ang tanga ko. Ano ba ang nakain ko at bakit nagustuhan ko ang lalaking iyon? Siguro ginayuma niya ako.
"Hoy, ano itong chismis na kumakalat ngayon? Jam, nahulog na ba ang loob mo kay Fedirich?"
"Hindi ah," in denial kong sabi.
"Sus, sabihin mo na ang totoo. O baka matagal mo ng gusto si Fedirich kaso natatakot ka lang umamin. Ginawa mo pang alibi si Miguel," aniya.
Kinurot ko siya. Si Toni talaga, ang lawak ng imagination niya.
"Tumahimik ka, Toni. Baka may makarinig pa sa'yo at akalain nilang user ako. "
Ka-table ko si Toni at ang iba pa naming mga kaklase. Nasa kabilang table lang ang pamilya ni Katelyn kaya naririnig namin ang topic nila. Gusto kong tumayo at ibuhos ang hawak kong juice sa mama niya. Anong karapatan nilang lait-laitin ang pamilya ko.
No wonder kung gano'n ang ugali ni Katelyn dahil namana niya pala ito sa kaniyang ina. Padarag akong tumayo at pumunta sa table nila. Below the belt na kasi ang mga pinagsasabi nila. Ngunit aksidente kong nabangga ang isang waiter kaya natapon ang hawak nitong juice at nabasa ang buong mukha ni Mrs. Marquez. Pati ako ay nagulat sa nangyari.
"You b***h!"
Umalingawngaw ang boses ng Mommy ni Katelyn sa buong hardin nila Fedirich. Hinila niya ang buhok ko subalit hindi ako nanlaban. My father is a politician, and I don't want to cause any trouble or taint his career. Malapit na rin kasi ang eleksyon. Kahit gusto kong gumanti, hindi ko ginawa.I don't want to be accused of having no class or respect for elders.
Saka lang tumigil ang Mommy ni Katelyn ng makita niyang kinukuhanan kami ng litrato at video ng mga ibang bisita.
"Mommy," nahihiya na tawag ni Katelyn sa kaniyang ina.
"Huwag mo akong pigilan, anak. Nakita mo ang ginawa niya sa akin? Ang bastos niyang bata," galit nitong sabi.
Hindi ko namalayan na nilapitan na pala kami ni Tita Carmela at Tito Daevon.
"What's happening here?"
"Look what she did to me, Carmela. Nagkwekwentuhan lang kami ng anak ko dito tapos bigla siyang lumapit at tinapunan ako ng juice."
What the hell! This witch—she's really an evil woman. Ginawa pa akong bastos at agresibo.
"Hindi ko palalampasin ang ginawa niya sa akin. Kick her out at this party. Manang-mana sa ina, walang class at respeto sa matatanda."
Magsasalita na sana ako subalit biglang nagsalita si Tita Carmela.
"Lucy, I can't do that. She's my son's girlfriend. Can you forgive her? Siguro naman hindi sinasadya ni Jamie ang ginawa niya sa'yo. I have known her since she was a child. She's respectful and sweet."
Aangal na sana si Mrs. Marquez subalit biglang nagkagulo ang buong paligid ng marinig namin ang sunod-sunod na putok ng baril. Imbis na tumakbo ako ay pumunta ako sa gilid ng halaman at doon nagtago.
"Fedirich!" sigaw ko ng makitang babarilin siya ng hindi kilalang lalaki.