Tinawagan ni Ana si Macky para ipaalala dito Ang napag usapan nila tungkol sa magpapanggap na boyfriend nito sa high school reunion nila. Ayon sa kaibigan ay na-briefing na nya Ang lalaki at magkikita na lang silang dalawa sa mismong araw ng reunion. Kilala na daw sya nito dahil pinakita na nya Ang picture at siniguro ng kaibigan na Hindi sya mapapahiya pag ipinakilala nya ito as her boyfriend.
Saturday night, kabado si Ana dahil Hindi nya kilala Ang lalaking magpapanggap na boyfriend nya. Kung ano ano Ang tumatakbo sa isip nya dahil ayaw nyang pagtawanan sya ng mga former batchmates nya dahil lang sa magiging kapalpakan ng boyfriend nya Kuno. Pero dahil may tiwala sya sa kaibigan Kaya ipinagkibit balikat na lang nya ito. Bahala na mamaya.
Pagkatapos nyang magbihis ay tiningnan ni Ana Ang sarili sa whole body mirror at sinigurado nya na Hindi na talaga sya Ang dating Ana Marie na napapansin lang dahil sa pagiging bright student. She is now the new Ana Marie Gonzales who is gorgeous, confident and successful. At ito nga nakikita nya ngayon sa salamin. Wearing a sleeveless black dress na Hindi umabot sa tuhod, fitted ito at nagbigay ng perfect shape sa kanyang perfect vital stat. Litaw na litaw Ang kaputian ni Ana sa suot nya na pinaresan pa ng dark red stilleto na 3 inches Ang taas.
Hindi sya nagdala ng sasakyan dahil ayaw mastress sa paghanap ng parking. Nagpahatid na lang sya sa company driver at sinabing wag na sya nitong hintayin at magbobook na lang sya ng sasakyan pag uwi.
Pagpasok sa venue ay agaw pansin sya dahil Hindi na sya halos makilala ng mga batchmates nya. Lumapit sya sa mga dating kaklase at tuwang tuwa Ang mga ito ng Makita sya. Nalaman nyang Hindi nakarating sa nasabing reunion si Dave, Ang dati nyang crush, dahil umano may dinaluhan itong business conference sa ibang bansa.
Nag uumpisa na magtawag Ang MC para sa mga Walang boyfriend, dahil nga ito Ang napagkasunduan, buti na lang at unang tinawag Ang mga nasa unahang table. Kinakabahan na si Ana dahil Wala pa Ang boyfriend Kuno nya. Nawawalan na sya pag-asa at tinanggap na nya na magdodonate na talaga sya ng 50k. Okay lang Naman sa kanya tutal Wala Naman dun si Dave. Namataan nya Ang isang babae na papunta sa direksyon nya, kilala nya Ang babaeng ito, ito lang Naman Ang insecure na nagpakalat noon na Hindi sya magugustuhan ni Dave dahil masungit daw sya. Nalaman nya na may gusto din pala ito Kay Dave.
Saktong paglapit ng babae sa table nila ay sya ding dating ng MC at pinatayo silang lahat para i-acknowledge.
Nilapitan sya ng babae at wari itong gumagawa ng eksena dun para ipaalam na Wala nga syang boyfriend o partner na kasama.
so totoo pala na NBSB ka pa din huh! are you still waiting for Dave Soriano to like you? Ang Walang prenong pagkaksabi ng babae.
She was about to say something when someone from behind hold her waist and in just a second he kiss her on lips at sa mahina at baritonong boses ay narinig nya itong nagsabi, sapat na din para marinig ng mga kaharap nya....
I'm sorry sweetie, I'm late...
sabay sumilay Ang mumunting ngiti nito sa labi at kinindatan sya, sapat ng magpalaglag ng panty nya...Este puso pala.
Hindi agad nakagalaw si Ana at nagulat sa mga pangyayari. Habang Ang mga babae namang kaharap nya ay nakanganga at nakita nya Ang pagkislap ng mata ng babaeng insecure sa harap nya.
Narinig ni Ana ang pagpapakilala nito sa Principal na lumapit na kasama ng MC..
Good evening sir, I'm Gabriel Valdez.
Gabriel Valdez of Valdez Financing Corp? - Saad ng Principal
Yes, please to meet you! - Gabriel
It's my pleasure to finally meet you Mr. Valdez...so you're with Ms. Gonzales right?
yes, she's my girlfriend!