Saturday morning ng umuwi si Ana sa bahay nila sa isang subdivision sa Cavite. Kapag tinatamad syang umuwi at kapag pagod na sya ay sa condo sa Makati sya tumutuloy. Kampante Naman sya dahil may kasamang helper Ang mama nya sa bahay at malakas pa din naman Ang pangangatawan nito sa edad na 52. Nagmumukha nga silang magkapatid lang minsan dahil may pagka bagets din itong manamit.
She decided to have a lunch date with her mama and after that iti-treat nya ito ng whole body massage and footspa at syempre magpapa saloon din sila. Ganito Ang bonding nilang mag ina.
Pagkarating nilang mag ina sa isang mall sa Makati ay dumirecho muna sila sa isang restaurant. Favorite nya Ang Italian dishes Kaya sa isang Italian resto sila nagpunta. Pagkatapos nilang umorder ay nagkwentuhan muna silang mag ina.
Samantala isang ginang Naman Ang papasok sa restaurant na may kausap sa cellphone at biglang napatingin sa gawi nilang mag ina. Maya maya pa ay lumapit ito sa kanila...
Zeny! Zenaida Altamirano? oh my gosh Ikaw nga? bulalas nito sa mama ni Ana
Via? Sylvia Mondragon? Ang mama ni Ana
Ako nga! Oh my goodness! It's been a long time.
Tila na out of place si Ana sa kwentuhan ng dalawang ginang. At dahil doon ay niyaya na lang din nila ito sa kanilang table dahil ayon dito ay Hindi ito sinipot ng kanyang anak na nagkaroon ng emergency meeting. Andaming napagkwentuhan Ang dalawang ginang at napag Alaman ni Ana na mag bestfriend pala ito nung high school sila.
may boyfriend na ba itong si Ana? tanong ni Via
naku! Wala pa Yan pinapakilala sa akin. masyadong ninanamnam Ang pagiging single. , sabi Naman ni mama Zeny nya
Bakit Hindi natin sila i-set up ng date ng anak ko Zen? Naalala mo dati, sabi natin kapag nagkaanak Tayo ipapakasal natin?
sabay tawa ng dalawang ginang.
oo nga pala! bakit Hindi? Malay mo they are meant to be..
Nag usap Ang dalawa na para bang Wala sya doon Kaya natatawa na lang sya.
You know Ann, pag nakita mo Ang anak ko for sure magugustuhan mo sya. and I'm sure also na pag nakita ka ni Gab maiinlove yun sayo. Haaaay! I'm so excited Zen. I can't wait na maging mag balae Tayo.
syempre gusto ko din na mapunta sa maayos na lalaki Ang anak ko Via, Kaya Hindi ko tatanggihan Yang gusto mo. Pero we have to make sure na magkakasundo din sila.
Walang imik si Ana at nangingiti na lang sa dalawang nasa tabi nya. Feeling nya ay lumiit bigla Ang Mundo nya dahil sa napag usapan ng dalawa.
Natapos Ang lunch nila at nagpaalam na din Ang kaibigan ng Ina. Pero bago ito umalis ay nagbilin ito sa kanya
Ann, hija, for now I will let you call me Tita Via, but sooner it will be mommy Via.
sabay hagalpak ng dalawang ginang.