Roses are Red

777 Words
Nakauwi ng bahay si Ana galing Tagaytay at pasalampak na humiga sa kanyang kama. Habang nakapikit sya ay nakikita nya Ang mukha ng lalaking nakabangga sa kanya. Nanghihinayang sya na Hindi man Lang silang dalawa nakapagpakilala ng pormal sa isa't Isa. Pero naisip nya na normal lang Naman yun, anyway they are both strangers. Pero ng maalala nya Ang sinabi nito bago sya makaalis ay biglang bumilis Ang t***k ng puso nya. Bagay na Hindi nya nararamdaman sa ibang lalaki na nagpapahiwatig sa kanya ng pag-ibig. mag-ingat ka, mamahalin pa Kita! Paulit ulit itong bumabalik sa isipan nya. Habang inaalala Ang gwapong mukha ng lalaki. Naisip nya na itanong sa mga kaibigan Kung anong pangalan nito dahil alam nyang nakipagkilala ito sa kanila, pero ayaw nyang isipin ng mga ito na baka may gusto sya dito. hay naku! c'mon Ana Marie, he's just a random stranger na nakabangga mo., paalala nya sa sarili habang nakahiga. Monday morning, pumasok si Ana sa opisina na katulad ng isang normal na araw. Habang patungo sya sa kanyang sariling opisina ay panay Ang bati ng mga staff nya, Hindi Naman na ito iba sa kanya dahil ganito Naman talaga sa kanya Ang mga employee nya. Mabait syang boss pero pagdating sa trabaho ay strikto sya. Wala Naman syang naririnig na negative comment ng mga employee dahil sinisiguro nya na maayos Ang lagay ng mga ito. Naranasan nya din Kasi maging empleyado noon ng isang taon sa banko bago sila nagdecide na magtayo ng sariling negosyo. Pero iba Ang ngiti ng mga empleyado nya ngayong araw, parang may something. Nagniningning Ang mga ngiti nila sa kanya. Sinalubong agad sya ni Gladys at inabot Ang kape nya ng nakangiti. Nagulat sya sa nakalagay sa kanyang mesa, 2 dozens of Red Roses na napakaganda ng pagkaka-arrange. Mukhang mamahalin ito at napaka bango. Kinuha nya Ang bulaklak at binasa Ang nakasulat... Take care sweetie! Have a great day -GMV Bumilis Ang t***k ng puso nya, naalala nya Ang endearment na yun sa text message ng unknown texter nya. Di Kaya ay kilala nga sya nito. Tinanong nya Ang secretary Kung sino Ang GMV na initial sa mga nakakasalamuha nila sa negosyo. Pero mabilis itong umiling at sinabing Walang ganung initial na kilala nya. Samantala, sa Valdez Financing Corp ay sunod sunod Ang meeting ni Gabriel mula umaga. Alas dos ng hapon natapos ang last meeting ni Gabriel nang may maisip syang tawagan... Hi! Did she receive the flowers? Yes sir, sagot ng kausap. How was it?, did she like it? yes sir, pero nagtataka pa din sya Kung sino Yung GMV. Pagkatapos ng usapan nila ay napabuntong hininga si Gabriel, Can't wait to see you again... ito na lang Ang nasabi nya sa sarili. Dumaan ang maghapon na magaan ang pakiramdam ni Ana, parang Hindi sya nakaramdam ng pagod, nakakagood vibes Naman talaga kapag nakakakita sya ng bulaklak. Kinabukasan pagpasok nya sa opisina ay nakahalukipkip na sinalubong sya ni Gladys habang nakangiti ito na para bang may ibig sabihin. Gladys, wag mo akong ngitian dyan, ano na namam Ang problemang isasalubong mo sa akin? madame A, masama bang ngumiti? ...sandali nga, Ikaw ba meron Hindi sinasabi sa akin? - Gladys ano Naman yun? eh Ikaw Ang nakakaalam ng mga lakad ko, kulang na nga lang sa bahay ko Ikaw tumira. mas alam mo pa nga yata Ang schedule ko kesa sa sarili ko. - Ana pagkaupo ni Ana sa kanyang swivel chair ay nakita nya Ang isang cup ng kape buhat sa isang kilalang coffee shop at inabot Ang note na nakalagay dun... Coffee for you sweetie, sorry I wasn't there to hug you and make you warm. -GMV Nagririgudon na naman Ang Sistema nya pagkabasa ng note na yun. Tumingin sya Kay Gladys at iniangat nito Ang coffee na katulad ng kanya at humigop ito ng kape habang nakangiti. wag kang mag-alala madame, Walang gayuma Yan promise! - Gladys paano Naman ako nakakasiguro? Basta madame, Wala ka bang tiwala sa akin, alam mong Hindi Kita ipapahamak, Matulin na dumaan Ang isang linggo at araw araw nga ay nagpapadala Ang kanyang secret admirer ng Kung ano-ano. Iniisip nya na mukhang kasabwat nito Ang kanyang secretarya kaya't di sya masyadong nag-aalala na baka stalker nya ito. At gaya nga ng sinabi ni Gladys, may tiwala sya dito at kahit kelan ay Hindi nya pinagdudahan Ang katapatan nito sa kanya. Sa hinuha nya ay isang tie up nila na foreigner Ang may initial na GMV. At the back of her mind, she wished to see again the man in Tagaytay. Parang gusto nyang isipin na Sana ito na lang Ang nagpapadala sa kanya ng Kung ano ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD