Love at first sight

706 Words
Gabriel POV Bumalik ako sa sasakyan ko para kunin Yung cellphone ko. Tinawag ako ni Vincent na noon ay kakarating lang din. Sa biglang pagpihit ko ay di ko namalayan na may makakasalubong pala ako. Sa pagkabigla ko ay hinawakan ko sya sa bewang at sa likod para Hindi sya matumba at tuluyang bumagsak sa semento. Pero nang masilayan ko Ang mukha nya ay parang nagulat sya sa bilis ng pangyayari. I was about to give my apology pero sinabi nyang Wala namang may kasalanan. At nagpasalamat pa sya dahil Hindi sya nasaktan. Nakalayo na sya pero parang naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko. Ang simple ng ayos nya pero mukha syang elegante, at muntik ko ng mahalikan Ang kanyang labi, Alam Kong Wala syang kahit anong kolorete sa mukha pero napakaganda nya sa paningin ko. Natural na mapula Ang kanyang labi. Amoy na Amoy ko din Ang pabango nya na Hindi masyadong matapang pero alam Kong mamahalin. Shit! you're in trouble man, para akong Tanga na kinakausap Ang sarili ko. Ngayon lang ako nagkainteres ng ganito sa babae. Hindi Kaya na- challenge lang ako dahil Hindi man Lang nya ako tinapunan ng pansin. Parang Hindi normal Ang babaeng yun, bakit di man Lang yata sya nagwapuhan sa akin. Pagkakataon na nya na makuha Ang pangalan ko at number ko pero Wala syang pake. Grabe! iba to! Pagpasok ko sa restaurant na pagmamay-ari ni Jake ay iginala ko agad Ang paningin ko at nahagip ko nga silang magkakaibigan. Medyo maingay ang kaibigan nyang bading Kaya narinig ko Ang pagtawag nito sa kanya sa buong pangalan. Ana Marie Gonzales, ito pala Ang name nya. Maganda, bagay sa kanya, pero mukhang bagay din sa kanya ang Valdez. what the f**k! naisip ko pa talaga yun? Napansin pala ako ng mga kaibigan ko na panay Ang tingin sa gawi nila. Maganda din Ang dalawang babae na kasama nila pero sa kanya talaga napapako Ang mata ko. At dahil kilalang kilala ako ng tatlong mokong Kong kaibigan Kaya agad nilang sinabi na si chinita girl talaga Ang type ko. Nakita ko syang naglagay ng lipstick at parang pinipicturan ng isang kaibigan nya. Mukha syang nagmomodel nito dahil naka apat na palit sya ng lipstick. Sa panghuling lagay nya ay mas bumagay sa kanya Ang red lipstick at ibinaba pa nya Ang kanyang buhok at biglang kinagat Ang ibabang bahagi ng labi nya. Shit! napamura ako sa isip ko dahil may Kung anong nabuhay sa ibabang bahagi ng katawan ko. Pero kahit anong gawin ko ay Hindi ko maialis sa kanya Ang mga Mata ko. Napaka seductive nya wearing a red lipstick. Nang matapos silang magpicturan ay nakita ko syang kumuha ng halayang ube sa garapon gamit Ang kutsara at sabay isinubo yun na para bang nilalaro nya ito sa kanyang bibig at pagkatapos ay didilaan. Napamura na naman ako sa isip ko dahil nabubuhay talaga Ang Hindi dapat. By simply staring at her I'm now having a hard on. Mukhang Seryoso na Ang usapan nilang magkakaibigan at dahil nakatingin pa din ako sa kanila, ako na ngayon Ang topic ng mga kaibigan ko. wag nga kayong magulo dyan! mag usap lang kayo nakikinig ako, sabi ko. Bro, malala na tong kaibigan natin, mukhang napana na to ni kupido. , Si Vincent habang umiiling na nakatingin sa akin. Mukhang mahihirapan ka dyan sa isang Yan Pare! mukhang di ka nga nya napapansin- Jake eto lang masasabi ko sa inyo mga pare, pag ngumiti Yan, akin Yan! , medyo may doubt ako sa sarili ko ng sinabi ko yun dahil nga ni Hindi man Lang nya ko tapunan ng pansin. Pero mukhang umaayon Ang pagkakataon dahil bigla syang napatingin sa akin at nagtama Ang aming mga mata, napangiti sya ng konti at parang biglang tumalon Ang puso ko. s**t! para Kong teenager ngayon. Ito ba Ang Love at first sight? Nang tumayo sya ay niyaya ko si Jake para makipagkilala sa mga kaibigan nya. Medyo madaldal Ang mga kaibigan nya at mukhang masayang kasama. Isa lang Naman Ang pakay ko Kung bakit ko sila nilapitan, yun ay para Sana makuha Ang number nya. At bago pa sya makabalik ay minadali ko na si Jake para di nya kami abutan sa table nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD