Third Person's POV
Nagising si Akiro na may kumot ng nakabalot sa kaniyang katawan at mayroong bimpo sa kaniyang sentido. Napangiti siya dahil mukhang inalagaan siya ni Kirt.
Half awake pa siya nung inamin niya kagabi ang totoong nararamdaman niya kay Sydney. At nang maalala niya 'yun lihim siyang napangiti.
Bumangon siya ngunit sumakit ang ulo niya dahil sa kaniyang lagnat. Ngunit nagsikap siyang tumayo upang makapaghanda ng almusal nila ni Sydney.
Napahimas pa siya sa kaniyang ulo dahil sa sakit. Mabigat pa ang kaniyang pakiramdam ngunit sa tingin niyang makakaya niya namang magluto. Iba ang pakiramdam niya kahit may sakit parin siya.
Ngingiti-ngiti siya habang hinahalungkat ang mga grocerry sa ref. Nagluto siya ng bacon at hotdog. Nagsaing siya ng kanin at nagprito din ng itlog. Mabuti nalamang at nasanay na siyang mag-isa kaya alam niya kung paano gawin ang mga ito.
Gigisingin niya na sana si Sydney ng makitang bukas ang kwarto nito. Nagkaroon ng ideya si Akiro upang asarin ang babaeng gusto. Lihim siyang pumasok sa kwarto nito. Nang marating niya ang kama kung nasaan si Sydney ay nagulat siya na halos pagpawisan ito habang nakapikit ng mariin.
Nilapitan niya si Sydney at umupo sa gilid nito. Gigisingin niya na sana si Sydney dahil sa mga pawis nitong tumatagaktak at mukhang nagkakaroon ng isang masamang panaginip ngunit nagsalita ito.
"Dewlon...Dewlon..." ungol ni Sydney.
Nanlaki ang mata ni Akiro at bahagyang napaatras sa gagawin niya. Napatayo siya habang tinitignan si Sydney na paulit-ulit binabanggit ang pangalan ng lalakeng di niya kilala ngunit isa lang ang alam niya.
"Siya na ba 'yun? Siya na ba lalakeng tinutukoy ni Vg?" tanong ni Akiro sa sarili at saka balisang lumabas sa kwarto ni Sydney.
"Sigurado kaba sa plano mo? Baka nabibigla ka lang?" gulat na tanong ni Vg ng magkita sila sa isang cafè.
Ngumisi si Akiro, "Sigurado na'ko, Vg. Sasabihin ko na sa kaniya ang nararamdaman ko..." sagot naman ni Akiro at masayang hinigop ang frappe niya.
Napangiwi si Vg, "Pero, ano kasi, e...nyeta naman oh. KirtLon shipper ako, eh." bulong ni Vg at tumagilid kay Akiro.
"Anong sabi mo?" tanong ni Akiro kay Vg dahil medyo narinig ang binulong nito.
Peke itong ngumiti, "A-ang sabi ko, di kaba nag-aalala sa kalagayan ni Kirt ngayon? Alam mo namang may amnesia siya diba? Hindi niya pa naalala ang lahat-lahat sa buhay niya..." seryosong sagot nito.
Natigilan si Akiro sa sinabi ni Vg. Alam niya ang tungkol sa amnesia ni Kirt. Magkababata sila noon ngunit mukhang di siya nakilala ng kababata nang magkita sila sa audition ng BEC. But, destiny let their paths crossed.
"Akiro kasi...paano kung makaalala na si Kirt tapos kayo na? Mahihirapan siya. Paano kung may boyfriend pala si--"
Hindi niya na pinatapos ang sasabihin ni Vg dahil ibinagsak niya ng malakas ang frappe sa lamesa habang nakatingin sa malayo, "Wala naman siyang boyfriend, diba? Ang sabi ni Tita Mina wala siyang boyfriend. Wala pa siyang naging boyfriend." mariin na sabi nito at bakas sa boses niya ang galit.
Nagulat si Vg sa inakto ni Akiro, "Mayroon siyang naging boyfriend. At sinasabi ko sa'yo, Akiro. Mahal na mahal niya ang lalakeng 'yun. Marami na silang pinagdaanan. At kung maaalala niya lahat ng 'yun, alam kong hahanapin niya ito..." seryosong sagot ni Vg sa kaniya at tumayo na sa kinauupuan niya.
Seryoso siyang tinignan ni Vg ngunit nakatingin si Akiro dahil masama ang tingin niya sa baso ng frappe na hawak niya. "Ngayon, na sa'yo na kung isusugal mo ang puso mo para sa kaniya. Inaalala ko lang ang kalagayan ng kaibigan ko, Akiro. Oo at ipinapakita niyang normal lang siya pero alam ko naghahanap siya ng sagot. Kung pwede sanang manatili kanalang na kaibigan ni Kirt." pakiusap ni Vg at saka umalis, iniwan si Akiro na tulala.
Mabigat ang paghinga ni Akiro. Hindi niya akalaing nagsinungaling sa kaniya ang kaniyang Tita Mina, ang ina ni Kirt. Naalala niya pa nung kahit anong taboy niya kay Kirt noon ay pinapilit nitong maging magkaibigan sila.
(Flashback)
"Akiro!" sigaw ng isang batang babae sa lalakeng nakaupo sa gilid ng kalsada.
Nilingon ito ng lalake. Napasimangot siya ng makita ang babaeng gustong makipagkaibigan sa kaniya. At hinabol pa sila ng aso nung mga nakaraang linggo.
Tumalikod si Akiro at nangalumbaba. Nakaupo siya sa gilid ng kalsada at saka niya ipinatong ang kaniyang siko para isandal ang ulo niya roon.
Umupo sa tabi niya ang babae. Pilit hinabol ng babaeng bata ang mga tingin niya at saka kumaway, "Hello! Hi! Kung nakalimutan mo na'ko, ako si Kirt." sabi ni Kirt at nilahad ang kamay nito sa harap niya.
Tumingin si Akiro sa kamay ng babae. Kahit anong pilit niyang wag tumingin ay nagawa niya parin, pero nagtaka siya kung para saan ang kamay nito?
Tumingin siya sa kamay ni Kirt at saka tumingin sa mga niya, "Aanhin ko 'yan?" tanong niya sa malamig ma tono.
Ngumuso si Kirt, "Shake shake hands tayo! Sigena. Nice to meet you ganoon!" masiglang sagot nito. Ngayon pa lamang siya nakakilala ng taong ganito ka sigla.
Nag-iwas nalang siya ng tingin at hindi pinansin ang babae. Sa isip-isip ni Akiro ay marami naman itong kaibigan pero bakit nakikipagkaibigan pa ito sa kaniya?
Nagulat si Akiro ng hawakan ni Kirt ang kamay niya at nagshake hands sila. Halos maalog ang utak ni Akiro ng mag-shake hands sila ni Kirt dahil sa bilis nito.
"Ano ba ang ginagawa mo? Tantanan mo na nga ako!" singhal sa kaniya ni Akiro at nag-iwas ulit ng tingin.
Ngumuso si Kirt, "Gusto ko lang naman mag-sorry kung tinawag kitang duwag. Tsyaka gusto kong makipag-kaibigan sa'yo, pwede 'yun diba?" sinserong sabi nito.
Sinamaan ni Akiro ng tingin si Kirt, "Diba sinabi ko na sayo na okay na? Pero ayokong makipagkaibigan sa'yo..." seryosong sagot nito.
"Bakit naman? Mabait naman ako. Kung gusto mo, pwede mo ng hintayin ang Papa mo sa labas ng bahay namin o kaya naman samahan kitang hintayin ang papa mo." pangungulit nito.
Umiling ito, "Makulit ka at magulo, ayoko sa'yo..." inis na sabi nito.
Ngumuso si Kirt at mukhang naiiyak na, "Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa'yo, edi kung ayaw mo. Edi wag!" umiiyak na sabi nito.
Nanlaki ang mata ni Akiro ng makitang umiiyak si Kirt. Nakaramdam siya ng guilt at konsensya. Ang sabi ng papa niya, ay wag na wag magpapaiyak ng babae pero nagpaiyak siya.
Hinabol niya si Kirt. Mabilis siya kaya nahabol niya si Kirt na nagpupunas ng mukha gamit ang palad niya.
"Uy, sorry na!" sabi niya na nag-aalala. Ayaw na ayaw niya talagang may umiiyak na babae.
Ngumuso si Kirt pero medyo napapangiti, "Bakit kasi ayaw mong makipag-friends? Pramis, hindi na ko magiging makulit at maingay. Hindi na din kita tatawaging duwag!" sabi niya sabay taas ng kanang kamay niya na parang nanunumpa.
Bahagyang napangiti si Akiro, "Eh ikaw? Bakit gusto mong makipagkaibigan sa'kin? Ang dami mo na ngang kaibigan, eh." kuryosong tanong ni Akiro.
Unti-unting nahimasmasan si Kirt, "Kasi gusto ko lang. So, friends na tayo ha?" tanong niya at ngayon ay bumalik na ang pagkabungisngisin nito.
Natawa si Akiro. Nanlaki ang mata ni Kirt sa nakita. "Hala! Hala! Tumawa ka! Tumawa ka! Wow!" di makapaniwalang sabi nito sabay turo sa mukha ni Akiro.
Pinigilan niya ang ngumiti at nag-iwas ng tingin. Nagsimula na siyang maglakad. Sinundan naman siya ni Kirt.
"Hintayin na nga natin ang Papa mo samin. Ipapakilala na kita kayla Mama at Papa bilang bago 'kong friends!" masiglang sabi ni Kirt. Ngumiti nalang si Akiro at nagpadala kay Kirt.
Nang dahil sa batang Kirt nagbago ang buhay ni Akiro. Masaya na siyang naghihintay sa pag-uwi ng kaniyang papa. Pero hindi na matandaan ni Kirt ang kabataan nila.
Kirt's POV
"Dalian mo, Jayren! Ang tagal mo!" sigaw ko kay Jayren habang nasa likod ko pa siya hinihingal na.
"Teka lang naman kasi! Pagod na'ko, Kirt. Kanina pa natin hinahanap ang crush mo!" sagot ni Jayren.
Ngumuso ako, "Eeeh! Alam kong nasa library na siya. Sure ako!" positibong sagot ko.
Napapikit ng mariin si Jayren at half running na lumapit sa kaniya, "Ano pa nga ba? Wala na akong magagawa ay suportahan ang kalandian mo," biro nito sa kaniya.
Nang makarating kami sa library ay agad 'kong nakita ang mga kaklase niya sa mga table at ang iba ay gumagala sa mga librong nakahilera.
Iginala ko ang mata ko sa buong library ngunit hindi ko siya makita. "Ayon siya, Kirt!" sabi ni Jayren sabay kalabit sakin.
Nang lingunin ko siya ay agad kong nakita ang prince charming 'kong kasama ang mga kaklase niya. Mayroon siyang katabing babae at may masama akong nararamdaman sa babaeng 'yun.
"Hala! Si Aliyah, 'yun, ah! Balita ko ay may crush 'yun sa prince charming mo!" sabi ni Jayren. Kaya naman pala...
Bumusangot ako, "Mas maganda naman ako sa babaeng 'yan, e." bitter na sagot ko kay Jayren.
Tumawa si Jayren at binigyan ako ng di makapaniwalang tingin, "Weh? Talaga lang ha. Beauty Queen kaya 'yan, Kirt. Wag kang ano!" sabi nito.
Napahalukipkip si Kirt, "Eh ano naman? Ako naman ang magiging reyna sa puso ng prince charming ko." sagot ko.
Tumawa ulit si Jayren, "Alam mong suportado kita sa kabaliwan mo sa prince charming mo, pero bilang isang totoong kaibigan. Gusto kong gisingin ka panaginip mo. Uy, day. Sa panaginip lang may prinsipe na papatol sa mga tulad natin." seryosong sagot ni Jayren.
"Support, di halata, ah?" tanong ko sa kaniya at tumingin kaaagd sa direksyon ng prince ko kasama si Aliyah. May iba pa silang kasama pero sobrang lapit talaga ni Aliyah.
Sumabit ang kamay ni Aliyah sa braso ng prince ko, pero ng makita niya 'yun ay agad niyang inalis ang kamay ni Aliyah at umalis na sa tabi niya. Tumayo nito at pumunta sa mga libro.
Tumawa ako, "That's my prince! Tama 'yan. Itaboy mo siya. Dapat sakin ka lang..." bulong ko pero mukhang narinig ni Jayren.
Binatukan niya ako, "Baliw kana talaga..." iiling-iling na sabi nito.
Ang akala ko mapapanatag na ang damdamin ko. Ang akala ko magiging kontento ako makita lang ang prince ko sa malayo, pero nang malaman 'kong may girlfriend siya sa ibang school na di ko kilala ay natakot ako at sobrang nasaktan.
Hinihingal akong bumangon sa kama. Napahawak ako sa ulo ko and at the same time napahawak ako sa puso ko. Bakit ganito? Bakit doble ang sakit? Masakit ang ulo ko ngunit masakit din ang puso ko.
Ngayon hindi ko parin makilala kung sino ang prince charming ko. Hindi naman siguro si Akiro 'yun dahil ang tanging naalala ko lang samin ni Akiro ay noong mga bata pa lang kami kaya sino ang lalake sa panaginip ko kung hindi 'yun si Akiro?
Naging magkaibigan kami ni Akiro noong bata kami. Sabay naming hinihintay ang Papa niyang dumating galing trabaho. Minsan pa nga ay doon na siya kumakain sa amin ng dinner.
Minsan kung hindi uuwi ang papa niya ay sinusundo na siya ng mga kapatid niya. Hanggang sa dumating ang araw na umalis na sila sa Parañaque mag-anak. Yun ang huling naalala ko kay Akiro. Nagkahiwalay kami dahil lilipat na sila sa ibang lugar. But that doesn't stop me from liking him.
But when this familiar memories came crushing in my head everytime I sleep started to confused me. Who was the guy in my dreams? Nag-umpisa lang naman ang lahat ng ito ng makilala ko si Heero Sandoval.
Now, I'm starting to think it was Heero. My prince charming. But, if it's Heero then VG should know, right? She should have told me earlier if it's Heero.
Ughh! Oh, wait! I remember something! Akiro is just outside my room and he's goddamn sick. Lumabas ako sa kwarto and when I went out I saw him sitting and watching tv.
Nilapitan ko siya. I was about to poke his head when I saw him spacing out like an idiot. He's looking at the TV, like watching it, but he's really not. Lumilipad ang isip niya. I wonder why?
"Hey..." tawag ko sa kaniya sabay pindot ng pisnge niya. I was near his face and when he looked at me I started to remember what happend last night. He said he likes me, as in seriously.
Parehong nanlaki ang mata namin. Tumayo ako ng matuwid habang siya naman ay bumuntong hininga na parang ginambala ko siya sa malalim niyang pag-iisip.
"A-are you fine now?" tanong ko sa kaniya, not looking at his eyes.
"I'm fine now..." malamig na sagot niya.
Napakagat labi ako, "I assume you're hungry so let me cook somet--"
He cut me and then looked at me, "I already cooked for us. Sorry for touching your kitchen utensil without your permission," malamig na sabi niya.
"It's okay. If only I woke up early..." sabi ko pero tumayo siya at dumiretsyo sa kusina.
Kumunot ang noo ko. What happened to him? Epekto ba 'yan ng sakit niya? Hay nako. Sumunod nalang ako sa kaniya sa kusina. Nakita ko ang sunny side up egg, bacon and hotdog sa isang pinggan at isang malaking platong may lamang kanin.
I was looking at him while eating my food. I couldn't start a conversation. Damn it. Wala man lang nagsasalita samin. Malapit ko ng maubos ang pagkain ko.
"About last night, thanks for taking care of me..." sabi niya while looking at his plate.
Ngumisi ako habang nakatingin sa kaniya, "It's okay." sagot ko. After he said he seriously likes me last night. Nilagyan ko siya ng bimpong ibinabad ko sa mainit na tubig.
Napakagat labi ako. I need to ask him about last night. Hindi ko kayang umasa sa kung anong walang, "About last night too. You said something to me and I would like to ask if that's true or what..." tanong ko sa kaniya.
Kumalabog ang puso ko ng tumingin na siya sakin. I gulped, "What did I say?" tanong niya, seryoso.
Napaawang ang bibig ko. What the! Wag niyang sabihing nakalimutan niya na kaagad?! Siya pala ata ang may amnesia, eh!
"You said you like me too...I mean, you said you're serious." sabi ko sa kaniya not letting go of the stare I'm giving to him.
He stared at me for a moment and then a devilish smile formed on his lips, "I said that?" di makapaniwalang tanong niya and then laughed.
Nagulat ako sa sinabi niya at sa tono ng sinabi niya. What was that? What is f*****g happening?
Kahit gulong-gulo ako ay taas noo ko siyang tinignan, "Sinabi mo 'yun sa'kin kagabi. You said you like me, seriously. Hindi ako nagkakamali..." mariin na sagot ko.
Amusement is still evident on his face. Like I was telling such joke here. Damn it. Kumukulo na ang dugo ko sa kaniya. Napipikon ako sa reaksyon niya.
"Hmmm. Sydney Salvador really likes me desperately, ha? I should be proud, right?" tanong niya at ngumisi. Humilig siya sa lamesa at tumingin sakin.
"Did I say I like you, seriously? It was a part of the script in some commercial I'll do. Why would I say that to you?" tanong niya sa'kin.
Napakurap ako. Hindi parin pumapasok sa'kin ang lahat-lahat pero sumasakit na ang puso ko.
"Say, was I awake at that time? My, you shouldn't talk to people who's asleep, Sydney. Be careful..." he said and then stood up.
Pinunasan niya ang bibig niya gamit ang panyo niya, "I should get going now. I'm sorry if you assumed last night. But, I do like you, but as a friend..." seryosong sabi niya at tuloyan ng umalis.
Napaawang ang bibig ko. Parang nanghina ang buong katawan ko. Nanginig ang buong kalamnan ko sa inis. Hindi kay Akiro kung hindi sa sarili ko. f**k!
Umasa ba ako? Umasa ba ako sa sinabi niya? Umasa ba akong totoo ang lahat ng 'yun? s**t! I so f*****g sound like desperate over something. For his feelings. For his heart, but then, why do I feel that I shouldn't be?