Kirt's POV
Pagkatapos ng meeting ay sabay na kami nila Manager pumunta sa shooting place. Sa isang rooftop kami magpho-photoshoot. Street attire ang theme ngayon ng Penshoppe, so I guess 'yun ang ipapasuot samin mamaya.
Nilagay ko ang headset ko sa tenga at nakinig nalang ng music. Katabi ko sa loob ng van si Manager Roa and then at her other side is Akiro. Nasa frontseat si Manager Lim kasama ang driver. Minsan pa nga ay nahuhuli 'kong nagpapalitan ng mapaglarong tingin ang dalawa pagkatapos susulyap sa amin ni Akiro.
Sometimes, our Manager's can be so childish or they just wanted to teased us para magkaroon ng development something. Well, sadly, nagkaroon ng development sa'kin while Akiro doesn't.
Hindi ko tuloy maiwasang sumulyap kay Akiro. He was leaning on the window car and watching the cars outside like it was good to watch. He's wearing a headset too on his ears.
Nagulat ako ng tumingin siya sa direksyon ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at tinutok ang atensyon sa labas ng sasakyan. Pumikit ako ng mariin. What the hell? Ano nalang iisipin nun? The I'm so into him? Duh! But, damn! I feel something wrong about his looks...
Nang makarating kami sa venue ng place. Nakipagbeso sa'kin si Wil ang photographer ng Penshoppe.
"You're still so beautiful, Sydney!" sabi sakin ng medyo girl, medyo boy na si Wil pagkatapos makipag-beso sakin.
Ngumiti ako sa kaniya, "You're still so cute, Wil!" sabi ko and then pinched his cheeks.
Ngumuso siya at hinampas ng palaro ang balikat ko saka hinila, "Halika na nga dito at magpaayos kana doon!" sabi niya at tinulak na'ko sa mga makeup artist at bumaling kay Akiro.
"Akiro, love! Sobrang hot mo parin!" bati niya sa supladong si Akiro.
Akiro just smiled at him at nilampasan siya para makapunta narin sa makeup artist. I don't know kung bakit kailangan pa nilang lagyan ng makeup si Akiro when he's that gorgeous enough. What the hell, Kirt? Just stop complementing that idiot, pwede ba?
Pagkatapos ng napakagandang makeup ko na halos di ko nanaman makilala ang sarili ko, char! Pinagbihis na ako ng street attire na bagong labas ng penshoppe.
Isang mahabang pulang boots ang pinasuot sa akin at isang fitted miniskirt na kulay kahel ng langit and a white sleveless top. Pinasuot din ako ng aviators. They ponytailed my hair so it looks good on me.
Hinihintay ko si Akiro sa labas. Nasa rooftop na kasi kami para mag-shoot. When he went out the door lahat kami halos malaglag ang panga. I mean literal. Si Wil lang ang naglakas loob na tumili saming lahat ditong naghihintay sa kaniya.
Nakasuot siya ng isang navy blue sleeveless and then a leather jacket at isang black ripped jeans. He's wearing a blue kind of aviator while me wearing a pink one. Pinasadahan niya ang kaniyang buhok at tumingin sa direksyon ko.
I swear! It all goes slow motion when he went out the door! It was like a movie scene na kailangan mag-slow motion nung bida. He got the angst and charisma alright.
Halos magwala ang puso ko ng tumabi siya sakin habang nire-retouch kami ng mga makeup artist. "Don't stare too much..." bulong niya sakin.
Biglang napalitan ng inis ang naramdaman kong kilig kanina. Sinamaan ko siya ng tingin, "Excuse me? I'm not staring at you." tanggi ko at saka humalukipkip.
"How come? They're all staring at me like I was the most handsome guy in the world!" sabi niya at ngumisi.
Umirap ako. Wow? Hindi naman siya bipolar, ano? Kanina napakasuplado ng aura ngayon suplado parin ang aura pero nakakainis na. At bakit niya ako kinakausap? We shouldn't talk.
He leaned closer to me kaya medyo nahirapan ang makeup artist na i-retouch pa siya. "You like me so you're staring at me..." bulong niya at pagkatingin ko sa kaniya ay humahalakhak na.
"Ay feeler, tsss..." sabi ko at umirap.
Pumalakpak si Wil, "Let's start now guys! Ready!" sabi niya kaya pumwesto na kami ni Akiro at nagpuntahan sa gilid ang mga makeup artist.
Nung una wala pang touchy touchy dahil ako nakatayo habang si Akiro ay nakapose habang nakaupo. Mayroon pang itutungtong ko ang siko ko sa balikat ni Akiro nung nandoon na kami sa railings.
Lumipat pa kami sa parking area para sa isang motor bike. Sasakay si Akiro habang ako ay nakatayo at nakasandal lang sa motorbike habang nakahawak sa shades namin. This aviators will be bought on Penshoppe too.
Lumipat nanaman kami sa studio upang doon nanaman magphotoshoot. Ngayon ay intimate na ang mga posing namin. Kakabit ako sa leeg niya habang siya naman ay hahawak sa mga bewang ko.
Habang nakalapat ang kamay ko sa leeg niya ay naramdaman ko kaagad ang init niya. Teka? May lagnat ba siya? s**t! Ang init niya! Hindi ko tuloy magawa ang posing ko dahil nakatitig sa kaniya habang nakakunot noo.
"Goodness, Sydney, darling. Wag mo naman kunotan ng noo si Aki. Kay gwapo niyan!" pabirong sabi ni Wil.
Nakita 'kong ngumisi si Akiro. Ngumuso ako, "May lagnat ka..." sabi ko sa kaniya.
Tinignan niya ako at napakagat labi. Hindi siya sumagot ako at tumingin na sa camera sa harap. Nag-pose nalang ako para matapos na'to at makapagpahinga na siya. How long has he been tolerating his fever? Pero bakit parang hindi halata?
Pagkatapos ng shoot ay nilapitan ko si Akiro na ngayon ay nagliligpit ng gamit niya, "Uminom kana ba ng gamot?" tanong ko sa kaniya at humalukipkip.
Hindi niya ako pinansin. Is he trying to hide his fever? "May lagnat ka, naramdaman ko kanina. Mainit ka alam mo ba 'yun?" seryosong tanong ko sa kaniya. I'm so trying not to care pero lumalabas parin.
"Mababa lang 'to..." sagot niya at sa wakas tumingin siya sakin. "Wag kang mag-alala sa'kin..." dugtong niya sabay gulo ng buhok ko pagkatapos nilampasan ako.
Napapikit ako ng mariin. Ang tigas talaga ng ulo ni Akiro. Sinundan ko siya, tutal iisang sasakyan lang din naman kami. "Hindi naman ako masyadong nag-aalala sa'yo. Baka kasi pagdating ng presscon ay may lagnat ka. You should take meds or take some rest..." sabi ko at inunahan siya sa paglakad.
Napakagat labi ako. Do I sound so worried? Kung wala kaming nalalapit na presscon at signing contract para sa new movie namin ay hindi ko siya pagsasabihan ano. Tsss, asa naman siya!
Naramdaman kong may tao sa likod ko. Ang mainit niyang kamay ay humawak sa braso ko, "Thanks for not worrying..." sarkastikong sabi niya and a smirked formed his lips at inunahan ako ng lakad. Ngumuso nalang ako at lihim napangiti. I'm still mad at you...
Nang makarating kami sa BEC Building, Lumabas ako sa van at lumipat sa sasakyan ko. Bago 'yun ay nagpaalam ako kayla Manager Roa at Manager Lim. 7pm na at gutom na'ko.
And then I remember, sino ang mag-aalaga kay Akiro sa condo niya? He's alone and he doesn't have Manang Cecil to cook for him. Or just even a soup would do the trick. Nakita 'kong lumapit na si Akiro sa sasakyan niya.
I don't know how to tell him to come over. Alam kong wala siyang gusto sakin so maybe he'll think I'm desperate. Hay! Bahala nga siya. Maybe susundin niya naman ang bilin ko sa kaniyang bumili ng gamot at magpahinga.
Nang makarating na'ko sa unit ko ay naabutan ko si Manang Cecil na nag-aayos ng gamit niya sa salas. Nang makita niya ako ay nagliwanang ang mukha niya.
"Mabuti naman at umuwi kana, Kirt. Magpapaalam sana ako na umuwi muna sa Naga ngayong gabi. Hahabulin ko ang huling byahe. Nagkasakit ang anak ko at dinala siya sa ospital kanina..." sabi ni Manang.
Agad akong tumango, "Of course, Manang. Pwede po..." malungkot na tugon ko. I'm sad for her child. Uso naba ngayon ang sakit? Well, I hope Aki won't end up in the hospital.
Tumango siya, "Salamat, hija. Nanindahan na'ko at nag-groccery para sa'yo. Nagtext sa'kin si Akiro na nilalagnat siya. Ang sabi ko ay pumunta lang siya dito para kunin ang sopas na niluto ko para sa kaniya. Nasa microwave lang, ayos lang ba 'yun sa'yo?" tanong niya sakin.
What? Sinabi niya kay Manang? I can't believe, Akiro! Well, I can't blame him dahil wala ngang mag-aalaga sa kaniya. I can take care of him but unlucky him I'm not his girlfriend.
Ngumiti ako kay Manang, "Ayos lang sa'kin. May pera ba kayo diyan?" tanong ko sabay dukot ng wallet ko sa bag.
"Mayroon pa akong pera dito, Kirt. Wag mo kong alalahanin..." sagot ni manang.
Ngumuso ako, "Pero manang. You need this. And don't be shy to ask for some kung kulang kayo ng pera sa ospital..." sabi ko sabay abot sa kaniya ng three thousands.
Bumuntong hininga si Manang, "O sige na nga. Basta mag-ingat ka dito. Binilin kita kay Akiro." Sabi niya at ngumisi.
"Manang naman, eh. I can take care of myself. Atsyaka baka umuwi rin ako samin. Miss nako nila mama at papa, eh." Sagot ko.
Tumango siya, "Mabuti yun. Ikamusta mo nalang ako sa Mama mo ha?" sabi niya sabay rapik ng balikat ko. "Salamat dito..." dugtong niya at niyakap ako.
Pagkaalis ni Manang Cecil ay nilapitan ko kaagad ang microwave at binuksan. Sabi ni Manang pwede naman akong kumain ng sopas na niluto niya para kay akiro kaya ininit ko ang sopas sa microwave kasi lumamig na.
Habang nag-iinternet ako sa salas at hinihintay matapos mainit ang sopas ay biglang may nag-doorbell. Lumapit ako sa pintuan at sinilip sa fish hole kung sino ang nasa labas. And there I saw Akiro with his thick jacket.
Binuksan ko ang pinto. At first, he was shocked pero di kalaunan ay nawala na'yun. "Nakaalis na si Manang?" tanong niya, kung kanina ay medyo lively pa siya kahit may sakit pero ngayon halatang halata na siyang may sakit.
Tumango ako sa kaniya, "Yup and she told me she cooked sopas for you. Kasalukuyan ko siyang iniinit. Pasok ka..." sabi ko sa kaniya at binuksan ng malapad ang pinto.
Tumango siya at pumasok. Hininaan ko ang aircon para di siya masyadong lamigin. Sumunod siya sakin sa kusina. Tamang-tama at tapos na ang pag-iinit ko ng sopas.
"Umupo ka lang diyan at ihahanda ko lang 'to..." sabi ko at nagsuot ng thick gloves para kunin ang mainit na sopas sa loob ng microwave.
I place the sopas in the table. Kumuha ako ng dalawang bowl and a spoons. Nang tumingin ako sa kaniya ay pinanonood niya ang mga kilos ko kaya medyo di ako komportable.
Umupo na ako sa harap niya. He is looking at me kaya kumunot ang noo ko. "What?" tanong ko sa kaniya sabay sandok ko ng sopas para sa bowl ko.
"Manang Cecil cooked this just for me so why are you eating what's mine?" tanong niya and I don't know if he's serious or not.
Kumunot ang noo ko, "are you for real? Yung mga ingredients ay galing sa'kin. Buti sana kung nagbigay ka ng pera kay manang to cook for you." sabi ko sabay hipan ng sopas.
Nanliit ang mata niya, "Nagbigay naman talaga ako..." sagot niya at sumandok narin ng sopas at nilagay sa bowl niya.
Umirap ako at inusog ang bowl palayo sakin, "Edi sayo na." sagot ko at tumayo na. Maghahanap nalang ako ng pagkain sa ref. Sandwhich will do!
"Uy joke lang!" sabi niya and I can hear his footstep papunta sakin.
"No, I insist. Sayo nayan. It's your money and I have nothing to do with it. Kumain kana lang..." bitter na sagot ko sabay bukas ng ref at kumuha ng loaf bread and peanut butter. Sobrang gutom na talaga ako.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko at mahina akong hinila paupo. Hawak ko parin ang loaf bread at ang peanut butter. Inusog niya palapit sakin ulit ang bowl. "Kumain kana. I was only joking, masyado kang seryoso..." sabi niya at bahagyang humalakhak.
Ngumuso ako, "But, I am serious, Akiro..." seryosong sabi ko sa kaniya at pinalamanan na ang loaf bread ko.
Bahagya siyang natigilan pero "Kumain kana or else I won't eat my food. Ikaw din, may sakit ako..." banta niya
Pinanliitan ko siya ng mata. Binaba ko ang loaf bread ko at sinimulan ng kainin ang sopas. Ngumiti lang siya ng malapad sakin at kumain na. Ugh! Pasalamat talaga siya may sakit siya kung hindi ay di ko naman siya susundin.
Nang matapos siyang kumain ay dumiretsyo siya sa salas at humiga sa sopa. Naghugas ako ng pinggan bago siya puntahan sa salas.
"Di ka pa uuwi?" tanong ko at humalukipkip.
Naabutan ko siyang nakapikit at yakap ang sarili. Tulog na ata siya, eh. Napailing nalang ako at kumuha ng spare blanket sa kwarto para magamit niya. At dahil tulog na siya ako na ang nagkumot sa kaniya.
Matapos ko siyang kumutan ay di ko mapigilang mapatitig sa mala-anghel niyang mukha. Umupo ako sa carpeted floor para titigan siya. Ang singkit niyang mata at ang manipis niyang bibig na mapula. Alam kong marami nang nahalikan si Akiro and I know I felt his lips against my lips but I know it wasn't true. Lahat 'yun ay arte lamang. I know there's no feelings attached but I am the one who fell for that act.
Tatayo na sana ng hawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Ang akala ko ay tulog na siya.
"I told you, I'm serious too..." sabi niya habang nakapikit parin. Para siyang nagsle-sleep talk.
Kumunot ang noo ko, "Anong pinagsasabi mo? Gising ka pa ba?" tanong ko sa kaniya sabay pindot ng pisnge niya.
"I like you, seriously..." dugtong niya pa. Hanggang sa binitiwan niya na ang kamay ko.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Anong sabi niya? Seryoso? Gusto niya rin ako? Napakagat labi ako at ngumiti ng malapad. Damn this guy! Makakatulog pa kaya ako nito? Parang kinikiliti ang puso ko at parang nagpaparty na ang mga paru-paro sa tiyan ko.
Third Person's POV
"Well she's a brunette. She's pretty and smart, Kuya." sabi ni Joshua kay Dewlon habang nasa kwarto sila naglalaro ng wii.
Ngumisi si Dewlon, "Well do you really like her?" tanong niya sa kapatid.
"Well...not that much. I really don't know her a lot. And I want to find someone like Ate Kirt..." sagot niya.
Natigilan si Dewlon at tumingin sa kapatid na seryoso sa nilalaro, "Oh! Kuya! You're already dead!" sabi niya kay Dewlon kaya naman napatingin si Dewlon sa flatscreen at nakitang patay na ang nilalaro niya.
His attention was distracted by his brother's last words. "Why do you want that?" tanong niya.
Tuminginn si Joshua kay Dewlon. "Ate Kirt isn't that beautiful at first, she's not that smart too...but she has a good heart. And that's what I want." sagot ni Joshua at ngumiti.
Tumango si Dewlon at tinapik ang buhok ng kapatid. Mabuti nalamang at hindi masyadong nagalit ang kaniyang bunsong kapatid sa kaniya. Maayos na ang lahat pero si Jewel ay mailap pa sa kaniya. She wouldn't look at Dewlon's eyes.
Biglang tumunog ang cellphone ni Dewlon kaya agad niya itong sinagot. Tumayo siya at lumapit sa isang bintana.
"Yes, hello?" bungad ni Dewlon sa kabilang linya.
"Dewlon! This is Everson! How are you, bro!?" tanong ni Everson sa kabilang linya.
Umiling-iling si Dewlon, "Why did you call? What do you need?" diretsyong tanong nito.
Humalakhak siya sa kabilang linya, "You're hard, bro! I called because I care, ya'know!" sabi niya at medyo tumawa na may halong kaba.
Napailing si Dewlon at nakinig sa kaibigan, "And, I want to inform you that when are you coming back here? Did you know I was assign to train a celebrity how to be a doctor?" patanong na sabi niya.
"Maybe, I'll be resigning when I came back. I need to take my obligation here in our company..." sagot ni Dewlon.
"What!? Seriously!?"gulat na tanong nito.
"Yeah, so tell me now why you called. I know you need something for me. I know you..." seryosong sagot ni Dewlon.
Natawa si Everson, "You really know me. Well, Ylena said she will only date me for one day if I'll give your number to her, so can I gave it to her? Just one date, bro!" pagmamakaawa nito kay Dewlon.
Napailing si Dewlon, "No way." malamig na sagot ni Dewlon at saka binaba ang linya.
Ylena is beautiful and sexy. She's been good to him, but he's not interested with her feelings. Ayaw niya ng makasakit pa.
Papatayin niya na sana ang kaniyang cellphone ng biglang may tumawag sa kaniya. He was surprised when he saw who's calling.
Grai calling...