Kinabahan ako dahil ang daming estudyante sa labas. Tapos na ata silang mag-exam lahat, eh.
Nang mapatingin ako sa lalakeng matangkad, itim ang buhok kaya mas lalong nag-depina ang kaputian niya. Sobrang gwapo niya! Halos lahat ng nadadaanan niyang babae ay napapalingon sa kaniya at naiiwang half open ang bibig.
Malayo pa lang siya pero halos manisay na ang tuhod ko, parang gusto ko nalang magtago sa bag ko dahil sa nerbyos. Magtatapat na ba talaga ako? Parang hindi ko ata kaya! Back out na kaya ako?
Naramdaman ko ang pagyugyog ni Jayren sakin, "Omygosh, Kirt! Andyan na si Prince Charming, mo!" tili niya.
"Dali, harangin muna!" sabi ni Vg habang tinutulak ako sa papalapit na papalapit na lalake. Wala siyang pakialam sa mga taong nadadaanan niya. Diretsyo lang ang tingin sa labas ng gate.
Mas kinabahan ako ng malapit na talaga siya sa banda samin at bigla naman akong tinulak nila Jayren sa kaniya. Kaya bigla nalang ako nangudngod sa lupa.
"Oh s**t!" boses ni Warren.
"BAKIT MO TINULAK?"
"DALAWA KAYA TAYO!"
WAAAAAAAH! Inangat ko ang ulo ko kung kaya't napatingin ako sa sapatos sa harap ko. Sapatos niya ito! OMYGOSH! At yung nguso ko! OMG! Nakahalik ako sa sapatos niyaaaaa! Waaaaaaaah! Achievement!!!
Naramdaman kong pinatayo ako nila Jayren. Shete naman! Ninanamnam ko pa, eh! Kaharap ko na ngayon ang prince charming ko at ramdam ko ang ibat-ibang matang nanonood sa eksena ginagawa ko.
Tinignan niya lang ako at hinead to foot, tapos nilampasam lang niya ako.
"Dewlon!!" sigaw ko.
Bigla akong napabangon at halos hingalin ako dahil sa napanaginipan ko. Tagaktak ang pawis ko at kahit malakas ang aircon ay basang basa ako ng pawis.
Ano 'yun? Panaginip ba 'yun o isa sa mga nakalimutan ko? Nasa isang paaralan kami kasama ko ang mga kaibigan ko pero may sinasabi silang prince charming.
"Oh, ayos ka lang?" tanong ni Manang Cecil. "Himala at gising kana..." dugtong niya.
Hinahabol ko parin ang paghinga ko. "Ano bang nangyari sayo? Bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong ni Manang ng umupo siya dulo ng kama ko.
Napapikit ako ng mariin, "Hindi ko alam, Manang. Hindi ko alam kung panaginip ba 'yun o isa sa mga nawala kong alaala..." sagot ko.
Bumuntong hininga si Manang, "Kung isa yan sa mga nawala mong alaala edi mabuti. Sumasakit ba ang ulo mo?" tanong niya.
Umiling ako, "Di naman po masyado..." sagot ko at bumangon na.
Tumango si Manang, "Mabuti pa at mag-ayos kana para makakain ka ng almusal." sabi ni Manang at lumabas na ng kwarto ko.
Habang nag-sho-shower ako hindi ko parin maiwasang isipin ang nasa panaginip ko. Sayang at agad kong nakalimutan ang pangalang tinawag ko. Hindi ko na maalala pero ang alam ko siya ang prince charming na tinutukoy ng mga kaibigan ko sa panaginip.
Pagkatapos kung kumain ng almusal kasama si Manang Cecil ay dumiretsyo ako sa cake shop ni Vg. Alam kong sa mga oras na ito nandoon 'yun at nagbubukas ng shop niya.
Sumakay ako sa puting sasakyan ko. Isang puting hyundai tucson. Akiro taught me how to drive. If only we can turn back the time na okay pa kami. Hay...
Humalakhak ako habang mabilis kong pinapaandar ang sasakyan."Holy s**t, slow down, Kirt!" puna ni Aki habang sinusubukang hawakan ang kamay 'kong nasa manibela.
Lumakas ang tawa ko dahil sa nerbyos sa mukha niya, "C'mon, Aki. Para namang may mababangga akong sasakyan dito..." sagot ko at diniinan ang pagtapak sa speed.
Nandito kami sa isang ghost town kung tawagin dahil walang napuntang sasakyan at pinaliligiran ng mga puno at kakaonte lang ang bahay. Akalain mong nakarating pa kami ni Akiro sa lugar na'to. Wala na ata kami sa Manila.
"Yes, but, there's still trees at baka mabunggo tayo..." malambing na sabi niya sabay hawak ng kamay ko at ang kamay 'kong nakahawak sa kambyo.
Agad niyang binaba ang speed sa kambyo at saka niya pinatay ang sasakyan.
"Hey!" singhal ko.
Napailing si Akiro,"Marunong kana so ako na ang magmamaneho pauwi..." sabi niya at bumaba sa sasakyan.
Napangiti ako at pinaandar muli ang sasakyan at iniwan siya. Nakita ko sa side mirror na hinahabol niya ako. Tawa ako ng tawa habang pinapanood siya.
Nang makalayo-layo ako at hindi ko na makita si Akiro. Lumiko ako para balikan siya sa lugar kung saan ko siya iniwan pero pagkadating ko roon ay wala na siya.
Napakunot noo ako. Nakita ko ang panyo niya sa daan. Bigla akong kinabahan. Nakarinig ako ng mga pakpak ng mga ibon na palipad.
"Hoy, Akiro! Asan kana!?" sigaw ko at ginala ang tingin ko sa mga puno. Wala ngang mga bahay.
Dinalaw na'ko ng kung anu-anong imagination. Baka kinuha siya ng kung anong nilalang? Mga hathor kaya? Mga ravena? o kaya naman mga aswang?
"Hoy, Akiro! Lumabas kana nga diyan! Sige ka uuwi nako mag-isa! Nakakatakot na kaya dito!" sigaw ko habang humahakbang ako palapit sa kotsye niya.
Papasok na sana ako ng may naramdaman akong kaluskos sa kabilang gilid ng sasakyan. Takot man ay sinundan ko ito. Hanggang sa parang nakikipaglaro na ito sakin.
Naiiyak nako. Anong klaseng nilalang ba ang nakikipaglaro sakin? Naramdaman kong gumalaw ang nilalang na'yun kaya naalarma ako.
Sisilipin ko na sana ng biglang may yumakap sakin galing sa likod at bahagya pa akong umangat kaya napatili ako ng napakalakas na ang mga ibon sa mga puno ay nagsiliparan.
Napapikit ako ng mariin. Dadalhin naba ako ng nga hathor sa encantadia?! Well, hindi naman bad news yun pero! Hindi naman ako sanggre o kaya naman diwata!
Rinig ko ang malakas na pagtawa ng isang pamilyar na boses. Dinilat ko ang mata ko at nakitang si Akiro ang nakayapos sa bewang ko.
Bigla akong nairita kaya hinarap ko siya at hinampas hampas."Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!" iritadong tanong ko sa kaniya.
Nakatawa parin siya kaya sinuntok ko siya sa braso. "Ikaw nga 'tong nang-iwan, eh!" sabi niya.
Humalukipkip ako, "It's because I want to have fun..." sagot ko at ngumuso.
Sumandal siya sa pintuan at ngumisi "And I only wanted fun too. Sakay na!" sabi niya at pumasok na sa driver's seat.
Ngumuso pa 'ko lalo at naglakad na papasok sa front seat. Lihim akong napangiti. Niyakap niya ako kanina!
Napailing nalang ako sa naalala. Nang makarating ako sa shop niya ay agad akong pumasok sa loob. Tama nga ako at naroon siya kinakausap ang mga tauhan niya.
Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti at pagkatapos niyang kausapin ang tauhan niya ay lumapit siya sakin. Mabuti nalang at wala pang customer dahil kawawa ako, pero nakapang-disguise naman ako kaya hindi ako makikilala.
"Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" tanong niya sakin at ayan nanaman ang malapad niyang ngiti.
Ngumiti ako sa kaniya, "May gusto lang sana akong itanong..." sabi ko.
"Ano ba 'yang tanong mo at bakit pumunta ka pa dito sa shop ko?" tanong niya at iginiya ako sa isang table.
Umupo kami doon, "May napanaginipan kasi ako, eh. Kasama kayo nila Jayren sa panaginip ko tsyaka...tsyaka ang dating school natin..." sabi ko at napalunok.
Natigilan si Vg kaya napakunot noo ako. "Sa school natin? Ano naman napanaginipan mo?" tanong niya at nag-iwas ng tingin.
"Prince charming. May tinatawag kayong prince charming ko..." seryosong sagot ko.
Bahagyang nanlaki ang mata ni Vg pero agad siyang nag-iwas ng tingin. Bakit pakiramdam ko may tinatago sakin si Vg? Na parang may alam siya pero ayaw niyang sabihin sa'kin.
"Are you hiding something from me?" seryosong tanong ko sa kaniya.
Napailing si Vg, "W-wala. Ba't mo naman nasabi 'yan? Yung prince charming mo? Syempre crush mo 'yun dati! Tsyaka hindi ka naman napansin nun, eh!" sabi niya at humalakhak.
Napabuntong hininga ako at pinilit ngumisi. Alam ko sa sarili ko na may tinatago siya sakin. Hindi ako manhid para hindi maramdaman.
"Ganoon ba? Siguro hindi ko na siya kailangan pang alalahanin..." sabi ko at tipid na ngumiti.
Pilit siyang ngumiti, "Sige, mauna nako. May photoshoot pa 'ko, e." sabi ko sabay tayo at tinalikuran na siya.
"Kirt!" tawag niya kaya tumigil ako at nilingon siya.
Bumuntong hininga siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Wag mo munang pilitin ang sarili mong makaalala. Baka ikasama mo..." sabi niya.
Ngumiti ako sa kaniya at kumaway saka ako tuloyang makaalis. Pagkapasok ko sa sasakyan ko sumandal ako sa manibela.
Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang si Manager Roa ang tumatawag. Napapikit ako ng mariin bago sagutin ang tawag.
"Hello, Manager?" tanong ko sa kabilang linya.
"Goodness! Buti naman sinagot muna, Sydney. I just want to remind you na mayroon tayong meeting with Direk Mela sa sinasabi niyang bagong movie ninyo ni Akiro..." sabi niya.
"Sure, what time nga 'yun? May pupuntahan pa kasi ako, eh." tanong ko sabay kalkal sa drawer ng sasakyan ko finding something.
"Around 12. May photoshoot pa kayo ni Akiro mamayang 3pm. Gosh, where's your assistant ba, Sydney?" inis na tanong niya.
"Doon ko na siya pinapunta sa shooting place, Manager." sabi ko habang naghahalungkat parin sa drawer.
Asan na ba kasi 'yung i.d ko sa dating school ko noon? Binigay 'yun sakin ni Mama noon, eh.
"Okay, sige. Basta, don't forget. Try contacting your boyfriend baka makalimutan niya..." panunukso niya.
Umirap ako, "He's not my boyfriend, Manager. Tsss..." inis na sabi ko.
May nahulog na mga papel galing sa drawer kaya naman inipit ko ang cellphone ko sa tenga at inabot 'yung nahulog na papel sa baba.
Rinig ko ang halakhak ni Manager sa kabilang linya, "Papunta na kayo doon. Alam mong mas kikita kayo ng pera kung totohanin niyo na diba? Mas lalong mababaliw ang mga fans niyo!" sabi ni Manager.
"Manager naman, eh. Ayoko na pong madyahe." sagot ko. "Sige na, Manager. Ibaba ko na 'to, ha. Bye!" dire-diretsyong sabi ko at pinatay ang linya.
Napabuntong hininga ako. Ito talaga ang ayaw ko, e. Ang may makiusyoso pa sa buhay ko. But, Manager Roa isn't different to me pero kasi. Ugh! Wag lang kasi Akiro, eh. Kapag tina-topic si Akiro nababadtrip ako, eh.
At isa pa, ayokong mas kumita kami ng pera dahil sa isang kasinungalingan lang, ano! Paano naman ako na may totoong nararamdaman para sa kaniya? Edi kawawa ako.
Lumabas ako ng sasakyan at lumipat sa kabila para mahanap ko ng tuloyan yung hinahanap ko. Pupuntahan ko ang school namin noon. Malayo-layo pero kakayanin ko. Maaga pa naman at siguro naman ay makakaabot ako sa photoshoot. Haaay.
Nang makita ko na ang i.d ko ay halos matawa ako sa pagmumukha ko noong high school ako. Nag-aaral ako sa Lukefore High School. Cute naman ng bangs ko tsyaka yung earings ko pero wala man lang kulay ang lips. I really look like a zombie.
Habang nagmamaneho ako papunta sa dating school ko ay sinilip ko ang isang malaking billboard na kinakabit palang pero patapos na.
Isang lalakeng nakasuot ng black suit. Nakahawak siya ng wine glass na may lamang alak. He's endorsing an expensive wine. Jeiko Karlo Valerio ang pangalan ng lalakeng 'yun. Sa baba ng kaniyang pangalan ay isang malaking pamagat na 'one of the most richest bachelor in Asia'
Wow. Ang bata niya pa pero sobrang yaman niya na. Wala pa ata sa kalahati ang ipon ko sa inipon niyan. Gwapo na nga at nakikita ko sa magazine na macho pa! Balita ko nga ay malapit na siyang i-engaged. Showbiz din kasi ang lalakeng 'yan.
Naalala ko pa nung nagkita kami sa isang party. May kasama siyang babae na sobrang ganda, na aakalaing mong isang artista. Nginitian niya lang ako so I smiled too.
Sanay naman akong nginingitian. They know me so even though I don't really know them, ngingiti nalang ako para hindi akong maging rude.
At halos matawa ako ng makitang halos magkasunod lang ang billboard niya sa billboard namin ni Akiro sa penshoppe. At yun ang papalitan namin ngayon sa photoshoot. Yun ang ipapalit sa billboard namin dito sa Makati.
"Oh, s**t! Nasa Makati parin ako? 9AM na! Ugh!" sabi ko sa sarili at lumiko pabalik sa BEC. Ba't nakalimutan 'kong nasa Manila nga pala ako at usong-uso dito ang traffic kahit wala ako sa EDSA? Tsss...
Nang makarating ako sa BEC Building kumain muna ako sa isang restaurant sa loob para di na'ko kumain pa sa labas kung saan kailangan ko pang mag-disguise ng bongga para hindi ako makilala ng mga tao. Mabuti nalang talaga may mga restaurant sa loob.
Habang naghihintay ako ng order ay nakita 'kong pumasok si Heero at si Arianna sa loob. Akala ko kasama nila ang iba pero silang dalawa lang pala. Nakasukbit ang kamay ni Arianna sa braso ni Heero at parang may sinasabi kay Heero ngunit tipid itong ngumiti at umiling.
Si Heero ang unang nakapansin sa'kin ng makaupo sila sa kabilang side kung saan ang table ko. Nag-iwas lang siya ng tingin sakin at piankinggan ang sinasabi sa kaniya ni Arianna.
Nag-iwas nalang din ako ng tingin. Why is that I feel that may problema sakin si Heero? I don't remember any past--wait! Don't tell me he's part of my memories back then?
But, then I remember may napanaginipan ako bago ako mawalan ng ulirat sa dibdib ni Akiro nung recording session namin nung isang araw ng Kismet band.
I remember I uttered Heero's name to someone but I can't remember the whole thing and I can't remember kung kanino ko 'yun sinabi. It's like he's jealous about Heero. I don't know...I'm so confused.
Nakaramdam nanaman ako ng pangingirot sa ulo ko. Kaya matapos akong kumain ay tahimik akong umalis roon pero bago 'yun nagtama ang mga mata namin ni Heero.
Time will come kakausapin ko siya. Maybe I can find answer with all the unknown dreams. All this time, hindi ako nagkaroon ng interes sa nakaraan ko dahil sabi ni Mama hindi naman 'yun kailangan.
Boring ang buhay ko noon. Sila Vg, Jayren, Warren at Joseph lang din naman ang mga kaibigan ko noon at wala ng bago. Dito lang naman ako sa Manila tumira at wala na pero ngayon...
I'm done. I'm done staying unknow of my past. Gusto 'kong malaman. Gusto kong may malaman pa ako sa nakaraan ko kasi sa tingin ko matagal na'kong naging sarado sa pwede 'kong maalala pa.
"Well, so you can see, lahat ng sikat na love team ngayon ay nagshoshoot sa ibang bansa. Well, halos ubusin na nga nila ang mga sikat na bansa." sabi ni Direk Mela sabay tawa.
Nakitawa ang dalawang Manager habang kami naman ni Akiro ay tahimik lang nakikinig. Still, I'm not talking to that guy at kahit siya wala ding planong makipag-usap sakin pero wala kaming magagawa dahil mayroon nanaman kaming movie project.
"So, naisipan 'kong sa Australia ta'yo, mag-taping. Very dramatic a genre...a love story that will touched their heart." sabi pa ni Direk Mela.
Tumingin si Direk sa'kin. "Loving, Sydney. That's the title!" nakangiting sabi ni Direk sabay tingin kay Akiro.
Kumunot ang noo ko pero di ko maiwasang mamangha, "Loving, Sydney? Bakit ganoon amg title, direk?" tanong ko.
Ngumisi si Direk, "Because, sa Sydney mismo tayo mag-tataping! Next week na ang presscon and signing of contract and later I'll give the script and all." sagot niya.
Napatango ako at napahilig sa inuupuan ko. Woah. Sydney, Australia. I wonder what will happen when we got there?