Kirt's POV
"Grabe, girl! Ang swerte mo talaga!" kinikilig na sabi ni Vg matapos kung sabihin sa kaniya tungkol sa Kismet.
Narito kami sa starbucks sa baba ng BEC. "Paano naman ako naging swerte? Marami na'kong nakasamang mas gwapo pa sa kanila." sabi ko at sumimsim sa kapeng inorder ko.
Napairap siya, "Oh edi ikaw na! Crush ko kasi si Heero Sandoval! Ang swabe ng boses, ang hot ng dating at ang yummy ng katawan!" sabi niya habang nakapikit at napakagat labi.
Binatukan ko siya, "Ang manyak mo!" sabi ko sabay tawa.
Tumawa rin siya, "Kung si Heero lang din naman, ayos lang tawaging manyak." biro niya at kumain na ng cake na inorder niya.
"Alam mo? Nagtataka lang ako. Sa tagal kong nagpe-perform sa COS (Concert of the Star) hindi ko pa sila nakakasalubong o nakikitang mag-perform. Kahapon lang..." sabi ko sabay kain din ng cake ko.
Nanlaki ang mata niya, "What!? As in really?! Kapag nakikita ko ang Kismet sa COS kasama kita, ah? pero kunsabagay ay na kay Akiro lang naman lagi ang atensyon mo." panunukso niya.
Umirap ako, "Pwede ba? Don't mention his name. Wala kaming trabaho ngayon together kaya day off ako ngayon." sagot ko.
Natawa nalang siya at umiling-iling. Nangalumbaba ako at pinaglaruan ang cake na nasa pinggan.
"You know, there's something about Kismet that I don't understand..." sabi ko at tumingin kay Vg.
Humalakhak siya, "May something talaga kasi puro sila gwapo tsyaka pretty din 'yung babae. Perfect band na ata sila, e!" sagot ni Vg.
Napailing ako, "Hindi, eh. Para kasing...para kasing may alam sila tungkol sa'kin. Sa nakaraan ko..." sagot ko.
Nawala ang ngiti ni Vg at napalitan ng seryosong ekspresyon. "Ayan ka nanaman. Baka mamaya niyan magaya ka nanaman dati na bigla nalang nahihimatay dahil lagi mong pinipilit makaalala..." nag-aalang sabi niya.
Ngumuso ako, "Nagtataka lang naman ako, pero siguro guni-guni ko lang ito." sabi ko trying to convince myself that it was nothing.
"Alam mo kasi, Kirt--ah este Sydney. Sikat kana ngayon. Walang tao dito sa Pilipinas na hindi ka kilala, okay? Wala, kaya wag kanang mag-isip ng kung ano." seryosong sabi ni Vg.
Tumango nalamang ako. Kapag seryoso na si Vg kailangan sundin mo siya at magtiwala ka sa kaniya. Siya ang naging kasama ko nung mga panahong walang-wala ako. Na parang nangangapa ako sa mundong ito dahil wala akong maalala.
Sila Jayren ay nasa abroad na nag-aaral. Si Warren naman ay doon na nakatira sa probinsya dahil mayroon silang farm. Si Joseph naman ay drug adik ma daw sabi ni Vg kaya si Vg nalang ang mayroon ako. Sila daw ang mga kaibigan ko noon nung high school pero hindi ko parin sila maalala.
"Oh! Alis nako, girl! May trabaho pa 'ko. Alam mo na basta maganda maraming offer!" natatawang sabi niya at tumayo na.
Tumingin siya sakin at ngumiti ng malapad, "Tinext ko si Aki na nandito ka. Siguro papunta na'yun!" sabi niya at kumaway na sakin at umalis.
Napaawang ang bibig ko. What? Anong sabi niya? Sinundan ko ng tingin at papalabas na si Vg at di pa siya nakakalabas ay pumasok na si Akiro sa loob.
Nagbeso sila at nagbatian. Tinuro ako ni Vg kaya nagtama ang mga mata namin ni Akiro. s**t! Walang hiya talaga tong si Vg, oh! Alam niya namang badrtrip pa 'ko sa lalakeng to, eh!
Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain ko. Uminom ako ng kape habang sinusulyapan siyang umupo sa kinauupuan ni Vg kanina. Sa tabi ko.
He ordered his coffee and a toasted bread. Tahimik siya kaya tahimik din ako. Anong akala niya? I'll be the one to open a topic? Duh!
I thought kakausapin niya ako kaya nandito siya. I mean, finally we'll talk about us, pero parang mapapanis lang ang laway ko dito. Pumunta siya para kumain lang at hindi kausapin ako. What am I thinking? Ang mabuti pa iwan ko na siya dito.
Tumayo na ako at aalis na sana ng hawakan niya ang kamay ko. Nakakunot noo akong tumingin sa kaniya. Hawak niya ang kamay ko ngunit di siya nakatingin sakin kundi sa kape niya.
"Are you really that impolite to leave someone who came all over here just to eat with for breaksfatst?" seryosong tanong niya at saka siya tumingin sakin ng seryoso.
Nag-alab ang dugo ko sa sinabi niya. "Well then, I'm sorry if I didn't know you we're with all this time. Hindi kasi kita napansin, e. Sana nagsalita ka man lang para malaman kong nandyan ka lang pala," sabi ko at marahas na inalis anhpg kamay ko na hawak niya.
Aalis na sana ako ng magsalita siya. "Stay here or you want me to chased you hanggang sa maging issue ito. You want that?" banta niya.
I rolled my eyes and crossed my arms. Humarap ako sa kaniya. Wala akong magagawa kundi ang umupo ulit sa upuan ko at tumingin sa kaniya na may mala-demonyong ngiti.
Alam na alam niya talaga kung paano ako pagbantaan. Alam niyang ayokong naiintriga. I don't want other people to talk about my issues! Tumingin si Akiro sa paligid namin only to realize na marami na palang nanood sa amin.
But, luckily, there are all professionals at kalaban sa kanila ay nagtatrabaho sa BEC so safe naman. Hindi lang safe sa labas dahil minsan may mga paparazzi nagkalat.
"Ano bang gusto mo? May trabaho pa 'ko..." sabi ko sa kaniya.
Humilig siya sa upuan at humalukipkip, "I just want us to talk, why are you kept on nagging me? Bakit lagi nalang mainit ulo mo sakin?" tanong niya.
Nag-iwas ako ng tingin. I can't afford to look at his eyes. "Simply because I hate you..." mariin na sagot ko.
"You know, you can't hate me forever, right?" bulong niya at naramdaman ko na malapit na siya sakin. Damn!
Tumayo ako. He's f*****g doing a scene here! Maiintriga nanaman kami. Ayoko ng bumalik kay Tita Gerl ano!
"Just stay away from me this time, Akiro. Matitiis ko kapag may trabaho tayo pero kapag wala. Please, just stay away..." sabi ko at nag-iwas ng tingin. I am now half begging for him to stay away.
I don't know why I want him to stay away when I want him to stay by my side. Siguro kasi hindi naman kami pareho ng nararamdaman so anonpa ang saysay?
Napailing siya, "I don't know what's gotten into you, Sydney. You said you like me and when I said it back you denied it?" di makapaniwalang sabi niya.
Napapikit ako ng mariin, "You know why I'm acting like a brat? Do you know why I want you stay away from me? Because when I told you I like you, it is true. But when you told me you like me too, it wasn't." seryosong sabi ko at tuloyan ng umalis leaving him speechless.
Mabilis akong pumasok sa building at sumakay ng elevator. Isasara ko na sana ng may pumasok pa. It was another kismet member. Heero Sandoval. Kaming dalawa lang ang nasa loob and I don't want to be rude or something. Magkatrabaho naman kami so...
"Hey, Heero right?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sakin at tumango. He didn't smile or what. He looked at his watch in his wrist and didn't talked to me. Well, then, fine. I just don't want to be rude that's all. At least, he is the one who's rude.
I don't think magiging magkaibigan kami ng lalakeng to. He's super cold. Mas malala pa siya kay Akiro, grabe!
Wala parin siyang imik hanggang sa makarating kami sa tamang floor at sabay kaming pumasok sa recording room kung saan kami mag-rerecord ng kanta. Kismet featuring Sydney Salvador.
Lahat sila nagulat nung sabay kaming pumasok ni Heero. Lalo na ni Arianna. "Heero! Sydney!" tawag ni Arianna at lumapit samin.
Nakipagbeso si Arianna sakin at saka kay Heero, pero bakit parang ang sweet ng besohan nila? Kumapit pa si Arianna sa braso ni Heero. Oh! So that's explain why. Arianna and Heero. Vg will be so broken hearted if she know.
Nabother ako sa titig ni Heero sakin. Malamig at seryoso. Hindi ko alam kung may atraso ba ako sa kaniya or what.
"Let's start!" sabi ng recording director.
Pumwesto na silang lahat. Pumasok na kami sa loob at nilagay ko na sa tenga ko ang headset at tumutok sa microphone. Pumwesto 'yung Mixx sa drumset, tapos yung dalawa sa gitara at ganoon din si Heero pero kakanta siya.
"Parang dejavu..." rinig kong sabi ni Mixx.
Sinenyasan kami ng director na mag-umpisa na kaya tumingin ako kay Heero dahil siya ang mauunang kumanta. Ang totoo niyan, wala naman talaga akong malaking part dito sa kanta. Kailangan lang talaga ang boses ko sa kanta nila. Taray!
"And the conversation was right..."
"Underneath the shade of moonlight..."
"You were standing there, with sun-touched hair..."
"And your dress the color white..."
Nakapikit siya na parang dinadama ang kanta. Nang dumilat siya ay agad nagtama ang mata namin pero agad siyang nag-iwas ng tingin at tumingin sa harapan. Kay Arianna...
"Like an aeroplane, I took flight..."
"Fell in love with you that first night..."
"Cause you danced with me..."
"And I could see that there was more to life..."
Nakaramdam ako ng kung anong kirot sa ulo ko. Na parang nangyari nato noon. Hindi naman bago sakin ang pagkanta? Pero bakit ganito? Tiniis ko ang sakit at pinilit kumanta.
"I'm falling...I'm falling..."
"In love with you..."
"I'm falling...I'm falling..."
"In love with you-ooh..."
Napapikit ulit ako sa sakit ng ulo ko. Napansin siguro ni Heero ang pagngiwi ko kaya tumingin siya sakin na may tanong sa mga mata ngunit patuloy siya sa pagkanta.
"Just before the strike of midnight..."
"You said this could be the good life..."
"And you say goodbye, hope that I get to see you soon..."
Habang pinakikinggan ko ang maganda niyang boses ay parang may kung anong humihila sa ulo ko. Para akong nahihilo na kung ano. Lalo na ng tumingin muli siya sakin. Titig na titig. Puno ng pananabik at puno ng lungkot.
"Then I walked for several miles..."
"Couldn't rid me of my smile..."
"Cause you found me and I found you..."
"In this lovely month of June..."
Kahit sobrang sakit ng ulo ko pinilit ko paring tapusin ang parte ko. Nakakahiya naman kay Direct kung ako pa ang maging dahilan ng pagkasira ng recording session nila.
"I'm falling...I'm falling..."
"In love with you..."
"I'm falling...I'm falling..."
"In love with you-ooh..."
Hanggang sa natapos ang kanta napaupo nalang ako at napahawak sa sentido ko. Ngayon nalang ako nakaramdam ng ganitong kirot sa ulo ko. Nangyayari lang naman to kapag may naalala ako tungkol sa nakaraan ko.
Nagulat ako ng daluhan nila akong apat. "Ayos ka lang ba?" tanong ng babae. Si Ysabel.
Tumango ako at ngumiti, "I-im fine. I'm fine..." sagot ko.
Biglang bumukas ang recording room at pumasok si Akiro. Nagulat kaming lahat sa kaniya. Lumapit siya sakin. "Tapos naba kayo? Bigyan niyo muna siya ng break..." sabi ni Akiro saka ko naramdaman na binuhat niya ako.
Gusto ko sana siyang pektusan pero konteng galaw ko lang sumasakit ang ulo ko kaya ang nagawa ko ay kumapit nalang ako kay Akiro at binaon ang mukha ko dibdib niya. Hanggang sa ipinikit ko nalang ang mata ko.
"Magkaibigan lang kami ni Heero kaya bakit tayo mag-aaway ng dahil sa kaniya. Nakita nga kitang kasama si Bianca na bumili ng cellphone wala naman akong imik, a? Gusto ko kasing magtiwala sayo, pero ikaw may tiwala kaba sakin?" tanong ko sa kaniya na parang naiiyak na.
Bumuntong hininga siya, "I don't want your attention to that bastard." sabi niya.
"Nagseselos kaba? Nagseselos kaba kay Heero? Bakit hindi mo nalang aminin? Ayaw mo sa kaniya!" singhal ko.
Nagtiim bagang siya, "You're mine. I just don't want you to be with him, deal with it." iritadong sagot niya.
"Mabait na tao si Heero, believe me he won't take me away from you. Kung may tiwala ka sakin, hahayaan mo kong makipagkaibigan sa kaniya." sagot ko.
Umiling siya, "No, I'm not letting you, Eunice. I won't let you." mariin at maawtoridad na sabi niya.
Third Person's POV
"You're going home?" tanong ni Dave kay Dewlon habang nagliligpit ito ng gamit.
"Yeah, I need to settle everything with my family. A closure..." sagot ni Dewlon.
"Kailan ka aalis? Samahan na kita. Total, bored nako dito sa Sydney." sabi ni Dave.
"Next week and they want me to get back sooner because of something. May mga taga-Pilipinas daw ang na pupunta..." sagot ni Dewlon.
"Oh? Para saan?" tanong ni Dave.
Nagkibit balikat si Dewlon, "I don't know and I don't care. I don't have obligations with those people..." sagot nito at tuloyan ng inilagay sa bag ang mga damit.
Natawa si Dave sa sinagot ng kaibigan, "Well, then, mag-iimpake narin ako. Alis nako." sabi ni Dave at lumabas na ng kwarto niya.
Laging nakatambay si Dave at Karline sa apartment ni Dewlon. Malapit kasi ito sa lungsod kaya naman doon sila tumatambay.
Napaupo si Dewlon sa kama at kinuha ang wallet niya sa bulsa. Binuksan niya ito only to see the three important girls in his life. His mother, his sister and the special girl that he loves.
Hinalikan niya ito. Those three girls he loves hated him so much now. How will he managed to make things right? To changed his destiny. To bring back those times that he's only problem was how to be a perfect boyfriend.
"Damn, it's good to be back!" sabi ni Dave habang nag-iinat ng makalabas sila ng eroplano.
Habang naglalakad silang dalawa sa airport ay halos mabali ang mga leeg ng mga babae habang sinusundan sila ng tingin. Nakasuot pa sila ng aviators na nakapagdagdag ng kanilang kakisigan. Pagkalabas nila ay agad silang sumakay sa itim na van na pagmamay-ari ni Dave.
"Alam ba nila na ngayon ka dadating?" tanong ni Dave habang nasa byahe na sila.
Umiling si Dewlon, "No, I want to surprise them." sagot niya.
Natawa si Dave, "Baka masapak ka ng Mommy mo dahil sa gulat." biro ni Dave.
Napailing si Dewlon, "Maybe but I deserve a slap anyway..." sagot nito.
Napailing muli si Dave, "Don't blame yourself too much, bro. You kept on blaming yourself on something you didn't do. Hindi ka si superman..." biro niya sabay tawa.
Natawa si Dewlon pero agad napailing. Napatingin siya sa labas at doon niya nasilayan muli ang malaking statue of liberty na sumisimbolo sa New York City.
Nang makarating sila sa tamang address. Nakaramdam ng kaba si Dewlon. Inakbayan siya ni Dave, "Chill, bro. Family mo parin 'yan. If you get slapped then deal with it," natatawang sabi ni Dave.
Napailing si Dewlon. Bumaba na siya sa sasakyan at ganoon din si Dave. Inalis ni Dewlon ang kaniyang aviator at tinanaw ang kabuuan ng bahay. Isa itong malaking modern house. Mayroon malaking gate at sa gate na'yun mayroong malaking golden 'M' sa gate.
Pipindutin na sana ni Dewlon ang doorbell ng maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya sa gilid. Bahagyang nanlaki ang mata niya at parang may humaplos sa puso niya.
"Kuya?" tanong ni Joshua na may bakas na gulat sa mukha.
Hindi mapigilang mapangiti ni Dewlon ng makita ang kapatid. Tumaas na ito at malaki ang pinagbago.
"Joshua..." sabi niya at lumapit dito.
"Kuya!" sabi ni Joshua sabay takbo upang yakapin ang kaniyang kuya.
"Kuya! What took you so long to go home?" tanong niya na naiiyak na.
Kumalas sa pagkakayakap si Dewlon sa kapatid at pinunasan ang luha nito. "I'm sorry...I'm sorry..." sabi niya at masayang niyakap ulit ang kapatid niya.
Di nagtagal ay mayroong bumusina sa kanila mukhang papasok sa gate nila. Huminto ang sasakyan at lumabas si Mr. Montesor.
"Jun!" tawag sa kaniya ni Mr. Montesor at yinakap ang anak. Niyakap niya rin ito pabalik.
Lumabas si Jewel at si Mrs. Montesor sa sasakyan. Bakas sa mukha ni Jewel ang lungkot at pananabik ganoon din si Mrs. Montesor. Hindi na napigilang maiyak ni Jewel ganoon din si Mrs. Montesor.
Agad naglakad si Mrs. Montesor papunta kay Dewlon at niyakap ito. "Mom, I'm so sorry..." sabi ni Dewlon sabay yakap pabalik sa kaniyang ina and trying his best not to cry.
"It's okay now, Jun...it's okay..." sabi ni Mrs. Montesor sabay tapik sa likod ni Dewlon.
Nang magyakapan na silang lahat ay doon na siya naiyak. Lalo ng tapikin siya ng kaniyang ama. "Welcome back, Jun. We miss you so much!"
Matapos ang eksena sa labas ng gate ay tuloyan na silang pumasok sa malaking bahay ng mga Montesor. Naghanda ng makakain si Jewel na ngayon ay marunong ng magluto. Dalagang dalaga na ito at nasa kolehiyo na.
Masaya silang kumakain sa salas habang sila Mr. and Mrs. Montesor ay nasa balkon.
"May alam naba siya?" tanong ni Mrs. Montesor sa kaniyang asawa.
Umiling si Mr. Montesor, "I don't think so, Jemi. All I know is that, malalaman at malalaman niya rin. Lalo na kung magtatagal pa dito si Dewlon sa New York." sagot niya.
Napapikit ng mariin si Mrs. Montesor, "The important thing is, wala na siyang malaman at huwag na siyang bumalik kay Kirt..." seryosong sabi ni Mrs. Montesor.
Bumuntong hininga si Mrs. Montesor, "Tama na ang sakit at hirap na pinagdaanan ni Jun..." sabi niya at niyakap ang asawa pagkatapos umiyak.