Chapter Thirteen: Risky Decisions

2668 Words
I woke up with a heavy heart and eyes. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak kagabi, hindi man lang ako nakakain. Mag-isa lang akong bumalik sa condo, sinubukan kong hintayin si Hunter para sana kausapin siya at para na rin sana makasiguro na kakain siya. Ayokong mag-isa lang kumakain. Pero hindi siya umuwi. Tinabihan ko na lang ito ng pagkain sa ref at iniyak na lang ang buong gabi kong paghihintay sa kwarto. Dahil sa kakaiyak ay nakatulog ako, ngayon ay pinagsisisihan ko na ang pag-iiyak ko kagabi dahil nagising akong mabigat ang ulo at namamaga ang mga mata. Mababaw na nga kaligayahan ko, pati ba naman ang dahilan ng kalungkutan ko ang babaw rin. Nainsulto ako sa kaniyang mga sinabi, alam kong mababaw para sa iba ngunit sa akin ay hindi. Parang pinamukha niya sa akin na ganoong klaseng babae ako, iyong kung sino-sino lang ang hinahalikan. Kilala ko ang sarili ko at nakasisiguro ako na hindi ako ganoon. Kahit pa ilang beses na rin akong nakipaghalikan kay Hunter. Iba iyon, inaamin ko nang gusto ko siya at nahulog na ang loob ko sa kaniya sa maikling panahon na naging mabuti siya sa akin at pinakita niyang may pakialam siya sa akin. Maybe that's the reason why I'm hurt like this. The guy that I like thinks of me that way. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa banyo nang hindi tumitingin sa paligid. Naghilamos ako ng mukha sakaling mawala ang pamamaga ng mga mata ko. Pagkatapos punasan ang mukha ko ng face towel ay pikit mata akong lumabas ng banyo, nang idilat ko ang mga mata ay laking gulat ko nang makita si Hunter na nakahiga sa sofa at natutulog. May bote ng mga alak sa glass table at sa paligid niya, nakabukas din ang TV sa channel na Cartoon Network, hawak niya ang remote sa isang kamay na nakatutok sa TV. He... came home? When? Have he eaten something last night? Lumapit ako sa kaniya, lumuhod sa harapan niya at pinakatitigan ang mukha niya. He looked tired even when sleeping, maybe he slept late last night. I also just realized that he's topless and his shirt is laying somewhere on the floor. Napailing ako sa ayos niya ngayon, nag-aalangan kong nilagay ang kamay sa malambot niyang buhok. Maingat kong sinuklay ang buhok niya habang nakatitig sa maamo niyang mukha. Even though he looked like a mess and smells bad, he still managed to look so handsome. "Hey, Hunter." Tinapik ko ang pisnge niya, binuksan niya ang mga mata at saka tumingin sa akin. "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka naglasing?" Ilang beses siyang kumurap, kumunot ang noo niya at bahagyang ngumuso. Pumikit siya muli. Ang akala ko ay kukurap lang ito pero hindi na siya muling dumilat pa. Napangiti ako dahil sa ka-cute-an niya. Talaga bang ganito siya kapag lasing? Kung oo, baka araw-araw ko siyang lasingin. He looks so cute with this expression. I caressed his forehead with my thumb and planted a soft kiss there. I stared at his handsome face again, and when I still didn't feel contented, I kissed the top of his long and pointed nose. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko upang pigilan ako. His cute expression was still there on his face. "Wala sa lips?" He puckered his lips adorably, it made me giggle. He's so adorable when drunk... if he's still drunk. "Ahm..." I looked around and then to him, "magpahinga ka na lang po, sir. Lasing ka po ngayon at wala sa sarili." Halata ang hindi pagkagusto sa mukha niya, dinilat niya ang mga mata at matiim akong tinitigan. "Po? Sir?" He laughed bitterly. "Didn't I tell you to stop being formal to me?" "I'm your PA—" "No, you're not. You're my girl, you're mine. I want my girl back, Sera, ngayon na." He put his hand on my nape, my eyes widening when he smashed his lips on mine. "H-hunter, stop." I pushed myself away from him, napaupo ako sa sahig habang hinihingal. "Hunter, I'm not the girl you think I am. Kung gusto mo ng babaeng mapaglalaruan, huwag ako!" Umalis siya sa couch at lumuhod siya sa harap ko. Inabot niya ang kamay ko, sinubukan ko itong bawiin ngunit hindi niya naman ako hinayaan. "No, Seraphina. Hindi kita pinaglalaruan, hindi ko 'yon gagawim sayo. I'm sorry for what I said, sorrt if I had hurt you with my words." He cupped my cheeks with his both hands. "I was insulted. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit para sa akin iyon?" A lone tear escaped my eye. "Bigla ka na lang naging mabait sa akin, nag-aalala ka sa akin, nakikisabay ka sa mga trip ko, nakikipagbiruan ka sa akin, tinuruan mo pa 'kong magluto at sinabi mong may...may nararamdaman ka para sa akin. Kahit na hindi ako sigurado kung seryoso ka ba talaga duon ay umasa ako." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang mga ito. Dahil ba alam kong lasing siya? Paano ko naman masisiguro na hindi niya maalala lahat ng mga sinabi ko? "Trust me, honey. I didn't mean to say that to you. Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon. I never think of you that way, trust me. The only reason why I said that is because I was jealous." Natigilan ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya. "N-nagselos ka? B-bakit ka naman nagselos?" Tanong ko na may puno ng pag-asa. Posible kayang magkagusto siya sa isang babae na katulad ko? "Dahil gusto kita, Sera." Diretsuhang sagot niya. "I like you a lot, Sera, I already liked you since the first day." I blinked twice, I rubbed my eyes to prove myself that I'm not dreaming. I want to pinch myself to double sure, but I don't wanna do that in front of him, especially, in the middle of our serious talk. "Y-you're kidding, right?" I swallowed my saliva in the wrong way. "Nagbibiro ka lang ba? Hunter, please, huwag mo 'kong lokohin. H-huwag kang magbiro nang ganito." "I do have feelings for you, Seraphina. Trust me. These feelings are all new to me and I only feel this towards you and no one else." He stroked my cheek softly. May luhang tumulo sa pisnge ko, hindi ko alam kung para saan ba iyon. Dahil ba nalaman kong parehas kaming nararamdaman, na may gusto rin siya sa akin? Paano naman ako makakasiguro na hindi niya ako niloloko? Baka mamaya nito ay ganito pala ang paraan niya para pagkatiwalaan siya ng mga babaeng gusto niyang makuha. Ngunit gusto kong subukan. Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan? Minsan ay kaylangan mo munang maranasan ang mga bagay, kaylangan mong sumugal. Kung sumugal ka sa isang bagay ay nagkamali ka, pwede ka namang matuto duon. "Ano bang gusto mong mangyari?" Pinahiran ko ang luha ko, hinawakan ko ang kamay niya at inalis ito sa pisnge ko. Binawi ko ang kamay ko ngunit hindi niya ito pinakawalan, hinigpitan niya lang ang hawak dito. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin, pinatong niya ang kamay ko sa balikat niya habang lumalapit sa akin. Bumaba ang tingin niya sa labi ko, nagpalipat-lipat ang mata niya sa mga mata at labi ko. And I just waited. And when his lips brushed against mine softly. The fluttering things inside me stomach erupted. At first, I just stayed still since my consciousness haven't left my mind yet, but the third times his lips brushed against mine, iniwanan na ako ng ulirat ko at nag-umpisang sumabay ang labi ko sa galaw ng kaniya. Humigpit ang hawak ko sa balikat niya habang siya ay pumapalibot ang braso sa bewang ko at mas hinahapit pa ako palapit sa kaniya. His lips tastes good as always, kahit na nalalasahan ko pa ang alak dito. Nakakabahala ang amoy ng bibig ko dahil hindi pa ako nakakapagsepilyo, pero masyado na akong lunod sa sariling nararamdaman para problemahin pa iyon. Napasinghap ako sa gulat nang buhatin niya ako na parang bagong kasal at tumayo siya para ilipat ako sa sofa. Maingat niya akong hiniga duon at saka pinagpatuloy ang naumpisahan. Madiin niyang hinalikan ang labi ko ngunit batid mo rin ang pag-iingat. Kalahati ng katawan niya ay nakakubabaw sa akin, ang isa niyang kamay ay humahaplos sa bewang ko habang ang isa ay nakasuporta sa backrest ng sofa. Then suddenly, he groaned, not in pleasure but in pain. He pulled away from me, he dropped himself on the floor as his head dropped on my stomach. Nag-alala akong nakatanga sa kaniya. He's holding onto his hair while groaning, but his groans are muffled because of his face buried on my stomach. "Hunter, okay ka lang ba?" Hindi ako nakaramdam ng pagkabitin sapagkat mas naging lamang ang pag-aalala ko para rito. "My head hurts like hell." He hissed. "Let me get up." I gently pushed his head off my stomach, I also pushed myself up with my elbow. Nang tuluyan na akong makaupo ay bigla na lang itong nagsuka sa hita ko. Umawang ang labi ko sa gulat, napaatras ako at napaupo sa armrest dahilan para bumagsak ng ulo niya sa sofa. Thank goodness duon siya bumagsak. "s**t, Hunter naman!" Napakamot ako sa ulo ko, puno ng suka ang hita ko, pati ang shorts ko ay nadamay. Pero sa kabila non ay mas lamang pa rin ang pag-aalala ko para sa kaniya. "Hunter, punta tayo sa kwarto mo, duon ka magpahinga." I hopped off the sofa. Nagtungo ako sa kitchen at naghanap ng pwedeng ipapangpunas sa hita ko at sa shorts ko. Pagkatapos ko sa sarili ay nagmadali akong bumalik sa sofa kung saan ko siya iniwan saglit. Lumuhod ako sa tabi niya, maingat kong hinaplos ang buhok niya at sinilip ang mukha niyang bahagyang nakasubsob sa sofa. A smile formed my lips when I saw his eyes close, probably passed out because of his drunkness. May dalawang klase ng lasing eh. Ang pang-una ay kapag lasing ay nagiging honest, ang pangalawa naman ay iyong wala sa sarili. Natatakot ako na baka ang pangalawa siya, na hindi niya lang alam kung anong pinagsasasabi niya at dala lang iyon ng kalasingan. But what he said felt so real, I just wanna believe it and don't wanna ruin it. ... "s**t!" I heard Hunter's voice from his room. I just stayed sitting on the sofa with an exhausted expression on my face. Who wouldn't be exhausted after dragging a strong and heavy man from the living room to his room? I also had to clean the mess he made and had to cook for him! Goodness! I heard the door creak open but I just sat still on the sofa with my eyes trained on the TV. "Sera?" He called, I removed the exhaust expression on my face and faced him with a fake smile. "Good morning, Hunter. Kamusta mahimbing mong pagtulog?" Natulog ka lang at namahinga samantalang ako ay maraming ginawa at kasama na duon ang pagkaladkad sayo papunta sa kwarto mo. Just goodness gracious! Argh! Sapo-sapo niya ang ulo, halatang may masakit pa rin dito. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko sa sarili na hindi rin naman magtatagal ang inis kong nararamdaman para sa kaniya. Knowing he's in pain is enough for me to forgive him. "Hapon na?" He asked, looking surprise while looking at the wall clock. "That explains why I'm hungry." Pabulong niya lang iyon na sinabi subalit nadinig ko. "I cooked for you, I also cancelled all your appointment with Mr. Villareal because you're too drunk at siguradong magkaka-hangover ka. Bakit ka ba kasi naglasing, ha? Tignan mo nga 'yang itsura mo, you look like hell!" I managed to make my voice calm. I forgive him, but not fully yet. Medyo inis pa rin ako sa kaniya. "Did you really have to mention him?" His cold voice is back. I knew he would be like this. Of course, he's now sober unlike earlier. "Who? Mr. Villareal? Actually, ang sarap niya ngang kasama eh. He's really nice and also has sense of humour, palangiti rin siya at palabiro." That's true, but I only said this stuff to piss him off and guess I did base on the expression written on his face. He looked like he's about to kill someone. Tumayo ako mula sa kinauupuan at saka pinatay ang TV, pagkatapos ay lumapit ako sa kaniya na nakangiti, hinawakan ko ang kamay niya at sinalo ang pisnge niya. "Are you feeling okay now? I may be the reason why your head is aching, I kind of dragged you to your room so I could clean the mess you made here." I smiled at him and teasingly massaged his temple. "Does it hurt here, honey?" "Honey?" He frowned, he grabbed my wrist and pulled my hand away from his face. "Hindi mo ba matandaan? Tinawag mo 'kong ganon kaninang umaga? Were you that drunk that you forgot what you said and what you did?" He looked confused and worried at the same time, he lowered my hand, I thought he would let go of me but instead, he moved his hand lower to hold mine. "Did I hurt you while I was drunk?" He asked. "Did I do something you didn't like? I know you're faking your smile, I know how you really smile, Sera. I know you." Nawala ang ngiti sa labi ko, nagbaba ako ng tingin at napabuntong hininga. "No, you didn't do anything to me. Pero... kung kilala mo 'ko, bakit inisip mo na nakipaghalikan ako kay Mr. Villareal? Bakit inisip mo na ganoong klaseng babae ako?" "Sera, I didn't mean to say those things to you and to offend you. If you're still mad at me, you can lash out on me, you can shout at me, you can slap me—" I slapped him. I slapped him hard on the cheek, it was so hard that his head turned to the side and his cheek reddened. Sinapo niya ang pisnge niyang bakat din ang palad ko. I fought the urge to laugh and instead just put back the smile on my lips. It's not fake like before, it's a satisfied smile. All I can say is that I have already fully forgiven him. "What—" "Shhh, I'll just go get the fried chicken on the fridge. Ihi-heater ko lang then kakain ka na." Nagtungo ako sa fridge para kuhanin ang fried chicken na niluto ko at ininit ito. He deserves that slap anyways. "Gusto mong mag rice? Mag rice ka para mabusog ka naman. Kagabi pa walang laman ang tiyan mo. Pagkatapos mong kumain, paiinumin kita ng gamot for your headache." Nakaharap ako sa kaniya, hinihintay ang sagot niya ngunit nakatulala lang ito sa akin. Inosente ko siyang nginitian at tinaasan ng kilay. Ang sarap panuorin ng mga naglalarong emosyon sa mukha niya. "Are you playing with me, Sera?" He asked softly. "I'm not a playgirl, Mister, unlike you." Taas noo kong sagot at tinalikuran siya, nasa tapat ako ng heater at hinihintay itong maluto. Ilang sandali pa ay may matipunong brasong yumakap sa akin mula sa likuran. Halata ang pagtitimpi sa yakap na iyon, halata ang pagdadahan-dahan na ikinangiti ko. "I deserve that slap anyways." He whispered on my ear, he rested his chin on my shoulder. I bit my lower lip, thinking about something that I'm curious about. I leaned back on his chest, slowly melting inside his gentle embrace. "Do you usually hug your ex-PAs like this?" I asked, biting my lower lip. "Only you." "I hope you're not lying, Hunter. Because if you are and I found out about it, I will never forgive you. Wala sa plano ko 'to, wala sa priority ko at hindi ko in-expect, pero susubukan ko. Just this once."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD