bc

The President's Lover ( BL )

book_age18+
2.8K
FOLLOW
10.7K
READ
possessive
second chance
self-improved
drama
sweet
city
rejected
mxm
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

LGBT

Si Aryan ay mula sa isang mahirap na pamilya. Parehong prostitute ang magulang niya kaya ang tingin ng iba ay ganoon din ang kauuwian niya. Pero nagsumikap siyang mag-aral kaya maging ang magulang niya ay gusto ring bigyan siya nang mas matinong magulang, nagtinda ang mga ito ng prutas. Mataas ang pangarap ni Aryan, gusto niyang maging isang artista kung papalarin dahil magaling siyang kumanta at sumayaw maging umarte na rin. Nagkaroon siya nang pagkakataong maging artista nang mag-audition niya at makapasa.

Nagulat lamang siya dahil gusto siyang i-meet ni Alejandro Vasquez, ang guwapong presidente ng ACE Entertainment. Kinakabahan siya't nagpapawis nang malamig nang makita ito at mapansing imbis na isang formal meeting ay tila iyon isang expensive date.

Mas ikinagulat niya nang alukin siya nito ng sasakyan, pera, condo unit, at kahit ano pang gusto niya. Gusto nitong maging 'lover' siya nito, to think na pamilyado itong tao at may anak na kambal. Tinanggihan niya ito, akala niya'y maalis siya bilang trainee ng ACE Entertainment pero hindi.

Hanggang sa maaksidente ang magulang niya, kinakailangan niya nang malaking halaga at ang offer ng ninang niya na siyang bugaw ng mga magulang ay ilalapit siya nito sa iba't ibang mayayamang tao. Doon niya naisip na tanggapin ang offer ni Alejandro Vasquez kesa magpasalin-salin sa kamay ng iba't ibang tao. Bahala na ang karma sa kanya, higit niyang gustong mabuhay ang magulang kaya lulunukin niya ang Pride at Konsensiya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“May anak ka hindi ba?” Pahalik na sa akin si Alejandro Vasquez no’n pero napigilan pa iyon nang tanong ko. This is our first intimate night simula nang bayaran niya ako para maging lover niya. Pamilyado siyang tao at may kambal na anak ayon sa nalaman ko. “Hindi ba makasisira sa iyo kung malaman nilang may relasyon ka sa sponsored artist ninyo?” Siya ang Director ng Ace Entertainment, may-ari ng isa sa kilalang channel at kilalang bilyonaryo. Kilala ang ACE Entertainment bilang pinakamagaling sa paghasa ng mga baguhang artista. Sila ang bukod tanging mas prayoridad ang artistang sila ang ugat at nagsumikap para magbunga. Isa naman ako sa nabigyan ng kontrata at bago pa lamang magkakaroon ng appearance sa television. “Kailangan mong itanong iyan sa ganitong pagkakataon?” Ngumisi ang mapula niyang labi. Hindi ako gay, hindi ko rin alam kung masasabi kong straight ako lalo at ilang beses na niya akong nahalikan at hindi ako nandiri sa halik niya. O nananalaytay lang sa dugo ko ang pagiging bayaran, ayon sa iba dahil bayaran ang katawan ng magulang ko ay mauuwi rin ako sa parehong hanap-buhay. Kinabig ko ang kanyang ulo at hinalikan niya na ako. Kung makonsensiya siya ibig sabihin lamang ay babawiin niya ang perang ibinayad niya sa akin. Hindi ako binabayaran gabi-gabi, nagkaroon kami ng kasunduan at halaga ng pera at titira ako sa lugar kung saan puwede niya akong puntahan nang mas mabilis. Ang pagiging artista ko ay pinaghihirapan ko hindi iyon dahil sa tulong niya. Hindi ko lang alam kung tinanggap niya ako sa ACE Entertainment dahil sa nagustuhan nga niya ako. Pero kung ganoon man, ipakikita ko na lamang na karapat-dapat ako. Lalo at pinaghihirapan ko ang bawat hakbang ko. Sabi nila, mayroon akong feminine feature. Siguro, dahil namana ko ang karamihan sa bahagi ng mukha ko sa aking ina. Iyong taas lang at kulay ang nakuha ko sa ama ko. Naging ligawin din ako ng lalaki nitong college, pero hindi ako naging abala sa pagtanggap sa kahit na sino bilang partner babae man o lalaki dahil mas gusto kong magpokus sa pag-aaral at mag-abang ng opportunity na sumikat. Napaungol ako sa pagitan nang halik namin, magaling siyang humalik. Walang namamagitang pag-ibig sa amin pero iyong init ng katawan namin tila kami sinisilaban na. Siya at ang pera pa rin niya ang sasagip sa magulang ko. Bahala na akong magdusa sa konsekwensiya. Hindi naman ako mamahalin ni Alejandro, paniguradong kapag nagsawa na siya ay hahanap rin siya ng iba. Lumalalim ang halik niya, bawat galaw ng labi’t dila niya’y tila ako nahihibang sundan iyon at tularan. Siya ang una ko sa lahat-lahat. Kinakabahan ako pero tanggap ko na, nabayaran na ako, at kailangan ko nang ibigay ang serbisyo nang kabayarang ibinigay niya sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

NINONG III

read
365.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook