Chapter 3

1356 Words
“S-seryoso ba?” tanong ko kay Vivian nang makababa ako. “Yes! Kapag sinabi niya, sinusunod dito,” aniya. “Well, I agree naman na may talent ka talaga.” Lumingon si Vivian. “Kaycee! Kaycee!” tawag nito. Lumingon naman ang babae na tila may pinapaliwanag sa ibang contestant. Naka-all black siya at may nakasulat sa poloshirt na ‘STAFF’. “Yes, ma’am!” Nagmamadaling lumapit ang babae. Ngiting-ngiti ‘to. “Dalhin mo na ‘to sa magiging Manager niya para makapag-usap na sila.” Nagtaka naman si Kaycee. Mukhang kadarating niya lang din. “President choice,” ani Vivian. Nanlaki ang mata ng babae at napatango naman. Nginitian niya ‘ko at nagpakilala sa ‘kin. “I’m Kaycee!” Masiglang aniya. “Aryan.” Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. Lumabas kami sa hall at nagsimula siyang magsalita nang nasa hallway na kami. “Bihira pumili ang President, most of the time lahat ng nauupuan niya sa audition ay hindi nakakapasok. Panigurado mayroon kang extra-ordinary talent!” Masaya siya, mukhang kaedaran ko rin naman. Nangiti ako nang alanganin. Alam ko na may talent ako, pero extra-ordinary? Puwede bang malaman iyon ng isang tao dahil lang sa isang kanta? Pero this is a great opportunity. Iyong titig nang lalaking ‘yon parang pinapanginig ang tuhod ko. Ayoko na siyang makita uli, sana, bihira na lang. Ang magiging Manager ninyo, kayong makakapasok na Top 3 ay si Manager Karina. Si Manager Karina ay bago lang din at pumasa sa qualification ng ACE Entertainment. Medyo istrikta siya at may kakayahan na alisan ka ng kontrata as long as pirmahan din ‘yon ng president. Most of the time, kapag pasaway ang artist, kahit may Star Quality talaga sila hindi nanghihinayang ang President na pirmahan iyon.” Sa tingin ko naman ay hindi ako pasaway na tao. Masunurin ako at gustong-gusto ko ‘to kaya walang dahilan para sayangin ko ang opportunity na ‘to. Dinala niya ‘ko sa isang room. “Tandaan mo dito ang inyong meeting room palagi. Dito sa ACE Entertainment, mas priority ang mga star na sila mismo ang humuhubog at nakaka-discover. Ibig sabihin lang no’n, even this personal meeting room, personal space, mayroon kayo.”  Kumatok siya ng tatlong beses bago niya pinihit ang seradura ng pintuan kahit walang sumagot. Naabutan namin na nakangiti ang isang matangkad na babaeng nakatayo. Nakasuot siya ng fitted pants, boots, at long sleeve brown top. Mahaba ang diretsong buhok niya na blonde. May heavy make-up siya kaya mataray siyang tingnan, idagdag pa ang dark-red niyang lipstick. Pero maganda siya at hitsura pa lang mukhang tutuktukan na ‘ko ng takong kung magkakamali. “Manager Karina, this is your first artist, he’s Aryan. Aryan, this is Manager Karina your manager.” Nagtaka naman si Manager Karina. Lahat naman siguro magtataka. “Parang nagsisimula pa lang ‘di ba?” “Yes, ma’am! Actually, he’s the first one—“ “And then?” nagtataka pa ring tanong niya. “President’s Pick.” Mariing sabi ni Kaycee. “Oh?” patanong pa rin si Manager Karina. Pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Nakangiti ako o nakangiwi na, hindi ko na alam ang sarili kong reaksiyon. Hindi ko alam kung mabuting bagay ba ‘yong ‘President’s Pick’ o pagsisimulan ‘yon ng usap-usapan sa ‘kin. Well, kailangan ko lang naman na patunayan na hindi siya nagkamali na pinili ako. Suwerte ko na ‘to, hindi ko na sasayangin. Kailangan ko ang scholarship. Kailangan kong maging Top Performer. Kailangan kong maging Artist. Lahat ‘yon paghihirapan ko at kahit anong ipagawa nila susubukan ko. Hindi na kami maghihirap uli, unti-unti na kaming aangat kapag napagtagumpayan ko ‘to. Hindi na kailangan ng magulang ko na ibenta ang sarili nila para sa ‘kin. Alam ko naman na pagka-graduate ko, makakatulong na ‘ko sa kanila. Pero mas malaki ang maitutulong ko sa kanila kung mapagtatagumpayan ko ‘to. Kinausap niya ‘ko saglit at pinauwi rin naman para raw makapagpahinga na ‘ko. Matatagalan pa naman daw iyong mga kasama ko. Pinakanta niya ‘ko at pinasayaw at mukha namang approve sa kanya. Kinabukasan, nakilala ko na ‘yong dalawa pa. Iyong feeling close na mukhang mayaman ay nakapasok. Kevin daw ang pangalan niya. Ang isa naman ay si Paulo na mukha namang normal—I mean, kumuha sila ng magagandang hitsura dahil isa ‘yon sa qualification nila. Normal naman si Paulo, hindi makulit, hindi tahimik, iyong madaling makisama. Nabigla ako nang may bumunggo sa balikat ko. Nang tingnan ko ay ‘yong katabi kong si Kevin ‘yon. “Paano ka nakapasok kaagad? Hindi namin gaanong marinig ‘yong usapan dahil maingay iyong iba,” bulong niya. “President’s Pick?” Ginaya ko na lang ‘yong iba. Napatango-tango siya. “Iyon ang President? Iyong mukhang papatay ng tao kung tumingin?” Natawa ‘ko kaya siniko ko siya. “Buwisit ka! Baka matanggal kaagad tayo.” “Totoo naman, no’ng natapos na bumalik siya kaso kami lang nitong si Paulo nakita niya. Mukhang hindi siya natuwa at wala pang limang minuto doon, pinaalis na kami.” Gusto kong matawa nang husto pero pinigilan ko. Iyon din ang tingin ko, guwapo talaga ang President pero masyadong matalim ang hugis ng mata niya, same as iyong tingin niya rin talaga parang ginagalugad ang kaluluwa ko. Para bang sa pagtitig niya, makikilala niya ‘ko nang husto. Natahimik kami nang dumating si Manager Karina kasama ang dalawang Staff niyang babae. Naupo siya sa harapan namin at may binubuklat na papel. “Make it quick,” ani Manager Karina. “Ito iyong kontrata na pipirmahan ninyo. Pero itong kontrata na ‘to ay good for one year lang. Iyong one year na ‘yon, kasama na ang camp training, at iba pang lessons, lahat ‘yon ay sagot ng ACE Entertainment. Bakit one year lang?” Tiningnan niya kami. “Dahil nakadepende sa President, Manager, at iba pang Executive kung papasa kayo sa kanila bago ang inyong presentation as one of the Ace Entertainment Artist. Kapag pumasa kayo, ang susunod dito ay three years contract, kapag gusto pa rin nila kayo after three years saka na susunod ang five years.” Naririnig ko pa lang ‘yon nangingilabot na ‘ko sa excitement. “For sure naman alam na alam ninyo, ang ACE Entertainment ay mas priority ang sarili nilang artist. Kaya asahan ninyo na once na makapirma kayo ng kontrata, maraming opportunity na ibibigay sa inyo. Iyong opportunity na ‘yon kailangan ninyong alagaan at mahalin.” Nakangiting tumango ako sa kanya. Nginitian niya rin naman kami. “Sa Camp training, tandaan ninyo na kahit kayo ang napili may chance na may mas umangat sa inyo. Kayo iyong mga nagpa-free scholarship kaya kayo natanggap. Pero asahan ninyo na ‘yong may mga mayayaman na kasama sa training. Kaya nilang magbayad kaya hindi na sila sumuot sa audition. Sila ay marami ng lessons na pinagdaanan kaya itong spot ninyo ay maaaring mawala sa inyo after a year, o kung matitibay talaga kayo, maaaring dumami kayo sa group. As far as I know, anim ang goal nilang ilabas kaya magkakaroon pa kayo ng tatlong kasama.” “Manager! Manager!” Napalingon kaming lahat sa pintuan. Bumukas ‘yon at tila may kung anong emergency ang hitsura ni Vivian habang tinuturo ang cellphone. “Nagpapaliwanag pa ‘ko, sino ba ‘yan?” tanong ni Manager Karina. “President!” Napatayo si Manager Karina at tila nagmamadali ring sinagot ang cellphone ni Vivian. “Yes, hello, sir—“ “Naka-mute pa!” sabi ni Vivian. “Ay,” nag-unmute sila at tumikhim si Manager Karina. “Hello, Mr. President?” “Yes, yes? What? Ah, yes?” Napalingon siya sa ‘min o mas tamang sabihin na sa ‘kin siya nakatitig. “Aryan, as in the new artist?” tanong niya. Kumabog ang dibdib ko. Anong kailangan niya sa ‘kin? Naisip ba niyang nagkamali siyang pinili niya ‘ko? “Ah, yes, sir, dadalhin ko siya sa ‘yo.” Anong problema ng lalaking ‘yon?!        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD