“Aryan, bakit dinala mo ang boss mo rito?” tanong ni mama sa ‘kin. Natigilan ako sa naging tanong niya. Kasalukuyan akong kausap niya dahil naliligo pa si Alejandro. Kanina iniisip ko kung ano ang hitsura niya sa maliit naming comfort room. “Sinabi ko na kanina, mama,” ulit ko. “Sinabi mo nga kanina pero hindi ko alam bakit ka matutulog kasama niya sa kama.” Inangatan niya ‘ko ng kilay. Nangunot ang noo ko. “As if, may mangyayari sa ‘min at magkakaapo ka sa bigla.” Idinaan ko ‘yon sa biro kahit nagdulot ‘yon sa ‘kin ng kaba dahil iba ang kanyang tono. “Mama, kumusta na ang pakiramdam mo? Madalas akong wala dahil sa camp training.” “Madalas kang wala pero ilang araw kang hindi nakauwi matapos mong umalis sa camp training.” Hindi ako nakapagsalita. Nagtitimpla na naman siya ng kape.

