Nahilamos ni Alejandro ang palad sa mukha nang mamatay ang screen ng kanyang T.V. sa loob ng kanyang office. “Sir, marami ka pang kailangan gawin at hindi mo gawain ang manood ng live sa camp training na practice lang ang karamihan at interview,” ani Calix na nakangiti pero nauubusan na ng pasensiya. “Nagpapalipas lang ako ng oras.” “Nagpapalipas na inabot na ng tatlong oras, sir?” Umayos ng upo si Alejandro. “Three days ago no’ng huli kaming magkita, masisisi mo ba ‘ko?” Lumaki lalo ang ngiti ni Calix. “Yes, sir, at ilang araw na lamang ang hihintayin mo at puwede mo siyang iuwi muli sa farm mo.” “Paano ko ba sasabihin sa kanya na gusto kong mag live-in kami?” Iyong ngiti ni Calix unti-unting nawala. “Mr. Vasquez, pamilyado kang tao, may asawa’t anak ka, may third party ka na ng

