“I’m willing to pay all your bills, pasensiya na talaga sa nagawa ng driver ko sa inyo. Hindi ko rin malalaman kung hindi pa sasabihin nitong kasambahay namin na kahapon lang hindi natiis. Kakausapin ko na lang ‘yong doctor para sa inyo.” Napansin naman ni Lumen, nanay ni Aryan ang sinseridad sa mukha ng kausap. Dahil maayos na naman at nakagagalaw na ay napahintulutan niya itong kausapin siya sa loob ng kanyang silid sa hospital. Hinihintay na lamang nilang mag-asawa ang pagpayag ng doctor na sa bahay na lamang sila. Binabagabag din silang mag-asawa dahil hindi nila maisip kung saan nakakuha ang kanilang anak ng malaking pera, at kung utang iyon ay kawawang-kawawa naman ito dahil paniguradong napakalaki ng perang kailangan nitong hanapin buwan-buwan. Sa hitsura ng kaharap ay mayaman it

