Chapter 3

4570 Words
Zaparta's POV Pagkatapos namin kumain ni Marceline ay pumunta na kami sa room namin. Mabuti pa si Marceline si Math ang makakasama nya sa room at dalawa pa ang kama nila. Hindi tulad samin ni Kriza na iisa lang. Pumasok ako sa room namin. Hinanap ng mga mata ko si Kriza na mukhang tulog na sa kama. Mabuti naman tulog na sya. Hindi ko alam kung paano sya pakikisamahan. Kumuha ako ng damit ko dahil ang baho ko na. Naligo na nga sa lawa, kadalasan may putik kaming nadadaanan tapos umakyat ng mataas na lupa tapos pawis. Ang saya diba. Pagkatapos ko din maligo ay nagpahinga ako sa couch. Gusto ko sanang humiga sa kama kaso nandon si Kriza kaya naman sa couch na lang ako nagpahinga. Wala pa naman sinasabi ang mga seniors kung ano gagawin namin pero pwede kaming magpahinga. Iniisip ko kung ano na kaya nangyari sa iba. Kung umabot ba sila bago mag-twelve. 11:45am kami umalis kanina ni Marceline sa cafeteria at wala pa sila. 12:30 na, ano na kaya nangyari sa mga yon. Sa sobrang pagod ko sa nangyari ay namalayan ko na lang ang sarili kong nakatulog. Nagising ako na may kumakatok sa pintuan. Una ko agad tinignan ang kama kung nandon pa ba si Kriza at nandon pa nga sya, natutulog. Pinuntahan ko na ang kumakatok dahil baka magising pa si Kriza. "Tama na ang two hrs na pahinga. Mag-ayos na kayo at pumunta ng gym." sabi ni Jacky. Ang pinakamasungit sa lahat ng Dragon Empire. Umalis din agad sya pagkasabi nya. Sungit talaga. Tsaka ko lang narealize pagkasarado ng pintuan kung paano ko gigisingin si Kriza. Dapat pala hinayaan ko si Kriza ang magising para hindi ako namomoblemang gisingin sya kaso lang.. Bumuntong hininga ako habang nakatayo sa gilid nya. Nakanganga pa sya ng konti at ang gulo nyang matulog. Tulog mantika ang isang ito. Ang hirap gisingin hangga't hindi sasapakin. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya. Hindi kami okay, paano ko sya pakikisamahan? kahit sya itong lumayo sakin. "Alam mo, hindi sya magigising hangga't hindi mo hinahalikan." napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sya ng kwarto namin. "Tita- I mean coach." hindi talaga ako sanay tawaging coach si Tita Avey, si Tita Kill pwede pa dahil naging coach ko sya dati. "Diba yun ang paraan mo para gisingin sya? tinatadtad mo sya ng halik." namula naman ako ng mukha sa sinabi nya. "Mga bata pa kami noon." bata pa lang mahirap na gisingin si Kriza at dahil isa akong makulit na bata noon at nakikita ko si Ate Zoe na hinahalikan si Ate Alexa kapag ayaw magising ay naisipan kong gawin iyon kay Kriza nung una akala ko hindi epektib dahil ang tagal pa rin magisingin ni Kriza pero kinalaunan ay nagising din simula non ganon na ang ginawa kong paggising sa kanya. Natigilan lang nung medyo may isip na kami siguro mga 13 years old kami. "Hiya pa." ngising sabi ni coach. Sumimangot ako sa kanya. Ang hilig nyang asarin ako kay Kriza noon palang. Masyado daw kaming malapit ni Kriza na halos ako lang at si Marceline ang kaibigan nya tapos ayaw pa malayo sakin ni Kriza noon. Sabi nila baby pa lang daw kami ay bantay sarado ako kay Kriza na kapag may humahawak saking iba ay niyayakap nya ako para hindi makuha ng iba. May napanood nga kami na video namin na kinukuha ako ni Tita Ella pero umiyak si Kriza at hindi sya tumigil na hindi ako naibabalik sa tabi nya. Para daw kaming kambal na hindi mapaghiwalay. "Ibang iba na kayo ngayon." sabi nya habang nakatingin sa natutulog na anak nya. Tumingin din ako kay Kriza at ngumiti ng malungkot. "Okay, gisingin na natin ang sleeping beauty." sabi nya at ginising si Kriza sa paraan na alam nya, ang ihulog sa higaan si Kriza. Ibang klase. Hindi nya naisip na pwedeng mabalian si Kriza sa ginagawa nya. Agad din nagising si Kriza. Umacting ako na hindi sila pinansin at nagpaalam na na mauuna na sa kanila. Kasabay kong bumaba si Blythe na inis na inis ang mukha. "Anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya. "Oo nga pala, nakaabot ba kayo ng lunch time?" dagdag ko pa. "Oo, muntik na nga hindi kami makakain dahil two minutes before twelve kami dumating lahat." sabi nya. Hindi naman ako makapaniwala sa kanila at natawa. "Malapit na." sabi ko at umiling pagkatapos tumawa. "Eh bakit nakabusangot ka?" tanong ko. Umirap muna sya bago sumagot. "Kasama ko lang naman sa room ang napakamagaling na si Faith." sabi nya. "Ohhh. Sad." sabi ko. "May nangyari ba?" "Ang arte nya." inis na sabi nya. "Basta! mas nakakairita pa sya kay Marcy." "Marcy?" sabi ko. Wala naman Marcy sa rookies. "Si Marceline. Ang haba kasi ng pangalan nya." sabi nya. Natawa ako. "Hindi naman nakakairita si Marceline." sabi ko.  "Nakakairita sya." napailing na lang ako. Sabay kami pumunta ni Blythe sa gym. Kokonti pa lang kami pero nandito na ang mga senior. "Zap! oh bakit kasama mo si Bonnie?" tanong ni Marceline na kadadating lang kasama si Math. "Bonnie?" nakataas ang kilay na tanong ni Blythe. "Oo nakabonnie ka kasi." sagot ni Marceline at tumabi sakin ng tayo. "Purkit nakabonnie yon na din ang itatawag mo sakin?" naiinis na sabi ni Blythe. "Walang pakialaman." "Grabe, Line kanina mo pa inaasar si Blythe. Crush mo ata eh." pang-asar ni Math na lumapit din samin. "Hahaha! hindi." napasimangot si Blythe sa sagot ni Marceline. Nainsulto ata dahil tinawanan din sya ni Marceline. Akala ko ba idol nya si Blythe? "Hindi ka nagkakamali." sabi ni Marceline at kinindatan pa si Blythe. Nakita naman namin na namula ang mukha ni Blythe pero pinilit nya itong pagtakpan sa pang-iinis kay Marceline. Hinayaan ko na silang magbangayan na dalawa. Nakikinig na lang kami sa kanila ni Math. Maya maya dumating na din ang iba. Naupo kami sa sahig at nakinig sa mga sinasabi ng mga seniors. "Wala na kaming time para itour kayo ngayon dahil may laban kami sa West Team bukas kailangan naming umalis ngayon dahil mahaba din ang byahe. Hahayaan na muna namin kayo magpahinga ng dalawang araw. Itour ninyo ang sarili ninyo sa buong camp, gawin ninyo kung ano ang gusto ninyong gawin habang wala kami dahil sa oras na magsimula na ang ating training, wala ng chill chill na mangyayari." sabi ni Stace. Binalaan naman ako nila Ate Zoe tungkol sa training dito kaya naman hindi kailangan sayangin ang bakasyon na binigay nila. "Pagbalik din namin, kailangan may team na kayong sasalihan. Blue Team o Red Team. Para may idea kayo kung saan ninyo gustong mapabilang, ako, ang kambal, Rian, Jacky at si Lori ang nasa Blue Team, ang coach ay si coach Ella." "Habang ako, si Kim, Evelina, Carla, Love, Kylo, Persia ang nasa Red Team, ang coach natin ay si coach Avey." sabi ni Lyte, ang vice captain ng Dragon Empire. Napakaseryoso nya pero kalog din minsan. "Saan tayo?" bulong ni Marceline. "Sa Blue team ako, itra-train ako ni Tita Ella." sabi ko. "Ay oo nga pala. Sige doon na din ako. Ikaw ba Math?" "Kung saan kayo doon na din ako." sagot naman ni Math. "Yun lang, umayos kayo dito okay? aalis na kami dahil baka mahuli pa kami. Si coach Ella pala ang maiiwan dito kaya kung may kailangan kayo sa kanya kayo lumapit." sabi ni Stace. Nag-okay kaming lahat at umalis sila. Ang ilan naman samin ay bumalik sa room at yung iba naman ay maglilibot. Kaming tatlo naglibot libot din. Nasabi na sakin ni Ate Zoe ang lugar na ito pero nagugulat pa din ako dahil sobrang lawak pala talaga nito. May golf yard, arcade, dalawang swimming pool na isa parang resort na, limang court, cafeteria na mala restaurant sa laki, at madami pa. Napagod nga kami kakalibot. "Kain na tayo." sabi ni Math. "Grabe parang hindi ka nagmerienda kanina na sobrang dami." sabi ni Marceline. "Haba kaya ng nilakad natin." napailing na lang kami sa rason ni Math pero pumunta pa din kami ng cafeteria dahil ala sais na gabi. Nandon na ang ilan naming kasamahan. "Hi nanay!" masayang bati ni Marceline. "Marceline! Zap! nakakatuwa naman nakapasa kayo." sabi ni Nanay Josie. Matanda na sya pero kahit papaano ay malakas pa sya. Hindi na sya nagluluto dahil pinagbawalan na sya ng anak nya kaya nasa counter na lang sya para kunin ang mga order namin. Minsan na napadalaw ang pamilya nila Nanay Josie sa lugar namin dahil kay Tita Kill kaya kilala nya kami ni Marceline at ang pamilya nya. "Ako lang po nakapasa habang si Zap ay inimbitahan lang magtraining dito." sagot ni Marceline. "Hindi na ako magtataka, sa galing ba naman ni Zap." nahiya naman ako sa papuri ni Nanay. "Ano pala sa inyo? niluluto ngayon adobong manok, pakbet, laing, may sushi din dito at kimchi, may salad din at sandwich kung diet kayo." "Nay walang diet diet samin. Nawawala din naman ang taba namin sa training." sabi ni Marceline. Natawa si Nanay sa sinabi ni Marceline. "Nay sakin adobo, sushi at pakbet tapos apat na rice." sabi ni Math na ikatingin namin sa kanya. "Ilan alaga mo Math?" tanong ko. "Lima." napailing ako sa sagot nya.  Tsaka ko naalala na sinabi pala ng Daddy nya na matakaw si Math kanina paghatid nya sa kanya sa meeting place. Pero hindi man lang halatang mahilig kumain si Math. Ang sexy kaya ni Math. bagay na bagay nga sya sumali sa Ms. World or kahit anong pageant dahil bukod sa matangkad sya at sexy, maganda si Math. May ipagmamalaki talaga sya lalo na din ang hinahanarap nya. "Alam ko na kung saan mo nililigay yung pagkain mo." sabi ko habang nakatingin sa dibdib nya. Natawa si Math sa sinabi ko. "Oo nga, laki ng dibdib mo eh." sabi ni Marceline. "Well." napailing na lang ako dahil proud na proud pa sya. "Sakin nay, kimchi." sabi ko kay Nanay Josie. "Yun lang kakainin mo?" tanong ni Math. "Oo busog pa ako dahil sa merienda." "Sana hindi ka muna kumain kung busog ka pa." sabi naman ni Marceline. "Kakain na ako para diretso pahinga na." Nagpaalam kami kay Nanay Josie at naghanap kami na mauupuan. Madami naman bakante kaya madali lang kami nakaupo agad. "Oo nga pala, inimbitahan ka lang pala dito. Hindi ka nag-try out?" tanong ni Math. "Hindi. Wala naman kasi sa balak ko ang magtraining dito." sagot ko. "Huh? Bakit? ang ganda kaya opportunity na mapabilang dito." "Wala lang." nakitbitbalikat ako. "Weird. Lahat ng tao gusto mapabilang dito pero ikaw ayaw mo. Ayaw mo bang maging sikat na basketbolista?" Hindi ako sumagot sa tanong nya siguro napansin ni Marceline na ayoko ang tanong ni Math kaya sya na ang gumawa para iwasan ang tanong. "Bakit ikaw? gusto mong maging sikat 'no?" "Oo naman 'no! idol na idol ko kaya si idol Japan! grabe ang galing nya! akalain mo nasa NBA na sya dati? sayang lang nag-retire sya nitong nakaraang linggo. Kasama nya pa ang ilan na player na naggaling dito." sabi ni Math na hindi mapigilan ang tuwa. "Si Steph, si Jayden, si Kiara at si Gen. Solid na solid sila sa Queer." "Idol mo din pala sila. Ang lulupet nila 'no? lalo na si Mama Japan at Mama Steph." natutuwa din na sabi ni Marceline. "Wow Mama tawag mo sa kanila ah?" natatawang sabi ni Math. "Eh yun naman talaga tawag namin sa kanila, diba Zap?" tumango ako kay Marceline. Lahat sila na mga kaibigan nila Ate Zoe tawag namin sa kanila ay Tita, Mama at Dada. Baby pa lang kami ganon na ang sinanay samin tapos nung makilala namin ni Kriza si Marceline nung siguro mga two or three years old kami, nakigaya na sya sa pagtawag sa kanila. "Para naman mga magulang ninyo sila." natatawa pero naiiling na sabi ni Math. Napangiti ako dahil wala syang kaclue clue na parang second parents na namin ang mga kaibigan ni Ate Zoe. "Actually, Math parang second parents na namin sila. Alam mo bang ate ni Zap si Zoe Reyes?" "What?" hindi makapaniwalang sambit ni Math. "Weh?!" natawa kami ni Marceline sa itsura ni Math. Halatang hindi naniniwala. Kahit naman kasi hindi na manlalaro si Ate Zoe, kilala pa din sya sa husay nya sa pagshoot ng bola gamit lang ang isang kamay tapos asawa pa sya ni Ate Alexa at assistan coach pa sya sa Miracle. "Ito na orders ninyo." dumating na ang mga pagkain namin dala ni Josen.  Sya ang apo ni Nanay Josie. Nag-aaral sya ng culinary gaya ng grandparents nya at parents nya. Nandito daw sya tuwing weekends. Ayon sa kwento ni Nanay Josie, simula daw sa lolo ni Tatay Jose, ang pamilya na nila ang nagluluto para sa mga players dito at sa boys naman ang matalik na kaibigan ng lolo ni Tatay Jose ang pamilyang nagluluto doon. Nasa dugo na nila ang pagluluto at pagsilbihan ang mga players dito. "Thanks Josen. Nga pala, ayaw kasi maniwala nitong kaibigan namin na ate ni Zap si Ate Zoe." sabi ni Marceline. "Ah totoo yon kaya wag ka magtataka kung bakit magagaling ang dalawang ito dahil trinain sila ng magagaling na players sa pilipinas." sabi ni Josen. "Seryoso?! wow! naeexcite tuloy akong makalaro kayo at malaman kung totoo nga ang pinagsasabi ninyo." "Duh? makakapasa ba ako dito kung hindi? at iimbitahan ba si Zap kung hindi?" "Well, pare-parehas tayong nakapasa kaya siguradong exciting ang laban natin kapag naglaro tayo." "Sigurado yan!" at nag-apir silang dalawa. Nailing ako. "Pero mas exciting ata kung makakalaban ko si Zap na inimbitahan ng camp." sabi ni Math. "Ha-ha. Bahala kayo dyan." sabi ko. Ayoko ng topic nila. Ayoko na pinupuri ako dahil sa galing ko kung alam ko ang isang taong mahalaga sakin ay kinamumuhian ako sa bawat puri na natatanggap ko. Five years ago. Simula nang umalis sya ay wala na sana akong balak maglaro pa dahil sa kinamumuhian nya ako at galit na galit sya sakin. Nawala ang pagkakaibigan namin dahil sa galing na meron ako. Tinuring na nya akong kalaban. Pinilit lang ako ni Marceline at nila Ate Zoe na wag tumigil. Ituloy ko lang daw ang paglalaro. Trinain nila ako lahat kahit na ayoko dahil kapag lalo akong gumaling ay lalo hindi kami magkakaayos ni Kriza pero mapilit sila at maparusa kaya wala akong magawa kundi gawin ang training. Hanggang sa unti unti ay bumalik ang pagkagusto kong maglaro ng basketball pero hindi ko piniling maglaro sa Manila dahil baka mabalitan ni Kriza ang nangyayari sakin kaya kanila Ate Astra ako nagstay ng dalawang taon at doon naglaro ng basketball. Pero last three month ago, nagkita ulit kami ni Kriza. Balak kong makipag-ayos sa kanya pero hindi nya ako pinansin at nag-try out sa training dito sa camp. Balak ko pa sanang mag-try out din pero kita sa mukha ni Kriza ang pagkamunhi sakin kaya hindi ko na tinuloy pa. Nanood na lang ako. Kitang kita ang pang angat nya sa try out noon dahil walang nakakapigil sa kanya. Para syang si Tita Avey nung panahon nya na walang nakakapigil sa kanyang umiscore. Doon ko napantantong mas makakabuti na hindi na ako maglaro ng basketball para walang nakakapigil sa kanya sa pang angat. Kung may MVP lang sa bawat laro nya sa try out sigurado akong lahat yon makukuha nya dahil nung kasama nya ako sa laro, ako ang nagiging MVP ng laro. Hindi lang dahil sa MVP ang bagay na kinamumuhian sakin ni Kriza, natalo ko din sya sa District Tournament na magkaharap kami. Finals na yon at ang team ko ang nanalo. Doon na ako kinamuhian ni Kriza dahil ayon sa kanya, nakukuha ko lahat ng spot na gusto nyang makuha noon. Kilala din naman si Kriza sa basketball yun nga lang mas matunog ang pangalan ko kaysa sa kanya. Madaming offer na team ang gusto akong makuha isa na don ang team na pinakagusto ni Kriza. Hindi sya binigyan ng offer ng team na yon kaya lalong sumama ang loob nya sakin. Kung alam ko lang na ganito pala ang nararamdaman nya noon edi sana nag-low lang ako. Ayoko naman masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa ganito pero wala na huli na ang lahat. Napatingin ako kay Kriza na kakapasok lang ng cafeteria. Nakasunod ang tingin ko sa kanya papunta sa counter. Hindi lang ako ang nakatingin sa kanya pati din si Math. "Hindi ba sabi ninyo na bestfriend ninyo si Kriza?" tanong ni Math. "Kilala mo sya?" tanong ni Marceline. "Oo, nakalaban ko sya dati nung mga bata pa kami. Hindi ko sya makakalimutan dahil sya yung matangkad na babae na sumapalpal sakin kaya nga nagpatangkad ako para talunin sya." "Grabe sa sumapalpal ah?" komento ni Marceline. "Pero hindi ko na sya nakaharap non pagkatapos. Inaabangan ko pa naman sya sa mga bawat district." sabi ni Math. "Kaya nga nagulat ako nung makita ko sya kanina kasama si coach Avey." "Five years syang nasa Japan at natural lang na kasama nya si Tita Avey dahil mama nya yon." "Weh? kaya pala may pagkahawig sya kay coach Avey." sabi nya at tila nahulog na sya sa pag iisip dahil hinawakan nya ang baba nya habang nakatingin kay Kriza. "Ah! mas hawig kasi sya kay idol Kill lalo na ang sungit ng mukha nya na tila mangangagat." "Baliw marinig ka dyan kakagatin ka talaga." panakot ni Marceline. "Hindi na nga." Napailing na lang ako. "Pero bakit pala dati lang?" akala ko naman mananahimik na sya. "Kumain ka na lang dyan, hindi masarap kumain kapag daldal ka ng daldal dyan." sabi ni Marceline at palihim na tumingin sakin. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya. Kinabukasan maaga ako nagising para mag-jogging. Tumingin ako sa katabi ko pero wala na sya don. Napatingin ako sa pintuan ng banyo na bumukas ito. Lumabas ang hinahanap ko lang kanina at nakasuot ito ng sport bra at shorts. Mukhang magjo-jogging din sya. Napatingin sya sakin saglit at tsaka lumabas ng kwarto. Bumuntong hininga ako at kumuha ng susuotin ko sa pagjogging. Nagbibihis ako nang makarinig ng katok sa pinto kaya naman binilisan ko ang pagbihis at pinuntahan ang kumakatok. "Marceline." napatingin ako sa suot nya. Mukhang pati sya magjo-jogging. "Tara na jogging na tayo." sabi nya at hinila ako. Isinarado ko ang pintuan kasabay sa paghila nya sakin. "Mukhang totohanin mo magjogging ah?" naalala ko na nagustuhan nya pagtakbo na nangyari kahapon. "Oo naman para naman tumagal sa paglalaro ko. Lagi na lang kasi ako napapagod kapag third quarter na, sayang skills ko kapag hindi umabot ng fourth tapos natalo pa." "Grabe sinisisi ang teammates." "Eh kasi naman bago ako mabench ang laki ng lamang namin tapos biglang matatalo? ano yon? hirap kaya makapuntos." Natatawa na lang ako. Huling game nya bago sya magtraining dito ay ganon ang nangyari. Nagpabaya na kasi ang mga teammates nya sa fourth quarter purkit 20 points ang lamang. Hindi sa minamaliit ang teammates ni Marceline pero ilan sa mga teammates nya ay mayayabang at gusto sa kanila palagi ang bola kaya ang resulta natalo sila. Hindi nagalit si Marceline sa teammates nya pero nung kaming dalawa lang ang magkasama ay todo sya magreklamo sa mga pinaggagawa ng teammates nya. Mabuti na lang daw talaga nakapasa sya dito kaya naman kakalimutan nya ang ginawa ng mga teammates nya. Tahimik lang kami ni Marceline habang tumatakbo. Nakakasalubong namin ang ilan naming kasamahan namin ay sumabay na din samin sa pagtakbo. Nakilala namin sila lalo at kung ano ano din ang kwento nila kaya naging maingay kami. "Saan pala kayo team na sasali?" tanong ni Cleo. "Blue kami ni Zap. Kayo ba?" sagot ni Marceline. "Talaga? blue din kami ni Justin. Ayos magkakasama sama tayo." sabi ni Cleo. "Cool! si Math din sa Blue team. Sana wala si Faith sa Blue team. Kaurat ugali non." "Marceline." saway ko sa kanya. "Wag mo na lang patulan. Magkaroon pa tayo ng alitan." "Ganon talaga yon si Faith pero magaling sya maglaro." tumingin ako kay Justin. "Nakalaban na ko na sya ng ilang beses, wala akong laban sa kanya." "May binatbat naman lahat ng mga nakapasok dito eh." sabi ko. "Hindi sila makakapasok dito kung hindi sila magaling." "May point ka dyan. Nakakaexcite nga maglaban laban tayo eh--wait bakit kaya hindi tayo maglaro? pwede naman natin gawin ang gusto natin so maglaro tayo!" sabi ni Marceline. "Maganda idea! sakto fifteen tayong lahat. Tawagin natin si coach Ella para mag-referee satin." sabi ni Cleo. Kaya naman bumalik na kami sa dorm para iannounce ang gusto nilang mangyari. Pumayag naman silang lahat miski si Kriza kaya naman kinausap namin si coach Ella sa gagawin namin laro. "Okay, kayo na ba pipili ng kagrupo ninyo o bunutan?" tanong ni coach Ella. Nandito kami ngayon sa gym lahat. "Kami kami na lang." sabi nila kaya tumango si coach Ella at hinayaan kami magkampihan. "Alam na." taas baba ang mga kilay na sabi ni Marceline. Natawa ako. "Ngayon lang ulit tayo magkakateam." "Ayusin mo ah?" biro ko. "Hey! sali ninyo ako sa inyo ah?" inakbayan kaming dalawa ni Math. "Akala ko ba gusto mo kami makalaban?" takang tanong ko. "Next time na lang yon gusto ko muna kayo makateam." tumango ako sa kanya. "Pwede ba kami sumali sa inyo?" napatingin kaming tatlo kay Cleo at Justin. "Oo naman!" sabi ni Marceline. "Buo na tayo." Napatingin ako sa mga kasamahan namin. Napakunot ang noo ko na makita si Kriza kasama sila Faith. Mukhang sila pa ang magkakasama. Nang mabuo na ang bawat grupo ay nagbunutan kung sino ang magkakalaban. Para ganahan kami maglaro, nagbigay si coach Ella ng parusa. 20 laps kada talo.  "Hindi ko aakalain na mapapabilis ang laban natin sa kanila." sabi ni Marceline nang ianunsyo ni coach Ella kung sino ang makakalaban namin. Habang hindi pa nag-uumpisa ang laro ay nag-isip na kami ng strategy namin. Dahil matangkad si Math sya ang center namin, si Cleo ang power forward namin dahil yun daw ang naging role nya dati, si Justin ang small forward tapos si Marceline ang shooting guard habang point guard naman ako. Kahit anong position naman pasok ako dahil sinanay ako ng mga pro players sa iba't ibang strategy sa paglalaro ng basketball kaya walang problema sakin kung saan ako iligay ni Marceline. Mabuti na lang din na point guard ako, at least hindi ko ganon makakaharap si Kriza. Sigurado akong center sya o power forward dahil sya ang pinakamatangkad sa grupo nila. Kami ang unang maglalaro habang waiting ang isang grupo. Swerte nila dahil makikita nila ang kakayahan namin bago nila kami makalaban kung sino man ang manalo samin. Puwesto kaming lahat. Si Kriza ang tagajump ball sa kabila habang si Math naman samin. Pumito si coach Ella at hinagis ang bola. Maya maya lang tumalon na ang dalawa. Kahit na mas matangkad si Math kay Kriza, mas mataas tumalon si Kriza kaya nahawakan nya ang bola at pinasa kay Faith. Lahat kami ay tumakbo papunta sa court namin. Mabilis na humarang ako kay Faith. Akala ko susugurin nya ako pero pinasa nya ito kay Summer. Tinira agad ni Summer ang bola sa ring. Hindi pa man umaabot sa ring ang bola tumakbo na agad ang dalawa sa court nila. Tumingin ako sa ring. Pasok. Magagaling nga talaga sila. "Zap!" sinalo ko ang bola na pinasa ni Math ay tumakbo silang lahat sa kabilang court. Dahan dahan naman ako lumapit. Tumigil ako sa three point line. Binabantayan ako ni Faith. Pinagmasdan ko ang puwesto naming lahat. Nang mapansin kong aagawin ni Faith ang bola ay mabilis kong pinasa kay Marceline ang bola. Nagfake si Marceline na ititira ang bola, tumalon naman si Summer tsaka lang sya tumalon para itira ang bola. "Marceline for three!" sigaw ni Marceline habang patalikod na bumabalik sa court namin. Mabilis na kumilos ang kalaban namin. Humarang ako kay Blythe. Hawak nya ang bola.  Sinundan ko sya na pumunta sa kabilang side, nagkasalubong sila ni Wyn at ibinigay nya ang bola. Sumusunod naman si Cleo kay Wyn, hindi ko na binantayan pa si Blythe at sumunod kay Wyn na sumusugod sa ring. Hinarangan sya ni Math pero nagback pass si Wyn paitaas. Tumingin ako sa itaas at nakita ko si Kriza na mataas na tumalon, sinalo nya ang bola at dinunk ang bola sa ring. Muntik pa nya matamaan si Math dahil nasa ilalim lang ng ring si Math. "Nice dunk!" sigaw nila Blythe habang pabalik sila sa court nila. Nakalimutan ko. Si Wyn at Kriza ay dating magkateammate. Sila ang magkatandem. Tumakbo naman din kami. Pinagmasdan ko si Kriza. "Zap!" tumingin ako kay Marceline at sinalo ang bola na pinasa nya. Tinignan nya ako ng makahulugan. Nakatingin ako sa kanya pero alam kong nagbabantay sakin si Faith. Iniwas ko ang bola sa kanya na sinubukan nyang kunin ito. "Paanong.." rinig kong bulong nya. Pinasa ko kay Math ang bola. Hinarangan ko si Faith para hindi ito sumugod kay Math. Pinanood ko naman na ginigitgit ni Math si Kriza tapos tumalon ito. Sabay silang tumalon, kahit na matangkad si Math wala pa din syang laban sa mataas na talon ni Kriza kaya naman nablock ni Kriza ang bola. Mabilis naman nakuha ni Justin ang bola at pinasa kay Marceline. Akala ko ititira nya ito pero pinasa nya sakin. Nagtatakang tumingin ako sa kanya pero mabilis din ako napatingin sa harapan ko dahil nakuha ang bola. Kriza. Mabilis syang tumakbo sa kabilang court. Sumunod naman kaming lahat sa kanya. "Zap!" bwisit naman oh! Mabilis kong sinundan si Kriza. Magkasabay na kami nang bigla syang tumigil kaya naman napaupo ako sa sahig dahil hindi ako nakatigil agad. Tinira nya ang bola at pumasok iyon. Mabilis din sya pumunta sa court nila. "Ang bilis mong tumakbo ah." sabi ni Justin at itinayo ako. "Naabutan mo sya." nginitian ko lang sya. "Zap." tumingin ako kay Marceline. "Ano? balak mo lang magpasa? aba uso umiscore lalo na hindi kaya ni Math si Kriza. Ikaw-" "Marceline." pagpahinto ko. "Sa labas tayo iiscore kung hindi kaya sa loob." sabi ko at tumakbo sa kabilang court. Sa labas kami imiiscore katulad ng sinabi ko. Kapag kasi si Kriza ang nakabantay kay Math ay walang laban.  Naiinis na nga si Math. "s**t!" sigaw ni Cleo nang makuha ni Summer ang bola. Nagtawag kami ng time out pagkashoot ni Summer ng bola. Naupo ako sa bench at uminom ng tubig. "Ano na plano? pati sa labas nadadale na tayo." sabi ni Marceline habang nakatingin sakin. "Taena kasi." naiinis na sabi ni Math. "Kahit gitgitin ko si Kriza parang bato naman yon na hindi nauusog." "Malamang dahil sa Japan sya nanggaling at ang lalaki naman ang mga tao doon. Siguradong nasanay sya sa mga yon." sabi ni Marceline. "Isang tao lang ang makakatalo sa kanya." "Sino?" tanong ni Justin. Tinignan ko si Marceline para wag nyang sabihin pero inaasar ata ako nito at ngumisi pa. "Edi si Zap." napafacepalm ako dahil binanggit pa rin nya. "Talaga? si Zap?" sabi ni Cleo. "Edi kung ganon ikaw na bahala kay Kriza." sabi ni Math. Sumang ayon naman sila. Para naman akong nalugi dahil sa sinabi ni Marceline. Iniiwasan ko nga makaharap si Kriza pero sinasadya ata nitong ipalapit ako kay Kriza. "Time na, let's go team!" sigaw ni Math at tila nawala ang inis nya kay Kriza. Tumingin ako kay Marceline na tinapik ako sa balikat. Kinindatan nya ako, sinamaan ko naman sya ng tingin pero nginisian nya lang ako. Bwisit na Marceline. --------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD