Chapter 4

3418 Words
Zaparta's POV Hindi pumasok ang tira ni Summer at nakuha ni Math ang bola. Hinagis nya ito papunta sakin. Sinalo ko ito at tumakbo papunta sa kabilang court. Kasabay ko si Blythe tumakbo at sinusubukan nya akong harangan. Tumigil ako saglit at itinaas ang bola. Bigla naman tumalon si Blythe, inakalang ititira ko na ang bola. Nagstep right ako at tinira ang bola. Shoot. "Nice one!" sigaw ni Marceline. Pagdating ng fourth quarter ay hingal na hingal kami. Halos pagod na kaming lahat kakatakbo. Kahit na nagjo-jogging ako three times a day ay hindi ko maiwasan mapagod at hingalin dahil sa intense ng laban namin. Second quarter nagsimula na silang magpakita ng galing nila. Walang duda talaga na pinili sila para magtraining dito. Tama ang desisyon ng management na pinili sila para magtraining. Hanga na nga ako sa team up nila dahil para silang nagkakaintindihan kahit na walang salitang lumalabas sa bibig nila. Natatambakan nga nila kami eh. Lamang sila ngayon ng anim na puntos. Solid na agad ang team nila. Lamang kaming lima.. Tumingin ako sa mga kasamahan kong pagod na pagod. Bumuntong hininga ako. Hindi kami solid. Yun lang ang masasabi ko. Pero aaminin ko na magagaling din ang tatlo. May problema lang kay Math dahil hindi talaga sya makagalaw kapag si Kriza ang bantay nya. Si Cleo, taob din sya kay Kriza kaya pagdating sa rebound, walang wala kami pero ang malupet kay Cleo napapatumba nya si Wyn at Blythe kapag nagdu-dunk sya. Kung hindi lang talaga mataas tumalon si Kriza nakakarebound kami sa tibay ni Cleo. Si Justin naman, dahil taob kami sa ilalim pumupuntos na lang sya sa labas, wala syang laban sa ilalim dahil mablo-block agad sya ni Kriza pero at least walang palya ang mga tira ni Justin. Hindi lang kami makahabol ngayon dahil mahigpit ang bantay sa kanya ni Wyn. Sinabayan ko si Faith sa pagtakbo, hinarangan ko sya at hindi sya makawala sakin. Nakikita ko sa mukha nya ang pagkairita at pinasa na lang ang bola. "Balik balik!" sigaw ni Marceline. Nakuha nya ang bola. Tumakbo kami sa kabilang court. Mabilis na humahabol si Kriza sa kanya. "Sorry, babe." narinig kong sabi nya at tinira ang bola, hindi nga ata tira ang ginawa kundi bato. Kapag ganon ay alam ko na ang gusto nya. Mabilis akong tumakbo. Tumama ang bola sa ring at nagbounce ito pabalik. Tumalon ako, sakto papunta sakin ang bola. Kinuha ko ito. Nagulat ako na tumalon si Kriza. Hindi ko madu-dunk ang bola dahil mababangga ko sya at worse hindi pa pumasok. "Zap!" rinig kong tawag ni Math. Parang cue yon sakin para ihagis ang bola sa ring. Hindi iyon papasok dahil sa wala akong force para iayos ang tira. Pagkababa ko sa ere ay saktong tumalon si Math at kinuha ang bola tsaka nito pinasok sa ring. "Boo yeah!" sigaw nya at nagtaas pa ang dalawang kamay. "Nakapuntos ka din Math!" biro na sigaw ni Justin. Ah kaya pala ganon na lang ang reaction nya. Napailing ako. Pero natigil ang pandidiwang namin na mabilis na ipinasa ni Kriza ang bola kung kanino man. Hindi kami nakareact dahil nakapuntos ulit sila. "Grabe! nandidiwang pa ako eh!" sigaw ni Math. "Hindi pa naman tapos ang laban bakit ka mandidiwang?" mataray na sabi ni Faith habang hinihingal. Bumuga ako ng hangin. Binawasan nga namin yung lamang samin pero nakakuha pa din sila ng puntos. "One minute left!" sigaw ni coach Ella. Huminga ako ng malalim at sinalo ang bola na pinasa ni Cleo. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Nasa harapan ko si Faith pero malayo sya ng konti sakin. Nasa gitna ako ng court. Drinibble ko ang bola. Pinabalik balik ko ang bola sa dalawang kamay ko tsaka ako sumugod. Sinasabayan at pilit na hinaharangan naman ako ni Faith. Tumigil ako at nagback step, napatumba sya sa sahig dahil hindi agad sya nakahinto. Itinaas ko ang bola na para bang ititira ko ito pero tumalon si Kriza. Ibinaba ko ang kamay ko at tumakbo papunta sa loob. Sumulpot si Blythe pero inikutan ko lang ito at nag-lay up. Pasok. "Wow!" rinig kong sigaw ng mga nasa bench. "Thre on one! hanep Zap!" Hindi ko na sila pinansin pa dahil sumusugod na si Kriza habang drinidribble ang bola. Sinusubukan kong humarang sa kanya. Tumigil sya nang mahirapan makalagpas sakin. Drinibble nya ang bola ng mabilis, sinusundan ko ang bawat galaw nya pero nakalagpas pa din sya sakin. Mabilis na sumunod ako sa kanya. Tumalon sya at kahit na mahihirapan akong abutin ang bola ay pinilit ko pa din. Nagdiwang ako sa loob loob ko na madaplisan ko ang bola. Hindi pumasok ang bola pero mabilis naman narebound ni Kriza ang bola. Hinarangan ko sya. Ginigitgit nya naman ako pero hindi ako nagpatalo. Nagstep forward sya tapos mukhang ititira nya ang bola. Hindi muna ako tumalon dahil baka mafake ako, tsaka ako tumalon nang ititira nya na ang bola. Nadaplis ko ulit ang bola. Naghanda ulit ako sa pagrebound. Naggigitgitan kami ni Kriza habang hinihintay ang bola na bumaba. Nang tumama ito sa ring ay sabay kaming tumalon. Napamura ako sa isipan ko na makuha ulit ni Kriza ang bola. Naman oh! "Kriza!" sigaw ni Faith. Akala ko hindi nya ipapasa ang bola kay Faith pero ipinasa nya pa din ito at tinira ang bola sa ring. Tumingin ako sa ring. Pasok. Napapikit ako ng mariin. Kada humahabol kami, nakakaiscore pa din sila. "Marceline!" sigaw ko. Sinalo ko ang bola at dali daling tumakbo sa kabilang court. Tumigil ako sa three point line at tinira ang bola. Bumalik ako sa kabilang court nang pumasok ang bola sa ring. Nakipag-apir ako kay Marceline na tumakbo sya sa tabi ko. Lumapit ako kay Faith. Hinarangan ko sya ng mabuti. Lumapit si Wyn sa kanya at ipinasa sa kanya ang bola. Imbis na harangin pa si Faith ay si Wyn ang pinuntahan ko. Nagulat pa sya nang harangin ko sya. Kinuha yon ang pagkakataon na yon para matapik ang bola. Mabilis akong tumakbo sa kabilang court nang makuha ko ang bola. Nag-lay up ako nang malapit na ako sa ring pero may kamay na humarang. Ibinaba ko ang kamay ko at inilipat sa kabilang kamay ko ang bola at tsaka ishinoot ang bola sa ring. "15 seconds na lang!" sigaw nang nasa bench. Hinarangan ko si Kriza. Nasa kanya na naman ang bola. Sinunod ko ang bawat galaw nya. Pumunta sya sa kaliwa kaya naman hinarangan ko sya doon pero may nagscreen sakin. Umikot ako at sinundan si Kriza. Tumalon sya kasabay ni Math. Pinipilit ni Math na iblock si Kriza pero ipinasa na lang ni Kriza ang bola kay Blythe na nakaabang pala sa gilid. Sinubukan ko naman syang iblock. Nagtagumpay naman ako kaya dali daling bumalik kami sa kabilang court. "Five!" Shit nagbilang pa sila lalo tuloy nakakapressure ang huling sandali. "Dito!" sigaw ko nang hinarangan si Marceline nila Summer. Sinalo ko ang bola at nagform na ititira na sana ang bola pero nasa harapan ko bigla si Kriza. "Four!" Kapag nashoot ko ito ngayon panalo na kami pero paano ko iyon magagawa kung todo bantay sakin si Kriza? Tinitignan ko ang mga kakampi ko kung may open ba sa kanila pero wala. Hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos dahil napre-pressure ako sa oras at puntos namin tapos sobrang higpit pa ni Kriza magbantay. "Three!" Sinusubukan kong magfake pero hindi pa din ako makalusot. Hindi nya ako binibigyan ng open para itira ang bola. Nakatalikod ako sa kanya habang naggigitgitan kaming dalawa. Nasa gilid pa naman kaming dalawa kaya wala akong kawala sa kanya. Tagaktak na ang mga pawis namin sa sahig sa sobrang pagod namin. "Two!" Sa ganitong oras, may nagagawa pa ako para makascore pero sa higpit ng pagbabantay ni Kriza ay wala na. Napangiti ako. Mukhang matatalo na ako ni Kriza. Sa tingin ko, mas magaling na sya sakin ngayon. Sa paglalaro nya sa Japan ay isang kadagdagan lakas para mapaghusayan nya ang paglalaro sa basketball. "One! eeennnggg! game over!" Binatawan ko ang bola pagkasabi ng nasa bench na tapos na ang laro. Naghabol ako ng hininga dahil sa sobrang hingal ko. Pinunasan ko ang tumutulong pawis sa mukha ko gamit ang jersery na suot ko. "Wag mo akong kawaan." nagulat ako na magsalita sa likuran ko si Kriza kaya napalingon ako sa kanya. Nasa likod ko pa pala sya. "A-ano?" takang tanong ko sa kanya. "Hindi kita kinakaawaan." "Hindi?" napa-tsk sya. Seryoso at galit sya na nakatingin sakin. Nanalo na sya bakit ganyan pa din sya sakin? "Kri-" "Hindi ako natutuwa sa ginawa mo Zaparta." seryoso at madiin na sabi nya. "Hindi purkit nanalo kami ngayon sa inyo, sa tingin mo natuwa na ako na natalo kita?" Bumuntong hininga ako. "Kriza nanalo ka sakin." pang-aamin ko. "Hindi ako nanalo sayo dahil hinayaan mong matalo ka!" nagulat ako sa sigaw nya. Galit na galit na sya ngayon. "Kriza, Zap." rinig kong sabi ni Marceline. Napaatras ako nang lumapit sakin si Kriza. Tila nag-aapoy ang mga mata ni Kriza sa galit. Nakakatakot sya, para syang mangangain. Napalunok ako, gusto kong umiwas ng tingin pero baka lalo lang sya magduda sakin na sinadya ko talagang magpatalo kahit hindi naman. "First half, wala kang ginawa kundi magpasa ng bola, third quarter paminsan minsan ka lang imiscore at sa huling minuto, doon ka lang humabol. Kung sa umpisa pa lang, imiiscore ka na sigurado kami ang tambak." sabi nya. Doon na ako napaiwas ng tingin. Oo nung una wala talaga ako balak na kalabanin sya dahil ayoko lumala ang galit nya sakin. "Wag mo akong kinakawaan dahil hindi kita kayang talunin." "Hi-hindi naman sa ganon.." "Pwes ganon ang ginagawa mo!" nagulat ako sa sigaw nya. Bukod sa galit na galit sya, ang lapit nya lang sakin para sigawan ako. "Kalabanin mo ako ng buong lakas mo at doon ko lang masasabi na natalo kita." sabi nya. Tinignan nya muna ako ng ilang segundo at naglakad palabas ng gym. Napahilamos ako ng napalad. "Zap." tumingin ako kay Marceline. Nag-aalala ang mukhang pinapakita nya ngayon. Ngumiti naman ako sa kanya ng alanganin. Napatingin ako sa mga kasamahan namin na nakanonood pala samin kanina. "Magpahinga na muna kayo, mamayang hapon natin ipagpapatuloy ang laro." sabi ni coach Ella. Niyaya na ako ni Marceline na bumalik sa dorm. Kasabay namin si Math pero hindi naman sila nagsalita tungkol sa nangyari. Hinatid ako ni Marceline sa kwarto namin ni Kriza at sinabi nya pa na kakausapin nya si Kriza pero pinilit ko na wag na. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pintuan. Pumasok at hinanap si Kriza. Wala sa loob pero narinig ko naman ang kaluskos ng tubig sa banyo. Mukhang nagsho-shower sya. Kumuha na lang ako na pamalit damit ko para pagkatapos nya ay makaligo agad ako. Tumingin ako sa banyo nang marinig kong bumukas ito. Dire-diretso si Kriza sa mga gamit nya na tila hindi ako nakikita. Pumasok na lang ako sa banyo at naligo. Habang naliligo ay napapaisip ako kung siguro hindi ko ginagalingan ang bawat laro ko, hindi sana kami magkakaganito ni Kriza o sana hindi na lang ako naging magaling para hanggang ngayon, okay pa din kami ni Kriza. Pero wala na, hindi na mababago pa ang lahat. Ang kailangan na lang mangyari ay galingan ni Kriza para matalo nya ako. Wala naman kaso sakin kung matalo ako ni Kriza, kung ikakaayos naman namin yon ni Kriza, ayos lang. Ayoko na ng ganito. Hindi kami nagpapansinan at imikan. Mas gusto ko pa ang dating Kriza na laging nakadikit sakin at pinagdadamot ako. Napangiti ako ng mapait. Past is past na lang siguro. Tyrant's POV "Monique, si Eloi nakita mo?" tanong ko sa kaibigan ko na naglalaro ng mobile games sa cellphone sa gilid ng gym. "Nope. Tanong mo kay Samantha." sagot nya na hindi ako nililingon. Nilingon ko naman si Samantha binabato ang bola sa board ng ring. Nilapitan ko ito. "Samantha, nakita mo si Eloi?" tanong ko dito. Tumigil sya sa ginagawa nya. "Nasa likod ng curtina, nanonood ng porn." sabi nya. Siraulo talaga ito, mana talaga sa Mama nyang mabastos ang bibig pero ito napakastraight forward habang si Tita Sam makahulugan ang mga sinasabi. Nakakapagtataka nga na dito sya sumali sa Shakers kung ang parents nya ay dating players ng Miracle. Sinabi nya nung una na gusto nyang talunin ang Miracle eh hindi na nananalo ang Miracle sa Shakers. Hindi naman sya kapit sa patalim dahil magaling ang isang ito. Isa sya sa secret weapon ng Shakers na isasabay next years kasabay ni Eloi. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya. Naglakad ako papunta sa stage at sinilip ang likod ng kurtina. Nakita ko si Eloi na nakahiga habang nasa likuran ng ulunan nya ang dalawang kamay nya para maging unan. "Eloi, tumatakas ka na naman sa training." sabi ko dito. Hindi lang naman sya ang tumatakas, si Monique din at Daily tapos si Samantha na walang kaseryoso kung magpractice pati ako napapagaya sa kanila na wag magpractice eh. Hindi naman kami sinasaway ni Mama, basta siguraduhin nya daw na sa oras na ipasok nila kami sa court, mananalo kami lalo na sa laban ng Dragon Empire. "Useless ang training kung next year pa ako makakapaglaro." malamig na sabi nya pero hindi naman ako naapektuhan dahil simula pa bata, ganyan na yan. Manang mana talaga sa ina. "Tama ka dyan!" sigaw ni Samantha na narinig pa ang sinabi ni Eloi. Pambihira talaga ang mga 'to. Naupo ako sa tabi ni Eloi na hindi naman nya ikinaangal. Lumapit na din samin yung dalawa. Yakap yakap ni Samantha ang bola habang naglalaro pa din ng cellphone si Monique. Oh well, sigurado naman akong matatalo namin ang Dragon Empire. "Eloi! date tayo." niyugyog ko sya ng bahagya. "Mag-isa ka." sa sinabi nyang yon ay natawa ng malakas si Samantha. Sinamaan ko sya ng tingin. "Wala kang pag-asa kay Eloi, Tyrant. Sinabi nya sakin kung sino ang gusto nya." sabi ni Samanthan. "Huh? sino?" tumingin ako kay Eloi kung tama ba ang pinagsasabi ni Samantha pero nakapikit ang ito. "Si Kriza." napatingin ako kay Samantha sa sinabi nya. Nakangisi ito sakin. "Wala kang laban sa isang dyosa." "Dyosa ako!" pambihira, may gusto si Eloi kay Ate Kriza? wala talaga akong laban! Zandy's POV "Tita, si Dite?" tanong ko kay Tita Zoe na busy sa panonood ng mga players ng Miracle. "Lumabas sya." sagot nya. "Tawagin mo din yon." sumunod ako sa utos nya at lumabas ng gym. Hinanap ko naman sya pero hindi ko sya makita kaya naglakad pa ako ng konti. Lumabas ako ng camp. Sa tagal ng Miracle at sa daming gustong maging miyembro nitong team, ginawa na din ng training camp ito. Hindi lang ang Miracle ang nagkaroon ng training camp, ilan na mga sikat din na team. Nasaan na ba ang Dite na yon? Tumingin ako sa may gilid nang makarinig ako ng boses at nabanggit ang pangalan ni Dite. Naglakad ako patungo sa kinaroonan nila. "Ah.." sabi ni Dite nung makalapit ako sa kanila. May dalawang babae syang kausap. Isang nakayuko na halatang namumula ang mukha at isang babaeng masungit na nakatingin kay Dite. "What the hell? 'Ah' lang sasabihin mo pagkatapos nyang sabihin na gusto ka nya?" sabi ng masungit na babae. Lumapit ako sa kanila. Tinapik ko sa balikat si Dite. Napatingin sya sakin. "Nice. Kausapin mo nga sila." sabi nya at umalis na lang bigla. Napatingin ako sa dalawang kaharap ko. Yung babae na nakayuko kanina ay tila maiiyak habang inaalo sya ng babaeng masungit na panay ang salita ng kung ano kay Dite. "Bwisit na babaeng yon. Bakit mo ba kasi nagustuhan ang walang pusong yon?" sabi ng babaeng masungit sa kaibigan nya. Napakamot ako ng ulo. "Ah pagpasensyahan na ninyo si Dite. Ganon talaga yon. Walang puso." sabi ko at natawa ng bahagya. "Bastos din kamo, bigla na lang umalis. Walang modo talaga." sabi ng babaeng masungit. Napakamot na lang ako. "Tara na nga. Tigil tigilan mo na din yang Dite na yan. Wala yang kwentang tao." hinila na ng babae ang kasama nya paalis. Napailing na lang ako. Bumalik ako sa gym. Nandon na si Dite kausap si Tita Zoe na kayakap nya pa. Sa pamilya nya lang talaga sweet itong si Dite lalo na sa mga magulang nya. Lumapit ako sa kanila. "Zandy, dadating ang anak ng Tita Steph nyo dito next week. Mas matanda lang ng ilang taon si Dite sa kanya. Isa sya sa magiging best weapon ng Miracle." sabi ni Tita Zoe. "Makikilala na din namin ang isa sa mga sinasabi ninyong best weapon ng Miracle." sabi ko. Sinabi nila ni Tita Kill na may apat silang dadating na miyembro ng Miracle. Mga anak daw yon ng mga kaibigan nila. Ang mga best weapon na yon ang magbabalik ng championship sa Miracle after sixteen years na huling panalo. "Galingan mo." sabi ni Dite sakin at nagthumbs up pa. Natawa ako. Isa ako sa best weapon ng Miracle. Praktisado ako ni Tita Kill at Tita Zoe sa gabi. "Chocho!" napatingin kaming tatlo sa nag-baby talk. Nagulat kami nang makakita kami ng two years old na batang pumasok ng gym. "Ponjap!" sabi ni Tita Zoe at nilapitan ang bata. Nagkatinginan kami ni Dite bago lapitan si Tita Zoe na kalong na ang Ponjap na bata. Tuwang tuwa ang bata at pinaghahampas ang mukha ni Tita Zoe. "Ma, sino yan?" tanong ni Dite. "Si Ponjap, bunsong anak nila Japan. Teka, kung nandito ito, ibigsabihin nasa pilipinas na ang mga yon?" sabi ni Tita Zoe. "Ibigsabihin nandito din si Lulu." nakangiting sabi ko at tumingin kay Dite. Naeexcite akong makita ang taong yon. Saglit lang sya dito nung nakaraang tatlong buwan. Kaibigan namin si Lulu na katunggali palagi ni Tyrant na isa pa naming kaibigan pagdating sa basketball. Sila palagi ang magkalaban at palagi naman nananalo si Lulu dahil sa galing nito. "Japan sinasabi ko sayo kapag may nangyaring masama kay Ponjap, malilintikan ka sakin!" sigaw ng nasa labas. Dumaan naman sila sa pintuan ng gym. Nakita namin si Tita Louise na palinga linga kasunod nya si Tita Japan na napatingin sa gawi namin. Mabilis naman nya sinabi kay Tita Louise na nasa loob ang hinahanap nila at kalong ni Tita Zoe. Mabilis naman lumapit samin ang mag-asawa pero hindi naman nila kinuha si Ponjap kay Tita Zoe. "Hindi kayo nagsabi na nakauwi na kayo dito." nakangiting sabi ni Tita Zoe. Tumingin ako kay Ponjap na nakatingin kay Dite. Siniko ko si Dite at nginuso si Ponjap. Binelatan ni Dite si Ponjap na ikatawa nito. Napatingin ang tatlong matanda kay Ponjap. "Sayo mo muna si Ponjap, Dite." sabi ni Tita Zoe. Kinuha naman ni Dite si Ponjap. Lumapit ako sa kanila at kumaway kay Ponjap. Ang cute nyang bata. "Nasaan si Lulu?" tanong ni Tita Zoe kaya naman napatingin ako sa kanila. "Nasa Dragon Empire camp." proud na sabi ni Tita Louise. Nagkatinginan kami ni Dite. Nasa Dragon Empire si Lulu. Isa lang ibigsabihin nito, makakalaban namin sya. "Hindi na ako magtataka doon. Sinusundan pala nya kayo ng yapak huh." sabi ni Tita Zoe. "Pero Tita bakit hindi man lang kami dinalaw ni Lulu bago sya pumunta doon?" singit ko sa kanila. Nakangiting tumingin sakin si Tita Louise. "Mas maganda kung sa loob kayo ng court magkikita kita ulit." sabi nya. "Alam ko kasing dito kayo ni Dite." napanguso naman ako. Akala ko pa naman makikita ko si Lulu. Sya lang kasi ang mahirap makita. Si Tyrant nakakasama namin ni Dite. "Kaya mo na bang talunin si Lulu, Zandy?" tanong ni Tita Japan. Nakitbitbalikat ako. "Not sure lalo na magtra-training pala sya sa Dragon Empire." sabi ko pero hindi naman ako nababahala na kung nandon sya. "Mukhang may tinatago ka pa." sabi ni Tita Japan. Napangiti na lang ako. "Natural, isa sya sa best weapon ng Miracle." sabi ni Tita Zoe. "Mukhang pinaghahandaan na ninyo ang pagpapatumba sa Dragon Empire." sabi ni Tita Louise. "Mukhang exciting ang magaganap next year at sa susunod pa na taon sa Cup. May secret weapon ang Shakers at Miracle habang nasa camp si Lulu, Kriza at Zap." dagdag nya. Tumingin ako kay Dite. May secret weapon ang Shakers. Siguradong isa don si Tyrant. "Paano mo kakalabanin ang dalawa?" tanong ni Tita Japan. "Si Kriza at si Zap na ilang beses kaming natalo ni Ate Kill." "Ah yon ba? edi ang sunod na captain ng Miracle ang bahala sa kanila." simpleng sagot ni Tita Zoe. Tumingin sakin ang dalawa na ikangiti ko na lang. "May tinatago ka pa talaga." sabi ni Tita Japan. ---------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD