Kriza's POV Huminga ako ng malalim habang kaharap ko si Liza na drini-dribble ang bola. Hindi sya nakatingin sakin kundi sa likuran kung saan si Dite. Kanina pa yan na nakatingin kay Dite simula nung pumasok si Dite. Halatang interesado sya kay Dite, pero pasensyan na lang sya, walang paki si Dite sa kanya. Bumilis ang dribble nya at pagkilos. Sumugod sya sa kanan ko na sinundan ko naman. Napatingin sya sakin dahil hindi sya makalagpas sakin. Bigla syang tumigil at ipinasa ang bola sa kanang kamay nya tsaka nagbalak pumunta sa kaliwa ko pero naharangan ko rin agad sya. Napaatras na sya dahil don. Nagtataka naman syang tinitignan ako. Nag-crossover sya at nag-step forward sakin na ikaatras ko tsaka sya bumalik sa pwesto nya at tumalon. Mabilis akong humabol at nagawa kong i-block ang bol

