Rigel's POV Second quarter. Katulad ng inaasahan nila Sylvia, nagseryoso na nga ang Leon Sparks. Dito na namin nalaman ang totoong galing nila. Nahabol nila ang malaking lamang nila Sylvia. Hindi na rin makapuntos sila Sylvia dahil palaging nakukuha ni Olive ang bola, napipigilan ni Gel na bumalik sa paglalaro ang mga tira at sya rin ang nakakakuha ng rebound. Naging delikado ang team namin dahil don. Hindi na nakakapagtataka na sila ang champion sa WNBA. Bawat isa sa kanila ay magagaling. May ipagyayabang nga talaga sila. Pagod na pagod na sila Sylvia kahit second quarter pa lang. Maraming lakas na silang nasayang kakahabol sa Leon Sparks. Bumalik tuloy ang pang-aangas ng Leon Sparks dahil don. "Heh..." napatingin ako kay Dite. Sila ni Blysse ngayon ang nasa bench. Hindi pa rin sya nag

