Zaparta's POV Pagod na nahiga ako sa higaan pagkatapos kong magpatuyo ng buhok pagkatapos maligo. Sobrang nakakapagod ang training namin ngayon. Pinahirap kami ni Stace ngayon. Para syang demonyo ngayon na hindi naaawa sa lagay namin kaya tila ayoko ng gumalaw pa. Mabuti na lang rest day bukas kaya matutulog ako magdamag. "Kriza, inaantok na ako. Mauuna na ako matulog ngayon sayo." sabi ko na nakapikit. Kahit pagdilat ay nahihirapan ako. Gusto ko na lang matulog ngayon. "Sorry hindi kita makakantahan bago ka matulog. Hindi ko na talaga kaya." sabi ko pa. Hindi sya sumagot pero hinawakan nya ang ulo ko. Ngumiti ako at tumagilid paharap sa kanya. Gusto ko syang yakapin pero baka bawal. Hanggang hawak kamay pa lang ang nagagawa ko sa kanya pero gusto ko talaga syang yakapin. Bahala na nga

